Andrew's POV
Hindi ka makatulog? - tanong pa ni Shane. Napansin yata ang pag tayo at pag upo ko mula sa sofang tulugan ko.
Pilit ko kasing inaalala kung sino nga ba si Mary Jane . Almost a month ko na siya pilit na inaalala pero hindi ko talaga siya ma figure out kung saan ko siya nakita o nakasama.
Pero sure ako hindi ko siya naging ex .
Iniisip ko minsan bakit kailangan ko pa siya alalahanin kung hindi naman talaga kailangan. Una dahil wala naman akong kasalanan sa kanya , pangalawa ni hindi ko nga siya kilala eh. At pangatlo hindi naman ako ang pumatay sa kanya.
May problema ka ba ? - follow up question ni Shane.
Huh? W-wala naman. Okay lang naman ako , i-ikaw bakit hindi ka pa natutulog?- tanong ko naman sa kanya. Tinignan ko ang relo ko at pasadong alas tres na ng umaga.
Wala lang din. Hindi ako dinadapuan ng antok eh. - sagot naman niya. Oh, by the way medyo ayos na kami ngayon ni Shane. Nag-uusap na kami ng parang magkaibigan. Pero hindi kami ganun ka closed. Pero atleast we tried to be friends to each other. For our daughter.
I realized na masyado na pala ako masungit kay Shane eh, parehas naman kaming biktima ng sitwasyon na ito.
Hindi lang naman ako ang napilitan magpakasal kung hindi siya ren kaya bakit ko pa nga ba dadagdagan ang sakit na nararamdaman niya.
Kaya i tried to be friend with her. Para pantay lang kami , naisip ko pwede naman kami maging friends at least pag naghiwalay na kami may friendship paren kami na panghahawakan para ren sa magiging set up namin sa aming anak.
Sa ngayon 4 months na lang ang hihintayin namin para sa napag-usapan naming kasunduan. Kunting panahon na lang at magiging malaya na ulit siya , at ganun din ako.
Baka gusto mo muna maglakad lakad tayo baka sakaling antukin tayo. Tara. - pag-aya ko pa sa kanya para makapaglakad lakad muna kami at makapag-usap den.
Hm. S-sige good idea, baka yan ang kailangan natin pareho. Puro kasi problema sa opisina ang nasa isip kaya heto naiestress tuloy tayo. Tama ren minsan ay mag relax . - sabi pa niya tayo niya mula sa kama.
Ako na ang nagbukas ng pintuan , gentleman eh. Inalalayan din siya habang bumababa kami sa hagdanan.
Bakit may problema ba sa company niyo? - pag- open ko pa ng topic. Naupo kami sa side ng pool at niloblob ang aming mga paa sa malamig na tubig sa swimming pool.
Oo, may nag back out kasi na investor. Nangangamba ako na baka may sumunod pang iba. Ngayon pa ba na patapos na ang bago naminh project. Baka kasi maubusan ng budget ang company. - sagot pa niya.
Bakit ba daw siya nag back out? - tanong ko naman sa kanya. Tumingin siya sa akin saka sumagot .
Wala ngang sinabi eh. Ang sabi nakahanap na daw siya ng bagong kompanya na pag-iinvest'an. Ewan ko ba doon kay mr. Sy nagpasok ng 300 million pero bigla bigla na lang mag baback out. - kwento pa niya.
Malaking pera yun . Binigay mo na ba sa kanya yung pera niya ? Wag kang mag-alala makakahanap ka ren ng bagong investor. - pagpapalakas ko pa ng loob niya.
Yun nga half of it ay nagastos na para sa bagong project . Eh, nira-rush na kami ni mr. Sy para ibalik ng buo ang pera niya. Pero wala eh lahat na kasi ng pera ng kompanya ay halos lahat ay napupunta sa bagong hotel and resort na pinapagawa. Kung meron mang kita ang iba pang hotel namin ay kulang para sa 150 million ni mr. Sy. - sagot pa niya. Kitang kita ang pag-aalala sa mukha niya.
![](https://img.wattpad.com/cover/18505262-288-k287173.jpg)
BINABASA MO ANG
PALABAN GIRL meets PALABAN BOY - "KimXi"
FanfictionHanggang kailan mo mamahalin ang isang taong ilang beses ka ng sinaktan ng paulit-ulit . Hanggang kailan mo mapaninindigan ang pagmamahal mo sa kanya kung paulit-ulit na niyang winawasak ang puso mo . Kailangan mo siya ? Kailangan ka niya ? pero w...