Chapter 19

8 0 0
                                    

Maaga ako nagising. Hindi rin ako nakatulog ng maayos kagabi gawa nag pag uusap namin ni kuya Gino. Dumagdag pa yung laro ko ngayong araw. Iwinaksi ko nalang sa isip ko yun bago tuluyang bumaba.

Pag ka baba ko ay nakita ko agad si lolo sa Veranda na nag kakape. Alas sais palang ng umaga at sa tingin ko ay tulog pa ang iba naming mga kasama sa bahay.

"Lolo, magandang umaga ho." bati ko sa kanya ng makalapit ako at nag mano.

Nakangiti naman ang lolo ko sa akin at hinalikan pa ako sa noo.

"Ang aga nyo namang nagising lolo" puna ko sa kanya

"Ganitong oras ay ginigising ako nang lola mo para mag kape noon" Alala nya sa nakaraan habang inaamoy ang aroma ng kape.

"Miss na miss nyo na ho siguro ang lola ano po?" Tanong ko sa kanya.

Bago sya sumagot ay nag utos muna sya sa isa naming kasambahay para ipag timpla ako ng kape.

"Walang araw at oras na hindi ko namimiss ang iyong lola apo" Sagot nito sa akin.

Sayang lang at maagang pumanaw ang lola at hindi nya na kami na abutan pang lumaki.

"Siguro kung buhay pa ang iyong lola ay matutuwa iyon dahil malapit sya sa mga bisita natin at masaya sya pag nakita nya kayong mga dalaga na at binata"

Nakangiting pahayag ni lolo. Lumapit naman ako sa kanya para yumakap.

"Lolo si lola ba ang unang inibig mo?" Tanong ko pa sa kanya

"Hindi apo, sa totoo nyan ay mag ka away kami noon. Hindi ko na isip na mamahalin ko sya dahil palagi kami nag babangayan noong mga bata pa kami"

Bahagya pang natawa si lolo habang nag kukwento.

"Pero ang lola mo ang huling babaeng minahal ko. Nung maghiwalay ang landas namin noon dahil nag aral sya sa Inglatera ay lubos akong nangulila sa kanya. Kaya hiniwalayan ako ng dati kung nobya dahil sya ang bukambibig ko"

Natawa naman ako sa kinunwento nya.

"Nung bumalik naman sya ay mabilis pa sa alas kwatro ang pag tungo ko sa plaza para makita sya doon pero may kasama syang lalaki isang Ingles kaya doon ko sinabi sa sarili ko na akin lang si Francheska kaya ayon ginawa ko ang lahat mapaibig lang sya"

Taas noong kwento pa nito sa akin kaya mas natawa pa ako.

"Ang lola mo ang pinakamamahal ko sa lahat ng mga babaeng naging kasintahan ko alam ko na dati pa nung mag kaaway palang kami ay minamahal ko na sya nun indenial lang ako. Kaya pinangako ko sa libingan ng lola mo na hindi na ako mag mamahal pa ulit ng iba dahil sya lang sapat na. Isang beses lang nagmamahal ng wagas ang mga Delcarmen kahit sabihin pa nating marami na tayo naging kasintahan."

Napaisip naman ako sa sinabi ni lolo. Hindi pa ako nakaramdam ng kakaiba sa ibang mga lalaki kahit sa dati kong kasintahan. Si Lucas kahit mahigit isang buwan palang kami magka kilala ay kakaiba na yung nararamdaman ko sa kanya kaya napahawak ako agad sa dibdib ko.

"Tapos kana ba mag kape apo? tara at ipapasyal kita sa taniman at papakilala kita sa mga tauhan natin"

Aya sa akin ni lolo kaya tumayo naman ako agad para sumama sa kanya. Sinuot ko naman sa kanya ang Roba nya para hindi sya ginawin dahil dito sa Santa Lucia kahit alas syete na ng umaga ay malamig parin ang simoy nang hangin.

Kahit na matanda na si lolo ay makisig parin ito. Nasisilayan parin ang kagwapohan nya. Kaya na alala ko naman tuloy ang mukha nya nung kabataan nya. Kamukhang kamukha ni Papa Gilford pero mas matapang ang awra ni lolo kaysa sa kanya.

Nakahawak sya sa baston nya habang ang isang kamay nito ay nasa likuran nya. Inilibot ko naman ang paningin ko sa paligid. Napakaganda talaga ng Delcarmen. Ano pa kaya sa panahon ng mga ninuno namin.

Santa Lucia Series #1 Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now