Chapter 49

772 39 4
                                    

a/n: Kamusta ? Naks ! Good mood ako ngayon kaya mag a-update ulit ako. Naka 95 ako sa presentation ko kaya sana maka 100% ako sa update ko na ito .

Enjoy 😊😊😍😍

-

-

Andrew's POV

Hindi ko talaga gusto ang idea na makasal at matali sa babaeng ninsan ng nang-iwan at nanakit sa akin.

Pero ano pa nga ba ang magagawa ko kung lahat sila pinagtutulakan kami sa isa't isa. Alam ko maging siya hindi gusto ang idea na ito.

Hindi pa ako handa makasal , lalo na hindi kami nagmamahalan ni Shane . Isa pa kakagaling ko lang sa break-up na katulad ng kay Shane yung basta basta ka iiwan . Tapos maraming tanong na iiwan sayo . Alam niyo yun yung maraming bakit na hindi masagot ?

WALANG paliwanag as in wala talaga. Yung tipong namamasyal kayo pero nagpaalam na magccr lang pero hindi ka na binalikan ? Pinagmumukha kang tanga diba ? Ang sakit nun , yung umaasa ka sa wala ?!

Kaya heto kahit labag sa kalooban ko nagpakasal ako sa kanya. Hindi ako sure kung magiging mabuti akong asawa sa kanya . Maging mabuting ama siguro pero hindi ng pagiging mabuting asawa .

Napagkasunduan namin ang mga ilang mga bagay. Iisang kwarto lang kami pero sa sofa ako matutulog at si Shane ay sa kama.

Hindi man ako sanay pero masasanay ren ang katawan ko. Medyo bitin para sa akin ang sofa kasi sobra akong matangkad para magkasiya reto.

Ayaw ko na idetalye ang nangyari sa kasal namin . Basta ang naalala ko lang nakatayo ako sa altar , at hinintay ang pagdating ni Shane sa harap ko .

Pagkatapos nagpalitan ng mga vows na pilit hinugot na mailabas . Para sa kasiyahan ng parents namin. Sila ang mas umiyak kesa sa bride at groom. Will dahil lang naman sa kanila kung bakit may kasalan ngayon eh !

Hinalikan ko siya sa pisngi lang . Syempre kalabisan na para sa force marrage ang halikan pa siya sa labi. I know hindi niya ren gusto ang kasalan na naganap . Nakikita ko sa mukha niya malungkot na iwan.

Siguro kasi naiisip niya si Gab. Tulad ngayon hindi mo mapaliwanag ang itsura niya . Parang kung anong sumapi sa kanya . Ayun nakatalikod sa akin at kahit na hindi ko nakikita mukha niya ay alam ko umiiyak ito at nalulungkot.

Ito ang unang gabi namin bilang mag-asawa kaya siguro naiiyak na siya kasi ito ren ang gabi na hindi na sila pwede magkita pa ni Gab . Nakatali na siya sa akin kaya hindi ako papayag na lukuhin na naman ako at ayaw ko mapagtaksilan.

Kahit ayaw ko sa kasalan ito pero kasi pagnabalitaan ko na nakikipagkita pa siya kay Gab ay hindi ko alam kung ano pwede ko gawin . Sana man lang respetuhin niya ako bilang ako na ngayon ay asawa niya.

Bakit ba , kasi nauso ang fixed marriage? Sige nga ipaliwanag niyo ? Hindi ba nila alam na parehas kami nagsusuffer sa pinaggagawa nila ?

22 years old na ako pero nasa magulang ko paren ang desisyon para sa kinabukasan ko . Gusto ko man tumanggi sa kagustuhan nila pero nakokonsensya ako . Ayaw ko saktan ang magulang ko kaya hanggat maari gagawin ko lahat ng makakapagpasaya sa kanila kahit kapalit kaligayahan ko .

Mahirap maging mabuting anak . Pero as long as nakikita kong masaya si mama masaya na ren ako.

Pero hindi dahil pinagbigyan ko sila sa kasalan na ito ay gagawin ko ng matino ang responsibeledad ko kay Shane . Hindi ko yun mapapangako . Kasi ng ikasal kami manumbalik lang ang sakit na iniwan niya sa akin.

PALABAN GIRL meets PALABAN BOY - "KimXi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon