Chapter 39

725 34 11
                                    

a/n: Sulitin ko lang pag-update ko . I'll be busy kasi midterm exam na at may part time job na ako . Pero , I still make a way to be with you guys . Mag-uupdate at mag-uupdate paren ako , ayaw ko namimissed kayo . Napamahal na ako sa inyo . Huhuhu :'(

Andrama lang !!

Enjoy Guys :)

-

-

-

Andrew's POV

1:30am na pero hindi paren ako makatulog . Ang lalim ng iniisip ko . Sa sobrang lalim hindi ko lang din maabot . Hindi ko kasi alam kung ano itong pumapasok sa utak ko .

What if anak ko nga si Adreana ?

Pero imposible ...

Pero paano nga kung oo ?

Hindi eh ? Talaga bang may posibilidad na maging anak ko si Adreana ?

Haissst !!! Sobra ng gulo ng utak ko .

Isa lang naman makakasagot ng mga tanong ko , si Shane . Pero ayaw ko kasi na makasama pa siya o makita man lang . Ayaw ko kasi hindi ko talaga maiwasan hindi maalala mga sakit na dinulot niya sa akin .

Isa pa I promised na hindi na siya kakausapin pa at hindi kailan man makikipagkasundo sa babaeng nanakit sa akin . I promised na kakalimutan ko na siya . Pero bakit kung kailan nakakamove on na ako saka pa dumating ang mga ganito .

Bakit ngayon lang ? Talaga bang pinahihirapan ako ni Shane ? Talaga bang hindi pa sapat pananakit niya sa akin noon at kinakailangan niyang bumalik pa sa landas ko ?

Pilit kung kinalilimutan ang mga nabubuong isipin sa utak ko . Mula ng makasama ko si Adreana kanina hindi na siya mawala sa isip ko . Kahit pa ng kasama ko ang fiance ko ay siya paren nasa utak ko at nakikita ng mga mata ko .

Ang mala anghel niyang tawa at ang sobrang kakulitan ng bata . Ang pagtawag niya sa akin ng daddy . Lahat nakikita ko at lahat nagpaflashback sa akin habang kasama ang fiance ko .

Dahil hindi ako makatulog ay minabuti kung maligo na lang baka sakaling mahimasmasan o baka makaramdam man lang ako ng antok .

Ginawa ko na lahat pero hindi ko paren magawang matulog . Silang mag-ina na naman pumapasok sa utak ko . Mali ito at unfair para kay Cassy , siya dapat iniisip ko dahil siya ang fiance ko pero bakit bumabalik na naman si Shane ?

Andrew , tigilan mo na pag-iisip mo kay Shane . Niloko ka niya at iniwan ka niya . Kaya utang na loob wag na siya pag aksayahan mo ng panahon . Naaawa ka lang doon sa bata . - sabi ko pa sa sarili ko habang nakaharap sa salamin . Uggggrrrrh . Whoa !!

Nagsuot na lang ako ng pang jogging ko . Mabuti ng magsisitakbo total 4:45 na ng umaga . Malapit na ren naman ako pumasok sa office . Magpapawis na lang ako kesa isipin si Shane .

Naglagay ako ng earphone sa tenga ko at nagpatugtug bg music sa ipod ko pero bakit habang tumatakbo ako ay ang mga nangyari sa amin ni Shane ang naaalala ko . Bakit pati dito ay ayaw ako tantanan ni Shane .

Ito kasi nagpakalunod ako nun sa pagmamahal sa kanya tuloy bumabalik na mga ginawa niya .

Pawis na pwis na ako pero hindi paren ako tumigil sa pagtakbo . Naiinis ako dahil puro si Shane ang laman ng utak ko . Mas binilisan ko na lang ang pagtakbo baka sakali na mapagod na ren utak ko kakaisip kay Shane .

45mins ako nagpapaikot-ikot sa pagtakbo . hanggang sa naisip ko ng umuwi . Sobrang pagod na ren ako . Kahit paano ay nawala sa isip ko si Shane . So kailangan mapagod pa ako ng ganito para lang hindi pumapasok sa utak ko ang taong yun ?

PALABAN GIRL meets PALABAN BOY - "KimXi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon