Chapter 16

9 1 0
                                    

Agatha's

Nasa BNK kami ngayon at nag hahanda sina Maria ng mga plato kasama sina Kyle at Clarit habang kami ay naka upo sa mesa kasama ang ibang mga members ng Kabataan Organization.

katabi ko si Lucas at Kuya habang si Cheska at Yohan naman ay nasa gilid ni Kuya Gino andoon rin sina Miguel.

Wala si Martha ngayon dahil nag iinsayo mangabayo kasama sina Uncle Aiken sa Hacienda

"Gino, e pa kilala mo naman kami sa mga bisita mo" ani ni Kaizer.

Ngumiti naman si Kuya Gino at ipinakilala ang mga kaibigan nya

"Guys, this is Cheska and Yohan mga kaibigan ko galing Manila"

"Hi nice to meet you all" nakangiting sabi ni Cheska si Yohan naman ay tumango lang

"Hanggang ilang araw kayo dito?" tanong ni Angela

"Hanggang matapos ang Fiesta nyo" sagot ni Cheska

Ngayon namang dumating sina Maria na bitbit na ang mga plato at mga ulam

Sa harap namin naka upo si Maria katabi nito si Kyle sa tabi naman ni Kyle ay si Clarit at Franco.

"Maam Cheska" tawag ni Mart sa kanya

"No, just call me Cheska" natatawang sabi ni Cheska nilingon ko naman si Kuya Gino na pasimpleng nag mamasid kay Maria na inaayos ang plato

"Senorito" sabi ni Maria na inabot kay Kuya ang Plato habang naka ngiti

inabot nya rin sakin ang plato at nag pasalamat naman ako sa kanya

"Cheska Cyril Fexa yan ba yung full name mo?" tanong ni Mart sa kanya kaya napatingin naman kami kay Mart

"Yeah, how did you know that?" takang tanong naman ni Cheska sa kanya

"Isa ka pala sa magiging judge ng horse racing bukas" dagdag pa ni Mart

"Really?" tanong ko

"Ah yeah" nahihiyang sagot ni ni Cheska

"Why you didn't tell us" sabi pa ni Kuya Gino tumango naman si Yohan sa tabi nya

"Ahh hehe hindi ko ba na sabi sa inyo" saad ni Cheska na nag pa lipat pa ng tingin kina Kuya Gino at Yohan .

"opsoo" (hindi) ani ni Kuya

"Supposedly si Daddy yun kaso tin-rain nya si Martha so ako nalang daw since nangangabayo din naman ako" kwento pa ni Cheska

"Talaga? wow!". sabi pa ng ibang members kaya nahihiya namang nag tango tango si Cheska

"Senorita" tawag sakin ni Lucas habang pasimpleng hinawakan ang kamay ko. Hindi naman kita dahil mahaba naman yung mantel ng mesa kaya nilingon ko sya habang kinurot ang kamay nya.

Noon naman nag salita si Kuya Gino kaya sabay kami ni Lucas na lumingon sa kanya

"Bakit parang di ko nakikita si Arabella ngayon?" takang tanong ni Kuya at nilingon si Lucas

Who's Arabella?

"Lucas? text mo nga syota mo kung asan na yun nang maka kain na tayo" dagdag pa ni Kuya kaya napa ubo naman si Lucas habang questionable ko syang tiningnan at pasimple ding nakatitig sina Maria at Clarit sakin.

"Ok" nasambit lang ni Lucas at nag text nga sa cp nya marahas ko naman kinuha ang kamay ko na hawak nya kaya lumingon sya sa akin na napa awang pa ang bibig.

Hindi ko maintindihan ang aking nararamdaman na parang niloko ako. Sino ba si Arabella? at bakit hindi man lang nya pinag kaila na wala syang girlfriend? Ibig sabihin ba nun may girlfriend si Lucas?

Santa Lucia Series #1 Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now