My Lonely Girl: Chapter 52

2 1 0
                                    


CHAPTER 52

Stella's Point of View

YESTERDAY I tried to talk to mama through video call, but she wasn't answering my calls so I hadn't talked to her. Now I would try to talk to her again. I was hoping that we could talk to each other this time.

Hindi online si mama, but it's okay. I can wait anyway.

Hinihintay kong magpakita ang yellow green na bilog (indication na online na ang isang account) nang may bigla akong na-receive na message. It was from Andrei.

Have you talked to your mother?

Tsismoso lang?

No. I just care.

Oh, really?

Of course!

Okay then. Anyway, next time ka na lang mag-chat. Hinihintay ko kasing mag-online si mama. Baka kasi ma-divert sa 'yo ang attention ko.

Tuluyan ko nang napindot ang eroplanong papel (which means the message was already "sent") when I realized something. Hala! Baka ma-misinterpret niya 'yong message ko.

I understand. Alam kong masyado kang nagpo-focus sa akin kapag "moment" na nating dalawa kaya talagang mada-divert ang atensyon mo sa akin. Oh, sige. Sa susunod na lang natin ipagpatuloy ang paglalambingan nating dalawa. For now, i-try mo munang kausapin ang mom natin.

Kumunot ang aking noo matapos kong mabasa ang kanyang message. He misinterpreted my message, plus, he used the word, "natin" after he mentioned "my" mama.

Wow! Kailan mo pa naging mama ang mama ko?

Matagal na. Matapos kong mag-"yes" nang mag-propose ka. JOKE! :)

Ang galing mo talagang mag-joke. Nakakatawa! Ha-Ha-Ha!

Oo, alam ko. By the way, ako na ang unang magpapaalam sa ating dalawa. Masyado ka kasing natutuwa sa moment na 'to. Baka malimutan mo na ang mama mo kaya bye!

Nananagip ka yata habang gising? Sige, bye na rin!

Sinearch ko ang name ni mama which is Kristel Corazon, and thank God dahil online na ito! I immediately requested for a video call.

"Please answer my call, ma," I whispered to myself.

After I said those words, my mother finally answered the call. Thank God! Lumitaw ang kanyang mukha sa screen ng aking phone. She yawned. She looked exhausted. Halatang hindi sapat ang panahong nailalaan niya sa pagtulog nitong nagdaang mga araw.

"Ma, mukhang pagod na pagod po kayo," sabi ko. "Kahit po marami kayong inaasikaso, huwag n'yo naman po sanang pababayaan at pahihirapan ang sarili n'yo."

She smiled as she tried to look normal and okay. I know she was just doing that to assure me that I had nothing to worry about. Ayaw niyang masyado ko siyang isipin at alalahanin. Pero paano ko ba 'yon magagawa? Kung puwede lang sanang ako na lang ang pumalit kay mama sa pag-aasikaso ng aming negosyo sa Amerika, hindi ako magdadalawang-isip na tanggapin ang responsibilidad, pero hindi pa puwede.

My Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon