Alas syete ng gabi ng mag simula ang coronation night ng little Mr. and Ms. Sta. Lucia sa harap kami naka upo sa isang table kasama ang ibang mga sponsors rin sa fiesta na mga may-ari rin ng Hacienda.
Katabi namin si Mayor Eguales na syang kumpadre ni Lolo. Napagitnaan ako ni Uncle at ni Martha sa tabi ni Martha ay si Marga tapos si papa na kalong si Uno then si Mama at si Lolo.
Pinakilala naman kami isa isa ni lolo sa mga kaibigan nyang mga Haciendero rin at mga nasa Politika wala kaming ibang narinig kundi puri galing sa kanila.
Inilibot ko ang paningin ko sa mga tao sa loob ng Gym. Halos lahat ng kababaihan ay naka titig sa Papa at Uncle ko. Nalaman kasi namin sa mga kaibigan ni Lolo na si Uncle daw ay isa sa mga lalaki sa henerasyon nya na pinagkakaguluhan noong kabataan nya. Kaya pala ngiti ngiti itong tiyo ko sa tabi ko.
Totoo naman given ng Gwapo si Uncle at Macho parin kahit nasa early 40's na sya plus B.Empire member din sya.
Nang mag simula na ang bigayan ng trophy ay inalalayan naman ni Mama si lolo pa akyat sa stage para mag bigay sa first princess at prince tas nag picture rin sila. Tumayo din ako para kuhanan ng litrato ang lolo at si Mama.
Nang matapos ang Coronation night ay may Comedy Entertainment naman na mag aaliw sa mga tao bago mag simula ang paunang sayawan para sa mga kabataan. At sa mga young at hearts daw sabi ng Emcee
"Maraming salamat po sa pakikinig at sa pag aya sa amin na mag tanghal at magpasaya sa inyo ngayong gabi.. Happy Fiesta Santa Lucia!".
Maligayang wika ng isang entertainer at ibinigay ang micropono sa Emcee at
"Sa uulitin ho ay maraming salamat sa pag dalo sa unang araw ng ating Fiesta. Sa ating mga butihing mga Don at sa ating Mayor, Mayor Eguales salamat po sa inyo. Kung hindi po dahil sa pag tutulungan nyo ay hindi ganito ka garbo ang ating Fiesta"
Sabi ng Emcee at inisa isang binanggit ang mga sponsors ng Fiesta at nag palakpakan naman kami.
"At dahil Fiesta natin ngayon at marami tayong bisita galing pa sa ibang bansa at para narin sa pag wewelcome back natin sa kauna unahang mutya ng Santa Lucia na si Senorita Reina Delcarmen na ngayon ay Senora Reina Hernandez na"
nahihiya naman si mama na sinisinyasan ang emcee na wag na iyon e pa alala kaya inakbayan sya ni papa
"Ang bilis ng panahon dati ay munting binibini kapa noong unang pag sali mo sa Mutya ng Santa Lucia". dagdag pa ng emcee
Sa katapusan ng Fiesta ay mag jujudge si Mama para sa competition ng Mutya ng Santa Lucia 2018.
"Maari ba naming ma anyayahan ang iyong napaka gwapong asawa Senora?". tanong ng Emcee kay mama kaya napatingin naman si Mama kay papa at tumango naman si papa at tumayo papuntang stage kaya nag palakpakan naman ang mga tao
"Magandang gabi Senor, maari ba namin malaman ang pangalan ng bumihag sa aming Mutya" malokong tanong ng Emcee kay papa at tumawa naman ang mga tao kahit si lolo ay napa tawa rin pero si Mama ay namumula habang titig na titig kay papa
"Good evening, I'm Juan Hernandez Sr." nakangiting sagot ni papa
"Senor Juan, dito naba kayo mamalagi sa Santa Lucia?" -Emcee
"Depende, my Father Don Pablo wanted us to be here but my company in France will be needing me" sagot naman ni papa at tumango tango naman si lolo
"Totoo po bang meyembro din kayo ng Billionaire's Empire?" tanong ng Emcee na syang hinihintay ng mga tao doon
"No, my lovely wife won't allow me baka daw maging babaero ako" natatawang sabi ni papa kaya napa hagikhik naman si mama
"He was qualified to be a member even the owner Invited him. ayaw lng ng bayaw ko kasi ayaw ng mahal na Reina.. alam nyo naman Queen's order must follow all the time" natatawang sabi ni Uncle kaya inabot pa sya ni mama para kurotin
YOU ARE READING
Santa Lucia Series #1 Rewrite the Stars
RomanceAt kung katulad ng Buhangin sa Dagat ay pilit tayong pinag lalayo ng tadhana Ilang libong milya man ang pagitan sa ating dalawa Ilang libong rason man ang dahilan para tayo'y hindi magsama pero ito lang iyong pakakatandaan sinta Na ang pagmamahal k...