Agatha's
Hapon na nang matapos sila Clarit sa kanilang ginagawa. Niyaya ko naman si Yohan na bumalik na sa kinaroroonan nina Kuya Gino kasi parang na susuffocate ako doon knowing that ang lapit lang ni Lucas at Belle sa akin. Naninikip ang dibdib ko.
Nasa bench kami ni Yohan at nakatingin kana Kuya Gino at Cheska na nag huhugas nang kamay kasi tumulong sila kanina sa pag pintora nang stage.
"Yohan, may gusto ba si Cheska sa Kuya Gino ko?".
Biglang tanong ko sa kanya kaya napatitig naman sa akin si Yohan at bumaling muli sa gawi nila Kuya
"Maybe" he shrugged
"Bakit maybe? diba friends kayo? dapat alam mo" ingos ko naman sa kanya.
"Hindi ako sigurado, pero baka, kasi pag tinatanong ko naman sya lagi nyang sinasabi na hindi at iba yung gusto nya but her actions is showing otherwise" Mahabang wika nito at umayos sa pag ka upo habang naka bente kwatro at nag cross arm pa.
"Really?" tanging na sabi ko nalang.
"Mabait si Cheska hindi rin impossible na magka gusto si Gino sa kanya" Nahimigan ko naman ang lungkot sa boses nito pero hindi ko na iyon pinansin pa ayoko namang mag assume.
"Matagal na ba kayong mag kaibigan?"
"Yup, since 9 years old" naka taas ang dalawang kilay nito na sabi.
"Luh? totoo?" Hindi ko makapaniwalang sambit.
"Our Dad's are both members of Billionaires Empire and Tita Ysabelle is working in the Empire as well kaya lagi din doon si Gino same with Cheska"
Sabi pa nya kaya tumango tango pa ako
"Eh ano naman ang gusto nang kuya ko sa babae?" tanong ko kasi naman no? Team GinoXMaria ako
"Gusto nya ba ang tipo ni Cheska?" dagdag ko pa.
Napa isip naman ito kasi di pa sya naka sagot bigla sabay turo sa gawi ni Maria kaya lumaki naman ang mata ko at excited na lumingon sa kanya
"I think he likes a girl like her" sabi nito habang hindi inaalis ang panigin sa kaibigan ko .
Palihim naman akong napa Yes kasi may chance ang bangka kung lumayag!
Team GinoXMaria for the win!
Na putol lang ang kwentohan namin nang lumapit sa amin si Lucas
"Senorita, maari ba tayong mag usap?" seryosong tanong nito lumingon naman ako kay Yohan at tumango naman sya pero hindi pa ako tumayo
"Bakit?" tanging na tanong ko
"Maari ba tayong mag usap na tayo lang?" buntong hininga na pag uulit nito
"Go on, Gino and Cheska is coming here" sabi nito at nakita ko naman na nag lalakad na sila kuya pa balik sa amin kaya tumayo na ako sumabay kay Lucas sa pag lakad
"Tungkol saan ba ang ating pag uusapan senorito?" tanong ko nang maka hinto kami sa isang bench
"Akala ko ba ay hindi ka gusto ng Yohan na yun? at bakit nag papaligaw kapa samantalang nililigawan kita?" galit na tanong nito umusbong naman ang galit sa dibdib ko dahil sa tanong nya
diba dapat ako yung magalit? dahil sa nalaman ko kanina? kumunot naman ang noo ko pag kuwan.
"Akala ko rin ba senorito na wala kang girlfriend? at bakit manliligaw ka samantalang may karelasyon kana?" pinipigilan ko ang sariling hindi ma piyok kasi feeling ko ay niloko talaga ako ni Lucas
Nagulat naman ito sa tanong ko at bumuntong hininga
"Wala naman talaga akong nobya senorita" wika nito
YOU ARE READING
Santa Lucia Series #1 Rewrite the Stars
RomanceAt kung katulad ng Buhangin sa Dagat ay pilit tayong pinag lalayo ng tadhana Ilang libong milya man ang pagitan sa ating dalawa Ilang libong rason man ang dahilan para tayo'y hindi magsama pero ito lang iyong pakakatandaan sinta Na ang pagmamahal k...