Shane's POV
I thought everything was fine between Andrew and I but I was wrong. Bumalik na naman kami sa dati. Walang kibuan at parang stranger na naman kami sa isa't isa.
Hindi ko alam kung ano na naman ba ang problema. Nasabi ko na naman ang lahat kung bakit ko siya iniwan at kung ano anong rason ko pero bakit parang mas lalo pa siya lumayo sa akin.
Para tuloy kaming mga bata na away bati. Hindi ko naman siya inaway kasi kusa na naman siya lumalayo sa akin.
Pati sa kuwarto ay magkahiwalay na kami. Wala kasi ang anak namin nasa Amerika kasama ng grandparents niya kaya ayun sa guest room muna siya natutulog.
At dahil busy na den ako sa work, medyo madalang na kami magkita kahit na nasa iisang bobong lang kami nakatira.
Aalis siya ng maaga darating ng maaga , ako naman aalis sa bandang tanghali at uuwi ng hating gabi. Kaya paggising ko wala na siya sa bahay at pag dating naman ay tulog na.
Para magkita naman kami at para makipag-usap sa kanya ng seryoso minabuti ko na wag muna pumasok sa work. Itatanong ko kung bakit ganun siya sa akin , parang hangin na iwan . Parang nakatayong poste na nilalagpasan lang.
Pinagluto ko muna siya, sabi daw nila mas maganda mag-usap sa hapag kainan. Kasi bawal ang mag-away sa harap niyo kaya feeling ko makakapag-usap kami ng matino.
8:30 pm na mga 9:00 pm andito na yun sa house. Malapit ko naman na matapos ang isa ko pang niluto kaya tamang tama pagdating niya luto na ang lahat.
Nang maayos ko na ang lahat tinignan ko ang oras 8:45 pm na malapit na siya umuwi. Naupo muna ako sa sala at napagpasiyahan na doon na lang siya hintayin.
After 5 minutes narinig ko may dumating na kotse. Agad ko naman sinilip muna sa may bintana at nakita ko si Andrew. Hindi na ako lumabas sa main door na lang ako maghihintay at sasalubungin ang asawa ko.
Hi. - bati ko sa kanya at hinalikan sa pisngi niya magulat man siya wala akong paki asawa ko paren siya isa pa baka mawalan na ako ng oras para mapaibig siyang muli , tatlong buwan na lang ang natitira sa kasunduan namin. Saka kinuha ang briefcase niya.
Maaga ka yata umuwi ? Walang masyadong work?- tanong naman niya. Nang makabawi sa pagkagulat sa paghalik ko sa kanya. Awkward 😥
Hindi kasi ako pumasok. - i answered.
Ah. Ganun ba ? - sabi naman niya saka tumango-tango. Buti naman kinakausap na niya ako ng medyo matagal tagal.
Ah. Sige aakyat na ako. - paalam pa niya sa akin. Handa na sana siya para sa pag-akyat niya ng pigilan ko siya.
Wait. Nagluto ako baka hindi ka pa kumakain? Tara sabay na tayo. - pag-aaya ko pa sa kanya. Wag sana niya ako tanggihan.
Kumain na ako kanina , sige akyat na muna ako. - tinanggihan niya ako. Pero paano naman yung hinanda ko. Paano yung mga itatanong ko? Ano kakainin ko mag-isa lahat yun? Sobra kayang dami yun.
At yun na nga hindi ko na siya napigil pa kaya umakyat na siyang tuluyan. Ano pa nga ba magagawa ko?
I called Gab na saluhan na lang ako sa pagkain. Total kumain na si Andrew, panigurado gutom na den si Gab sa dami ba naman ng mga gawain namin sa office.
Tamang-tama girl, malapit na ren ako sa house niyo. May ibibigay ren akong mga papers kaya idadaan ko na sayo buti nakapagluto kana. - sagot pa ni Gab pagka aya ko sa kanya na pumunta sa bahay. Parang aso lang naamoy niya na tatawagan ko siya kaya ayun nagmadali ako lumabas sa gate para salubongin siya.
BINABASA MO ANG
PALABAN GIRL meets PALABAN BOY - "KimXi"
FanficHanggang kailan mo mamahalin ang isang taong ilang beses ka ng sinaktan ng paulit-ulit . Hanggang kailan mo mapaninindigan ang pagmamahal mo sa kanya kung paulit-ulit na niyang winawasak ang puso mo . Kailangan mo siya ? Kailangan ka niya ? pero w...