Mula kagabi ay hindi kami nag papansinan ni Kuya Gino. Actually ako lang naman ang hindi pumapansin sa kanya.
I am still upset sa nangyari kahapon. Mangin sina Maria at Clarit ay nakapansin na rin sa hindi namin pagkibuan ni Kuya.
Kagabi nga ay nag paiwan sya sa mansyon hindi sya sumama sa amin sa plaza. Kesyo meron daw syang gagawin.
Flashback
"Gino? bat hindi kapa naka bihis?"
Tanong sa kanya ni Momsie Ysabelle nang bumaba ito mula sa kwarto nya na naka pajama at sandong puti.
I look at him briefly. Pinapakiramdaman ko lang sya nang tumigil sya sa likod ko.
"I can't come with you Mom. I have some school stuff to do. Baka hindi ko ma tantya at ma suntok ko yun"
Makahulugang pahayag ni Kuya Gino. Kaya napa istatwa naman ako sa kinauupuan ko. Alam ko kung ano ang ibig sabihin nya.
"At sino naman ang susuntukin mo aber?" Biglang sabat ni Lolo pagkababa nito sa hagdan habang inaayos ang neck tie nya.
"My projects Lolo" at sinabayan nya iyon ng tawa.
Pero alam ko sa loob loob ko na Hindi naman yun ang pinupunto nito. Si Lucas ang tinutukoy nya.
Kumuha lang sya ng tubig sa kusina at inihatid pa kami sa pinto nung paalis na kami bago sya umakyat. I can feel his stare pero hinahayaan ko lang.
Gamit ko ang kotse ni Kuya Gino at kasama ko doon sina Clarit at Maria. Si Martha kasi ay nasa BNK na. Hinatid sya doon ni Papa kanina.
"May problema ba kayo ni senyorito Gino senyorita?"
Tanong ni Maria. Kaya napatingin ako sa kanya mula sa review mirror. Tumango naman ako at bumuntong hininga kaya nag katinginan ang dalawa.
"Bakit ho senyorita?" Tanong ni Clarit.
"Ewan ko ba doon sinabihan ba naman ako na hindi nya nagugustuhan ang panliligaw ni Lucas sa akin"
Inis na kwento ko sa kanila.
"Their best friend for Pete's sake"
Usal ko pa.
"Baka naman kasi ho dahil nga mag best friend sila kaya ayaw nyang manligaw sa inyo si senyorito Lucas. Baka pag nagka problema kayo e mapapagitna sya sa inyong dalawa"
Mahinahong wika ni Maria.
"Hindi e, he also said something like my mother won't allow it. Parang Kasi meron silang alam na hindi ko alam"
Tumahimik naman ang dalawa.
"Hayaan mo nalang muna ang pinsan mo senyorita magiging ok din kayo nyan"
Bumuntong hininga nalang ako at nag focus sa pag mamaneho. Hindi rin naka rating si Lucas. Ang huling mensahe nito ay niyaya daw sya nang mga trabahante nila sa salo-salo.
END OF FLASHBACK
Nag paalam naman ang mga bisita namin dahil uuwi na sila ngayong Umaga. I said thank you to them and kiss them one by one.
"See you again sweetheart"
Paalam ni Auntie Zhynic bago ako hinalikan.
"Sayang naman hindi kayo maka dalo sa huling sayaw mamaya"
Ani ko kay Cheska na yumakap sa akin.
"Oo nga eh, pano di naman ako papayagan ni Papa na mag pa iwan. Mabuti sana kung magpapaiwan rin si Yohan. Eh kaso uuwi sya bukas ng Japan"
YOU ARE READING
Santa Lucia Series #1 Rewrite the Stars
Roman d'amourAt kung katulad ng Buhangin sa Dagat ay pilit tayong pinag lalayo ng tadhana Ilang libong milya man ang pagitan sa ating dalawa Ilang libong rason man ang dahilan para tayo'y hindi magsama pero ito lang iyong pakakatandaan sinta Na ang pagmamahal k...