CHAPTER 39Stella's Point of View
DAHIL SA naging pag-uusap namin ni Manuel (o Emanuela) kahapon, I felt how he really loves and missed his lola. And I realized that gave that we have a big similarity. Yeah, we are really different compared to each other, especially when it comes to kaartehan or pag-iinarte. But when it comes to our loved ones, I think we're the same.
Maaaring malayo kami sa aming mga mahal sa buhay ngunit walang magbabago sa pagmamahal namin para sa kanila. At masasabi kong nauunawaan ko siya dahil kahit hindi eksaktong pareho ang aming sitwasyon, pareho kaming naiwan at malayo sa aming mahal sa buhay. So I decided to give him and his lola some time for each other. Nais kong makabawi sila sa isa't isa at gumawa ng new and fresh memories nang magkasama.
Hindi ko alam kung bakit parang ang lalim kong mag-isip, pero siguro resulta ito ng pinagdaanan ko sa buhay. Siguro nagbunga ang experiences kong 'yon in the past upang ako'y maging maunawain at matutong makiramdam sa kasalukuyan.
Tapos ko nang ayusin ang aking sarili. But I haven't eaten my breakfast yet. Si manang nama'y inihanda na ang kanyang sarili, pati na rin ang gamit na dadalhin niya. I already told her everything I had to say right when Manuel left with the pink dress I gave him.
"Hindi ko masabi sa 'yo kung gaano mo ako napasaya no'ng sinabi mong nais mong magkasama kami ng aking pinakamamahal na apo. Lubos ang pagpapasalamat ko sa 'yo." Kumikislap ang kanyang mga mata habang sinasabi 'yon. Lubos din ang pagpapasamat ko't napasaya ko siya. "Pero, iha, paano ka? Kapag nawala ako rito, siguradong wala---"
Baka magbago ang isip ko sa oras na narinig ko ang susunod na sasabihin nito kaya agad na akong nagsalita bago pa man nito maituloy ang kanyang sasabihin. "Manang, 'wag po muna ako ang aalalahanin niyo." I shook my head and smiled. "Gusto ko pong kaligayahan niyo muna ang unahin niyo kaysa sa akin."
She's always been there for me. She's filled the emptiness inside of me. She knows when I'm happy, sad, or lonely. She's never left me. Dahil sa kanya, pakiramdam ko'y kasama ko si mama. Hindi kami magkadugo ngunit trinatrato niya ako na tila magkapamilya kaming dalawa. She's given me more than I need. Kaya kung iisiping mabuti, wala ito kung ikukumpara sa nagawa niya para sa akin.
Manang held my hands and said, "Hindi kita kayang alisin sa isip ko, Stella. Kahit hindi tayo magkadugo o magkaano-ano, minahal na kita. At isang kaligayahan para sa akin ang alagaan at makasama ka."
Balak ba akong paiyakin ni manang? Baka maiyak ako niyan.
Sa ganitong uri ng usapan, hindi mo talaga maiiwasang maging emosyonal. Sa panlabas, mukha akong malakas dahil hindi pa ako nagpakita ng kahinaan, pero sa loob ko'y tila may nagtatalo na hindi ko kayang pigilan. I don't really wanna be emotional. This is one of the reason why I kinda hate dramas!
I closed my eyes as I remembered some memories. Tila isa 'yong film na mabilis na nag-play sa utak ko. Nakita ko ang mga sandaling nandyan si manang sa tabi ko. Mula sa pagkakataong bago umalis si mama, nang aalis na siya, at nang tuluyan na niya akong iwan. Manang was there. Just like I said, she's always been there for me. Masaya ako't bahagi siya ng buhay ko. Kung wala siya, wala akong ideya kung ano at sino ako sa mga sandaling ito.
"Sa lahat ng oras na nagdaan, hindi niyo po ako pinabayaan. Kahit hindi niyo ako anak o ano, hindi po kayo nag-alinlangang tratuhin ako nang may buong pagmamahal ninyo." I looked down. Baka maiyak ako habang nakatingin sa kanyang mga mata. Iniiwasan ko 'yong mangyari. "Wala po si mama... at si papa, pero kahit parang may kulang at kahit nakakalungkot, masaya pa rin ako dahil nandyan kayo. Mahal ko po kayo at alam kong mahal niyo rin ako. Kailangan ko po kayo, pero kailangan din po kayo ng tunay niyong pamilya. Alam ko pong babalikan niyo ako kaya sa ngayon, sila na muna ang paglaan n'yo ng panahon."
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
Teen FictionMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...