AUTHOR'S NOTE: Hello, readers! How are you all? I hope you're all just fine. :)Malaki kaya ang bahaging gagampanan ni Manuel sa istorya? What do you think? Ating alamin!
• • •
CHAPTER 38
Stella's Point of View
SA PAGKAKAYAKAP pa lang ni manang sa kanyang apo, mahahalatang sobra niya itong na-miss. Niyakap naman siya pabalik ng kanyang apo (sa "medyo" maarteng paraan nga lang). Si manang ang unang bumitaw sa kanilang yakapan. Hinawakan nito ang dalawang kamay nito at makahuluga siyang tiningnan sa mga mata.
They were sitting on the same sofa while I was on the other. Habang sinisimulan nila ang kanilang grandmother-and-grandson (or granddaughter) moment, ako nama'y tahimik silang pinapanood.
I still can't believe it? Is it true? Mag-lola talaga sila?
Manang touched his face. "Talagang hindi ka pa rin nagbabago, apo ko. Napakaguwapo mo pa rin."
Medyo nagsalubong ang dalawang kilay ng apo ni manang. "Kayo rin po, lola! Hindi pa rin kayo nagbabago. Hanggang ngayo'y bulag pa rin kayo. Can't you see how 'pretty' this face is? Pretty po, ha! Pretty ako at hindi guwa-yuck! Mas bet ko pang matawag na pangit kaysa guwapo. Nakaka-dirty kaya!" sabi niya habang itinuturo ang kanyang mukha.
This is really unbelievable. Kahit pagmasdan ko pa sila't panoorin, hindi pa rin ako makapaniwala. They are different. They have a lot of differences. Even though it was the first time I saw him and them together, sure ako na ako roon agad. Doon pa lang sa kanyang "pag-iinarte," napatunayan ko nang malayo sila kung ikukumpara sa isa't isa. Pero oo nga pala. Hindi na bagong may gano'n siyang personality dahil alam niyo na...
"Ano'ng hindi maganda ro'n, apo?" tanong ni manang sabay tanggal ng mga kamay sa mukha ng kanyang apo. "Dapat nga ay magpasalamat ka pa, e. Magpasalamat ka dahil biniyayaan ka ng ganyang kaguwapuhan. Bibihira na lang kaya ang ganyan."
Tama nga naman si manang. Sayang ang kaguwapuhang meron siya. Hindi sa nanghihinayang ako para sa kanya, pero 'yon ang ibinigay sa kanya and it's a blessing or gift from above. While some guys out there are wishing for such a blessing, he's busy wasting it. He can't even be thankful for it and that's really bad.
"Ano pong biyaya? Eww!" He looked so disgusted. "Alam mo, lola, nahihirapan na po ako. Matagal ko nang wish na sana ay girl na lang akong ipinanganak at hindi ganito. Pero hanggang ngayon, wala pa ring nagga-grant ng simple wish ko. Nahihirapan na ang beauty ko. Nakaka-stress!"
"Hay, apo ko!" tugon nito.
"Bakit mo naman 'yon hihilingin sa Maykapal? Lalaki kang iniluwal ng nanay mo kaya ipagpasalamat mo 'yon."Watching them was like watching a debate and I would be the one to judge and decide about who the winner would be. Ang bawat isa sa kanila'y may opinyon at katwiran. At mukhang walang nais magpatalo.
"Ano ba naman 'yan, lola!" Tumingin siya sa ibang direksyon at saka umirap. "Ayoko nga pong maging lalaki! Girl po ako, okay? Ba-ba-e po ako at hindi ano-yuck talaga!"
"Lalaki ka, apo. Dapat mo 'yang tandaan," paalala sa kanya ng kanyang lola. "Guwapo ka kaya hindi na ako magtatakang marami ang naghahabol sa 'yong mga babae. Nabibighani sila sa 'yo kaya magpakalalaki ka."
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
Novela JuvenilMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...