Chapter 27 "Second thought"

656 33 8
                                    

Maxine P.O.V

2 weeks hindi nagparamdam si Shane kahit na sa akin . Hindi ko alam kung ano na ang ginagawa niya sa ngayon . Ang alam ko lang umalis siya ng walang paalam .

Maging ako hindi na niya sinabihan ng kanyang mga plano .

Kilala ko si Shane hindi siya basta aalis ng walang paalam kung walang matinding dahilan . Lalo na hindi basta aalis yun kasi alam niyang nasa panganib ang buhay ni Andrew ng mga panahon na yun .

Nakaratay siya sa hospital at ni minsan hindi dumalaw si Shane .

Hanggang sa ngayon na magaling na si Andrew . Kaso ang puso naman niya ngayon ang sugatan at duguan dahil nangungulila siya kay Shane .

Hinahanap niya si Shane at saksi ako kung paano siya umiyak at kung paano siya nasasaktan . Doon nalaman ko mahal niya nga ang bestfriend ko .

Ilang beses nagtanong sa akin si Andrew kung saan niya makikita si Shane pero maging ako ay hindi segurado kung nasaan siya .

Isa pa baka kailangan lang niya ng time para makapa-isip at makahinga .

Alam ko nasasaktan ngayon ang kaibigan ko , gusto ko siyang damayan at samahan sa pinagdadaanan niya kaya lang hindi ko alam kung nasaan siya.

Kung andito pa ba siya sa Philippines o kung bumalik na sa States .

Tama !

Doon lang naman pupunta yun . Babalik ako sa States baka nga doon siya nagpunta. Wala naman kasing lakas ng loob pumunta sa iba pang bansa si Shane .

Una natatakot siyang wala siyang maging kaibigan . Isa pa hindi siya sanay mag-isa. Hindi siya mabubuhay na walang taga silbi sa kanya.

Girl , ano bang iniisip mo jan ? Alam mo na ba kung saan natin makikita si Shane ? Grabe siya hah ! Iniwan tayo ng walang paalam . - tanong pa ni Samantha. Kanina pa sila dito sa bahay ni Shane na sa inaakala nila ay bahay ko . Nag-aalala naren kasi sila kay Shane .

Parang alam ko kung saan siya nagpunta pero hindi pa ako sure kung andun nga talaga siya . - hm. Alam ko na kung paano ko masisigurado kung andun nga talaga siya . Bakit ngayon ko lang naisip to .

Ano ba yan . Magsure ba . Nakakabaliw na si Shane . Pinahihirapan tayo ng ganto . - sabay gulo ni Stephanie ng buhok niya . 2 weeks na kasi namin pinaghahanap si Shane kaya ganyan na lang sila mabaliw . Halos lahat na nga ng hotel at condo dito ay napagtanungan namin kung may nag check in na Roxane Mae Gomez , pero wala .

W-wait girls . Wag kayong magulo , may kakausapin lang ako . - pagpigil ko pa kila Sam at Steph . Nagriring na kasi ang phone ni kuya James . Kuya ni Shane na sobrang close sa amin ni Shane . Siya ang taga pagtanggol namin at turing niya sa akin ay tunay na kapatid .

Hello kuya James ? - paunang sabi ko .

Yes . Who's thi.... Lea?? Ikaw ba yan ? I'm trying to call you but your phone is unattented . What happen to you ? - Oooh. Nawala naman kasi phone ko . Kaya hindi na nila ako makokontak.

I drop my phone into somewhere . Aaaah. Kuya si Shane po ? Bigla na lang siya nawala hindi siya nagsabi sa akin . Anjan ba siya ? - tanong ko pa kay Kuya James .

Yeah . 2 weeks na siya reto . I thought alam mo . Wait , anjan ka pa sa Pinas ? What happen between Shane and Andrew ? - naku , hindi pa nga nagkakwento si Shane kay kuya James . Eh , lahat na nga ng nangyayari sa buhay ni kinukwento niya kay Kuya James pero ngayon sinosolo niya ang sakit . Mas lalo niya ako kailangan . Baka mapaano na siya .

PALABAN GIRL meets PALABAN BOY - "KimXi"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon