Chapter 35

825 33 10
                                    

a/n : Salamat po talaga ng marami sa mga nagrerequest ng book 2 neto kahit hindi pa po natatapos . Haba naman ng hair ko hindi pa nangangalahati eh dami ng request for book two .

Try niyo po muna mag vote at comment . Nang makita ko kung sino-sino ang active ng pagbabasa .

Thanks a lot po sa votes and comments na iniwan sa last chapter .

Enjoy ^_^

-

-

Shane's POV

Gandang pa welcome ang encounter namin sa resto kanina . Akala ko may space pa kami sa buhay ni Andrew pero mukha yatang huli na kami . May fiance na kasi siya .

Para akong binuhusan ng malamig na tubig ng sabihin niya ang salitang She's my Fiancee point on Cassy . Maganda siya at mukha naman mabait . Mukha yata nakahanap siya ng mas higit sa akin .

Parang sinaksak ang puso ko ng tawaging daddy ng anak ko si Andrew . Parang hindi tama na ipaalam kung anak niya si Adreana . Baka magulo ang masaya na niyang buhay .

Umalis na lang kami sa mall at umuwi na dito sa bahay kasama si Maxine . Bigla kasi akong nakaramdam ng pagod . Pagod na pagod . Nawalan na kasi ako ng energy pagkatapos ko malaman na my fiance ang lalaking minahal ko buong buhay ko .

Hinayaan ko tumulo ang mga luha ko na matagal ko ng pinigilan ng kaharap ko sila . Hindi na ako nahiya kay Maxine dahil alam naman niya siguro ang nafefeel ko .

Siya na lang ang nag-alalay kay Adreana na umiiyak din dahil hindi niya nakasama ang ama kanina .

Alam ni Adreana ang daddy niya kasi pinapakita ko naman ang litrato niya. Kaya ganun na lang kasabik ang anak ko makita ang daddy niya sad to say wrong timing kami sa pagdating .

Bes? Umamin ka nga sa akin ... - tumabi sa akin si Maxine naka upo kasi ako sa isang bench dito sa may garden area ng bahay .

Si Adreana tumahan na ba ?? - tanong ko sa kanya .

Wag mo ibahin ang usapan . At para wala ka ng dahilan para magdeny pa ulit sa akin si Adreana ay naka tulog na . Ngayon sasabihin mo ba sa akin ang katutuhanan ? Sino ang ama ni Adreana ? - sabi pa niya . Pero imbes na sumagot ako ay bumuhos pang muli ang mga luha ko . I guess alam na niya by now . Kilalang kilala niya na ako .

Si Andrew ? - mahinang tanong pa niya sa akin para makasigurado . Tumango na lang ako saka yumakap sa kaibigan ko . Ngayon nga lang kami nagkita ulit pero sa ganito pang paraan .

Sssssh ... Bakit tinago mo to ? Sana kahit sa akin man lang sinabi mo. Alam mo naman na kahit sa anong paraan kumakampi ako sayo . Maasahan mo ako alam mo yan pero bakit ? - pagtatanong pa niya , habang magkayakap kami . Bahagya ako bumitaw sa pagyayakapan namin sa pinunas mga luha ko at humarap sa kanya .

Kasi , ayaw ko na mahirapan pa kalooban mo ng dahil sa akin . Alam ko naman na palagi kita maasahan kahit na ako na yung mali pinagtatakpan mo ako lagi . Kaya lang sa mga panahon na yun naisip ko baka sa pagdating ng araw eh , mahirapan ka ng dahil sa akin . Ayaw ko na madamay ka pa sa galit ng parents ko in case na malaman nila to . - paliwanag ko pa . Si Maxine kasi yung tipong super loyal friend . Never pa niya ako nilaglag mula ng maging magkaibigan kami . Kaya nga hindi ko na pinaalam kasi alam ko pagtatakpan niya na naman ako . At pagdumating ang araw na malaman ng parents ko ito baka madamay na siya sa galit nila .

Shane naman . Anong tingin mo sa akin ? Hindi ako ganun kaduwag para matakot . Isa pa paano mo nasabi na magagalit sila sayo ? Anak ka nila . Kaya paano sila magagalit sayo . Maiintindihan ka nila for sure . - sabi pa ni Maxine . Exactly anak nila ako . Anak na pagnakamali ay pwede nila parusahan . Alam ko na mali ako pero ppaano nga kung nalaman nila na buntis ako noon , paano kung may gawin sila . Paano kung ipakasal kami agad ni Andrew ? Mga bata pa kami nun at may pangarap si Andrew na kailangan din niya matupad ganun din naman ako . Kaya ginusto ko suluhin na lang ang lahat.

PALABAN GIRL meets PALABAN BOY - "KimXi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon