Shane's POV
Hindi ko alam kung ano pa ang pwede ko gawin para mapansin at ma appreciate niya ang presence ko.
Kasi kung ako lang ang masusunod hindi ko na naman kailangan ng mga kasu-kasunduan. Hindi ko gusto na maglagay ng anomang gap sa pagitan namin.
Ang gusto ko nga mapagsilbihan ko man lang siya at mapadama ang pagmamahal ko . Kaya lang lalo lumalayo ang kalooban niya sa akin. Madalas niya hindi ako kibuin at pansinin, alam niyo ba yung feeling na para kang walang kausap? Ganun lagi pinapafeel niya sa akin.
Para sa kanya parang wala lang ako at para sa kanya kasal lang kami sa papel . Punong puno ng kasunduan ang pagsasama namin.
Nasasaktan ako tuwing naalala ko ang mga sinabi niyang ito , Wag kang mag-aalala after 1 year maghihiwalay din tayo kaya magiging malaya ka ren. Yan ang sabi niya . May term of expiration ang pagsasama namin . Parang gamot lang na pag na expired na ay pwede itapon .
Pero kung ako naman tatanungin ay gustong gusto ko siya makasama habang buhay. Siya lang ang minahal ko sa tanang buhay ko kaya paano ko gugustuhin na mahiwalay sa kanya . Siya lng naman lahat may idea na maglagay ng kung anu anong mga kasunduan sa pagitan namin.
Ewan ko ba kung bakit hindi na lang panindigan ang pagiging mag-asawa namin. Kasi ako buong puso niyakap ang sitwasyon namin ngayon. Habang siya hinihintay ang isang taon ng paghihiwalay namin ako naman sinusulit ang bawat araw na dumadaan. At hanggat maari ay pinapakita at pinararamdam ko na isa akong asawa sa kanya.
Kahit madalas niya ako baliwalain ay hindi paren ako sumusuko na balang araw mamahalin niya ako ulit.
Naiintindihan ko naman na nasasaktan siya dahil hindi si Cassy ang napangasawa niya . Pero ipaparamdam ko paren ang pagmamahal ko sa kanya at handa ako maghintay sa kanya na muling manumbalik ang pagmamahal niya sa akin.
Alam ko kaya siya nagkakaganito kasi hindi agad agad niya natanggap ang biglaan pagpapakasal sa amin ng aming mga magulang.
Alam ko may pinanggalingan ang mga ito kaya handa ko siya tiisin at hintayin . Kahit gaano pa ako baliwalain at ipagtulakan palayo sa kanya.
Gabi-gabi na lang kasi lasing siya. Minsan pagsobrang tinamaan na ay inuuwu siya ni Samuel o di kaya naman ay si Francis. Pero sa umaga naman ay nagtatrabaho at nilalaro si Adreana sa bandang hapon. Mamasyal at kung ano ano pa ang bonding ng mag-ama ko.
Kaya lang pag gumagabi na ay umaalis siya at babalik ng bahay na lasing at madaling araw na .
Madalas ayaw niya magpa-alalay sa akin paakyat ng kwarto namin kaya daw niya sarili niya pero ang totoo pagiwang giwang naman siyang naglalakad .
Ayaw ren niya magpahawak sa akin kaya lagi ako nakakatikim ng pagsagi sa kamay at pagtulak palayo sa kanya.
Kahit na ganun na kalamig ang pakikitungo niya sa akin ay hindi paren ako susuko sa kanya , halos buong week na ito ganun na lang siya parati . 1 week pa naman kaming kasal kaya makakaya ko pa talaga na intayin siya at magagawa ko pang magtiis sa kanya hanggang sa dumating na ang panahon na mapatawad niya ako at matanggap niya muli sa buhay niya.
Kahit ilang araw at buwan pa niya ako tratuhin ng ganun kalamig ay maghihintay paren ako sa kanya dahil naniniwala ako magkaka ayos din kami at mamahalin niya ako ulit tulad ng dati.
Wala kaming patutunguhan kung hindi sa mabuti at puno ng pagmamahalan bilang mag-asawa at bilang pamilya. Kaya bakit ako agad agad susuko at bakit ako susunod sa gusto niyang hiwalayan kung pwede naman kami magsama habang buhay.
BINABASA MO ANG
PALABAN GIRL meets PALABAN BOY - "KimXi"
FanfictionHanggang kailan mo mamahalin ang isang taong ilang beses ka ng sinaktan ng paulit-ulit . Hanggang kailan mo mapaninindigan ang pagmamahal mo sa kanya kung paulit-ulit na niyang winawasak ang puso mo . Kailangan mo siya ? Kailangan ka niya ? pero w...