Chapter 4

19 1 0
                                    

Agatha's

Alas otso ng umaga ay nasa hapag kainan na kaming mag kakapatid kasama si lolo. Si mama at papa kasama si little Juan naman ay umalis kung kaya't kami lang yung kumakain ngayon.

Nasa kalagitnaan kami ng pagkakain nang pumasok si Uncle at nag mano kay lolo.

"Saan ka galing Papa?" tanong ni Marga habang ngumunguya nang hotdog.

"Don't talk while your mouth is full Hannah Margarette that so unlady like" saway naman ni Martha sa kanya.

"Je suis désolé ate" (I'm sorry). tumango naman si Martha bilang pag tugon.

"Galing akong Central Marga at umuwi ako dahil nag message sakin ang mama nyo na kailangan natin pumunta nang Manila"

Tugon ni Uncle at umupo sa mesa nilagyan naman ng isang katiwala namin si Uncle ng malamig na tubig sa baso.

"Nasa Manila ba sina Mama?" tanong ko naman sa kanya.

"Oo hija kaninang alas singko  sila umalis di na sila nag paalam sa inyo dahil mahimbing pa ang tulog nyo"

"What are we going to do in Manila Papa?" tanong ni Martha

"Ah yeah! I almost forgot why I'm here" wika ni papa at napakamot pa sa batok nito kaya napa hagikhik kami ng wala sa oras

"Dumating na daw galing France ang salamin mo Agatha kailangan mo daw kunin iyon dahil baka ma hilo ka na naman ang bata mo pa pamangkin para ma sira ang mga mata mo" ani ni Uncle

"Hindi naman po mataas ang grado ng mga mata ko Papa. Pero pag biglaang tumutok sakin ang sinag ng araw ay nahihilo po ako that's why binilhan ako nila mama ng salamin na umiitim yung lense pag natatamaan ng araw" pag paliwanag ko naman sa kanya.

"Ganun ba? "  ani ni Uncle at tatango tango pa.

"Oo nga pala meron tayong pupuntahang birthday party bukas ng gabi. Kaarawan ng aking kumpadre at tayo ay na imbitahan na pumunta. Masscarade ball ang theme ng kaarawan nya kaya bumili narin kayo ng masusuot nyong gown at bumili narin kayo ng damit na magagamit nyo dito sa pang araw araw dahil batid ko na konte lang ang damit na dala nyo dito sa Pilipinas".  Sabi ni lolo na isa isa pa kaming tinitingnan.

"Right, kaya tapusin nyo na yang agahan nyo at magbihis na kayo para di tayo gabihin"

Wika ni Uncle kaya binilisan naman namin kumain, naligo at nag ayos pag katapos.

Isa isa kaming bumaba pag katapos namin mag bihis at nag paalam na kay lolo bago lumabas ng Mansion.

"Are we gonna ride a car papa?" tanong ni Martha.

"No anak, traffic ngayon at baka gabihin tayo pag uwi kaya sasakay tayo ng Chopper" sagot naman ni Uncle at sumakay na kami sa kotse papuntang bakanteng lote sa pinaka dulo ng Hacienda nang makarating na kami ay agad naman kaming sumakay sa chopper

"Papa ma me-meet ba namin sina kuya Gino at Althea sa  Manila mamaya?" Tanong ko sa kanya.

"Hindi pa anak dahil wala naman sa Manila proper ang mga pinsan nyo hindi rin sila maka alis sa dorm nila dahil kailangan pa nila matapos ang last project nila para maka una sila mag bakasyon pero excited na rin silang makita at makasama kayo". Nakangiting sabi ni Uncle samin

"Ilang taon na po ba si Kuya Gino papa?" tanong ni Martha

"22 na ang kuya Gino nyo dalawa at kalahating taon ang agwat nya sa ate Agatha nyo" sagot naman ni Uncle

"E si Althea po?" -Martha

"Magkasing edad lang kayo Martha" nakangiting sagot ni Uncle

"Mabait naman po ba? at magkakasundo ba naman kami?" Nakataas pa ang isang kilay ni Martha habang nag tatanong kay Uncle kaya tumawa naman ito.

Santa Lucia Series #1 Rewrite the StarsWhere stories live. Discover now