CHAPTER 70Stella's Point of View
SOBRA AKONG nag-aalala't nag-iisip tungkol sa kanya dahil sa sumunod na mga araw ay hindi ko muling nakita ang kanyang mukha sapagkat sunod-sunod ang mga araw na hindi siya pumasok. Nagsimula ang hindi niya pagpasok sa school nang sabihin niya sa aking kailangan niyang mag-half-day dahil may susunduin siya sa airport. Hindi ko tuloy maiwasang mag-overthink dahil sa kanya.
Is he okay kaya? Or may sakit kaya siya? Malapit lang naman ang bahay niya sa bahay namin, pero bakit hindi niya magawang pumunta rito't magpakita sa akin? Kung bawal naman siyang lumabas dahil may sakit siya o ano, pwede niya naman akong i-message, pero bakit hindi niya magawa? I thought to myself, starting to overthink again.
"Anak, bakit ka nakatayo riyan sa tapat ng bintana?" tanong ni mama, na naging dahilan upang tumigil ako sa muling pag-o-overthink. "Sinong tinatanaw mo mula riyan?"
I turned around to face my mother who was already standing in front of me.
Ang totoo'y kanina pa ako nakatayo sa harap ng aking bintana, umaasang makikita ko ang kanyang mukha mula rito, kahit mula sa malayo. I wanted to see him so badly. I wanted to see him smirking and smiling at me. Ngunit hindi ako pinagbigyan ng kalangitan. At sa hindi ko malamang dahilan, nagsisimula na akong makaramdam ng "bad feeling" na hindi ko maintindihan at maipaliwanag.
"Nagbabaka sakali po kasi akong matatanaw ko siya mula rito," sabi ko nang may sumagi sa isip ko. "Kung hindi n'yo po alam, katapat lang po ng bahay natin ang bahay niya, at magkatapat din po ang mga room namin."
"Kaya pala," tumatangong wika nito. "Hindi ba't magkaklase kayo, anak? Hindi ba siya pumasok sa school, at hindi mo pa siya nakikita? Is that the reason why malungkot ka?"
Naupo muna ako sa aking kama at saka sumagot, "No, ma. Hindi po ako malungkot. It's just that nag-aalala na ako sa kanya kasi hindi lang po isang araw ang pag-absent niya kundi sunod-sunod na mga araw. I don't know, but I have this bad feeling na hindi ko po kayang ipaliwanag."
She sat beside me, still facing me. "I know when you're sad or happy, anak. I'm your mother, and I know that you're feeling sad 'cause matagal mo nang hindi nakikita ang friend mo. And I understand why 'cause he's your friend, na I think ay ang kauna-unahan mong naging kaibigan. Ngunit ang hindi ko maintindihan ay bakit parang sobra ka kung mag-react, na parang hindi mo lang siya basta friend."
My eyebrow rose. Nag-o-overreact ba ako? I hate to admit that I did overthink becase of him, but I didn't know na nag-o-overreact din pala ako. Anyway, let's just say that I did overreact, but how should I react? Paano ba mag-react ang isang kaibigan kung matagal na niyang hindi nakikita ang one and only friend niya't nag-aalala para rito?
"M-Maybe you're right ma, nag-o-overreact nga ako, pero hindi po ba ito normal bilang isang kaibigan?" sabi ko. "Ang totoo po niyan, I really wanna see him and I wanna know if he's fine or not. The thought of visiting him already crossed my mind, but something's pushing me to not visit him: ang takot na nararamdaman ko, na hindi ko maunawaan. Feeling ko po kasi, may hindi magandang mangyayari sa oras na nagkita kami, na siguradong hindi ko magugustuhan."
Yeah, everything I just said was true. Maaari ko siyang bisitahin upang mawala na ang lahat ng aking pag-aalala, ngunit pinipigilan ako ng takot na nararamdaman ko. And nandito pa rin sa loob ko ang feeling na malapit nang mangyari ang wakas ng isang bagay, na wala akong kaide-ideya kung ano. Nasa mystery movie ba ako?
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
Teen FictionMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...