Chapter 2

19 1 0
                                    

"Papa how long it will take for us to arrive in the Philippines?" Iritableng tanong ni Martha sa ama nya.

"Isang oras nalang anak konting tiis nalang" nakangiting sagot naman ni Juan sa dalaga nya.

Sakay sa private plane nila ay abala ang bawat isa para hindi sila ma inip sa kanilang byahe si Reina ay naka tulog ngayon sa harap ng kanyang asawa at si Juan naman ay suot ang salamin nito habang inaatupag ang mga papeles nang negosyo nila.

Ang bunsong si Uno naman kung tawagin nila ay na nonood lamang nang nursery Rhyme sa Ipad nito samantalang si Marga ay nanood rin. Si Martha ay nakikinig ng music at si Agatha ay naka pangalumbaba sa bintana ng eroplano.

Nung nag salita ang piloto nila ay saka lamang inayos ni Juan ang mga papeles nya at ginising ang asawa.

"We're here" wika nya sa mga anak kaya naman nag handa na ang nga ito pa baba.

Sa Delcarmen Ind'l. lumapag ang private plane ng mga Hernandez at pag baba palang nila ay sumalubong na si Gilford Delcarmen na nakakatandang kapatid ni Reina.

"Hello! welcome to the Philippines!" natatawang sigaw nito sa kanila kaya patakbo namang sumalubong si Reina sa kapatid.

"I miss you kuya" ani ni Reina habang naka yakap sa kuya nya.

"It's been a while mahal na Reina" sambit ni Gilford at hinalikan sa noo ang kapatid.

"Juan! aking kapatid mukhang mas lalo tayong pumogi ah"  natatawang pag bati nito sa kanyang bayaw at niyakap.

"Hindi ka parin nag babago Gilford" iling na wika nito sa kapatid ng kanyang asawa.

"Pag usapan natin ang pag sali mo sa B.empire Juan" panimula ni Gilford sa bayaw nito.

"Hep! kuya wag mong subukan baka matuto pang mang babae ang asawa ko pag pumasok sa Emperyo nyo"  Naka simangot na pag labag ni Reina sa kagustuhan ng kapatid nya habang naka hawak pa sa mga bisig ng asawa. Umiling iling naman si Gilford sa inasta nang kapatid nya.

"Well ito na ba ang mga munting Prinsesa ko? Oh little Juan! " masayang sambit nito sa mga anak ni Reina at kinalong pa si Juan sa bisig nya.

Isa isa namang nag mano ang mga pamangkin nya sa kanya.

"You have grown into a beautiful woman my first princess " pag papuri ni Gilford kay Agatha

"Thank you papa" nakangiting tugon ni Agatha sa Tiyo nya

"Marahil ay ngayon nyo lang nakita sa personal ang papa Gilford nyo Martha at Marga dahil ni minsan hindi pa naka dalaw ang uncle nyo sa bahay natin sa France pero na meet na sya ng ate nyo nung bata pa sya" naka ngiting pag paliwanag ni Reina

"Yes, seven years old kapalang ata noon hija"  dagdag naman ni Gilford

"Hmm excuse me po, but can we possibly go inside the car because my jetlag pa po ako e "  naka kunot noong pag iinterupt ni Martha sa usapan nila.

"Martha!" saway naman ni Reina sa anak

"Ang bilis mo palang ma bagot pamangkin ko"

Martha just rolled her eyes for an answer

"Martha" ma authoridad na tawag naman ng ama nito sa kanya kaya umayos naman sya.

"It's ok Juan ganyan na ganyan din naman ako noong kabataan ko " Natatawa nalang na sambit ni Gilford habang niyaya sila nitong maglakad na patungo sa kotse na sasakyan nila

"Sa lahat nga na pwedeng ma mana nya sayo kuya ay ang pagiging Iritable at bagotin mo pa" napa iling nalang na pag sang ayon ni Reina

Nung malapit na sila sa kotse ay napatakbo naman ng wala sa oras si Martha at hinimas pa ito

Santa Lucia Series #1 Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now