Agatha's
Alas sais ng gabi ngayon at naka bihis na kami ni Martha dahil mamayang alas syete ay pupunta kami ng Plaza dahil isa si lolo sa sponsors nang Fiesta ang mag bibigay ng tropiyo at sash sa mga nanalong kandidatang mga bata sa Little Mr. and Ms. Santa Lucia. Naka upo kami sa sala nang dumating sina Clarit at Maria.
"Magandang gabi ho Senora, Don Pablo" bati ng dalawa sa lolo at Mama ko
tumango naman bilang pag tugon sina lolo
"O, Bakit hindi pa kayo naka bihis dalawa?" takang tanong ni Mama sa kanila
"Ah, ito na po yung susuotin namin Senora" tugon ni Maria na medyo na hihiya pa .
Napalakpak naman si Mama ng wala sa oras .
"Naku! hindi ako makakapayag na ganyan ang susuotin nyo sa paunang sayaw ng Fiesta! paano kayo makakasungkit ng mga magigiting na mga Ginoo mamaya sa sayawan nyan?" naka kunot noong wika ni mama at si lolo naman ay nakangiti lang habang kami ay nag tatakang tumingin sa kanya.
"Hindi na kasi kami naka dala ng damit Senora" sabi ni Clarit habang naka kamot sa ulo nya
"Ay nako kayong mga bata oo, Alam nyo ba nung kabataan ko ay ang Paunang araw ng Fiesta ang inaabangan namin ng mga Nanay nyo? Magkaibigan kaming matalik ng mga Inay nyo at hindi papayag si Tessa noon na ganyan ang suot nya" natatawang wika ni mama na inalala pa ang kabataan nya
"Si Inay ho Senora?" di makapaniwalang tanong naman ni Maria
" Oo hija, at alam nyo bang lagi kung napapagalitan ang mga Inay nyo noon dahil kasabwat nila si Reina pag tumatakas ng Hacienda maka punta lang sa sayawan" natatawa rin kwento ni lolo kaya natawa narin kami.
"Na alala ko nga noon na tinatapon ko sa baba ang damit ko at sa bahay kami nina Cecil mag bibihis" dagdag pa ni mama.
"Mabuti pa ay mag bihis kayo doon sa kwarto ni Agatha" sabi ni mama .
"Po?!" sabay naman na tanong ng dalawa kaya na tawa si Martha sa kanila.
"Well, Mama is right mga ate ang pangit naman tingnan habang kami naka postura e kayo ganyan ang suot." naka ngiwing tugon ni Martha.
Kaya wala nang nagawa ang dalawa kundi sumang ayon nalang.
Maria and Clarit was for me my very first friend in Hacienda. Siguro dahil ay magkasing edad lang kami at magkaibigan rin ang mga magulang namin kaya pinag kakatiwalaan talaga sila ni Mama.
Napa tabon naman sila ng bibig nila nang maka pasok sila ng kwarto ko habang si Martha ay naka upo na sa kama ko at silang dalawa ay pina upo ko sa Sofa.
"Ano ang gusto nyong suotin? mag pants ba kayo o dress?" tanong ko sa kanila habang binubuksan ang aparador ko.
"Bestida nalang senorita, yun naman po ang suot ng halos mga kababaihan tuwing sayawan" sabi ni Clarit kaya napa tango naman si Maria
"Why ate? bawal ang jeans sa sayawan?" nag tatakang tanong ni Martha.
"Hindi naman sa ganun Senorita, merong mga dayo naman ang nag papantalon pero mag bibistida nalang kami para di na po kayo mahirapang mag hanap ng damit" wika ni Maria na sinang ayonan naman ni Clarit at tumango nalang ako.
"I have lot's of beautiful and sexy dresses in my closet, ang kaso walang kakasya sa inyo so mag tiis nalang kayo sa mga pang manang na dress ni ate" natatawang sabi ni Martha kaya tinapunan ko sya ng masamang tingin dahil humagikhik naman yung dalawa.
Kinuha ko ang isang itim at isang puting dress na binili namin nung pumunta kami ng Manila bagay sa kanilang dalawa ito. Simple lang pero bagay na bagay sa kanila ibinigay ko ang itim na damit kay Clarit dahil maputi sya at mas lilitaw ang kutis nito habang puti naman kay Maria.
YOU ARE READING
Santa Lucia Series #1 Rewrite the Stars
Roman d'amourAt kung katulad ng Buhangin sa Dagat ay pilit tayong pinag lalayo ng tadhana Ilang libong milya man ang pagitan sa ating dalawa Ilang libong rason man ang dahilan para tayo'y hindi magsama pero ito lang iyong pakakatandaan sinta Na ang pagmamahal k...