Chapter 14

9 1 0
                                    

Agatha's

Nagising ako sa pag titilaok ng manok. Naka ngiti ako habang inuunat ang aking mga kamay habang inaalala
ang mga kaganapan kagabi sa pagitan namin ni Lucas. Ramdam ko parin ang pag kabog ng dibdib ko habang naiisip yun.

Bumaba naman ako sa aking kama at naligo na at bumaba ng kwarto para maka sabay ako ng umagahan kanila lolo.

Hindi pa ako tuluyang naka baba sa hagdan ng makarinig ako ng mga halakhakan sa baba kaya mabilis ang pag lakad ko sa hagdan.

"Oh gising kana pala Hija" naka ngiting sabi ni Uncle sakin nung makita ako pababa ng hagdan.

Andun na pala silang lahat ako nalang ata ang inaantay nila para mag simula sa agahan.

Mula sa Kusina ay lumabas doon si Momsie Ysabelle kaya lumaki ang mga mata ko at nilibot ang mata sa lamesa nang mag tagpo ang paningin namin ni Kuya Gino! na ngayon ay naka ngiting tumango sa akin.

Tinakbo ko naman yung hagdan papunta sa kinaroroonan ni kuya Gino. Tumayo naman ito at hinantay akong bumaba . Patalon na napayakap ako sa pinsang mahal na mahal ko. Kuya Gino was an Older brother I never had. Na alala ko nung mga bata pa kami ay lagi nya ako pinag tatangol sa mga nag aaway sa akin at sinasalo sa galit ni mama kapag may nagawa akong mali. He was may first super hero a very reliable Kuya and I missed him so much!

Bumaba naman ako sa pag akap kay kuya dahil tawa ito ng tawa at niyakap ko ulit sya

"I miss you Kuya!" sabi ko, parang bumalik ako sa pagka 5 years old noon na tuwang tuwa pag umuuwi sina Kuya galing Manila.

"I miss you too ngit" sabi ni Kuya habang ginugulo ang buhok Ngit tawag nya sakin kahit dati pa short for Pangit kasi ang pangit ko daw hummp!

"Kakadating nyo lang?" tanong ko pa sa kanya

"Kagabi pa" naka ngiting sagot nito.

"Eh? naka punta kaba ng sayawan kagabi?" tanong ko sa kanya dahil bigla akong nag suspitya na sya iyong kasayaw ni Maria kagabi.

"Nope. Pagod ako sa byahe e kaya na tulog agad ako" sabi nya kaya bumagsak naman ang braso ko pag kuwan. Sino kaya yung kasayaw ni Maria kagabi?

"Agatha, meet your cousin Althea" basag ni papa sa tawanan namin ni Khuya Gino.

Oh right! Andito rin pala ang isa ko pang pinsan na ngayon ko palang na meet.

Lumingon naman ako sa babaeng katabi ni Martha at malapad na ngiti ang ginawad niyon sa akin

"Hello Althea, Im Agatha" pag pakilala ko sa pinsan ko

"Hello Ate, nice to meet you po" naka ngiting sabi nito sakin.

Ang ganda ni Althea. sya yung girl version ni Kuya Gino singkit ang mga mata nito gaya ni momsie Ysabelle. May lahing Korean kasi si Momsie kaya mapuputi sila.

"Ate, I brought something for you. Mommy said you like strawberry Jam, so I made this one for you" masayang sabi nito sa akin at ibinigay yung Jam na ginawa nya binuksan ko naman iyon at tinakman

"Masarap nga Althea! thank you dito ha" sabi ko sa kanya at niyakap sya ulit. Nilingon ko naman si Martha sa tabi nya. At sana mag ka bati sila.

"Martha" tawag ko sa kanya lumingon naman si Martha sa akin at ngumiti

"She brought me this ate and I like it so much". sabi nang kapatid ko at pinakita sa akin ang nga figurines ng anime na paborito nya

"Sakin din ate, Ate Althea give me this hairclips ang cute" masayang sabi ni Marga kaya tumawa naman ako

Santa Lucia Series #1 Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now