My Lonely Girl: Chapter 75

21 1 0
                                    


AUTHOR'S NOTE:

TiffGRa: Kumusta na kayo? Kumusta ang buhay sa loob ng tahanan? Kumusta ang school? Kumusta ang buhay?

Readers: Mother, is that you?

Haha!

Hi, readers ko! I hope you all enjoy! ;)

-TiffGRa

• • •

Stella's Point of View

NASA UNAHAN ang kotseng sinakyan nina Andrei at nasa likod naman ang sa amin. Apat silang lahat na narooon: si Andrei, Loisa, Lorrie, at 'yong driver. Dito naman sa sasakyan ni Luke, apat din kami: ako, si manang, siya, at 'yong driver niya.

Yes, sa kotse nina Luke kami nakisakay. Siya ang nagsabi nito. Si Lorrie, tingin ko'y in-invite siya ng kanyang ate. Dahil doon, naisip kong malaki ang pag-asang maging okay na silang dalawa, at masaya ako para sa kanila. Hindi nga pala nakasama si manong dahil mas pipiliin niya raw na makasama ang kanyang asawa kaysa magsaya habang inaalala ito. Hindi naman na namin siya pinilit dahil nauunawaan namin siya.

"Alas singko ko na po kayo susunduin?" dinig kong tanong ng driver ni Luke sa kanya.

Luke nodded. "Opo."

"Okay, sige. Aalis na ako."

Muling tumango si Luke at agad namang pinatakbo ng kanyang driver ang kotse papaalis.

Sina manang at 'yong driver ni Andrei ang nakipag-usap, na tingin ko'y para sa boat rental. Lumapit naman kaming lahat Kay Loisa nang senyasan niya kaming lumapit sa medyo may kaartehang paraan.

Magkakrus ang kanyang mga braso. "I am just reminding you all na we're here to celebrate something and to have fun. We are going to do nothing kundi ang magsaya, okay? And kunwari, close tayong lahat and we're all friends so huwag kayong mahihiya at mag-enjoy lang!" nakangiting sabi niya.

All I did was smile.

Nagtaas ng kamay si Lorrie kaya napatingin sa kanya ang lahat. Agad niya itong ibinaba nang taasan siya ng kilay ng kanyang kapatid. "Ano po 'yong something na 'yon? Hindi naman po 'yon 'yong kasal ninyo ni Kuya Andrei, 'no, kasi matagal pa naman bago dumating ang araw na 'yon. Hindi n'yo rin naman po birthday ngayon. Baka naman po may achievement kayo sa Canada? Pero bakit late mo nang naisip na mag-celebrate, ate?"

Loisa almost rolled her eyes. "Hindi ko pwedeng sabihin kung ano 'yon. Ang masasabi ko lang, malaking bagay 'yon at mahalaga and we really need to celebrate para roon kaya we're here today. Okay na?"

Lorrie smiled and gave her a thumbs-up. "Okay na po."

"Stella, just enjoy, ha? Magsaya kayo ng boyfriend mo--"

"I told you, wala nga silang relasyon," dinig kong bulong ni Andrei sa kanya. Paraang ang sama ng tingin niya kay Loisa.

"Bakit gano'n 'yong tono ng boses mo, and why are you like glaring at me? Inano ba kita?" She rolled her eyes and looked at me again. She smiled. "Isipin n'yo, date n'yong dalawa 'to. Huwag n'yo kaming pansinin at maglambing--"

"Tayo na. Mukhang nakarenta na ng boat sina manong at manang, oh," sabi ni Andrei sabay turo sa direksyon ng bangka.

Tama nga siya dahil inilalagay na nina manang ang mga baon namin doon. Sabay-sabay naman kaming naglakad papunta roon. Dalawang bangka ang kinailangang nirentahan dahil good for five pax lang ang bawat bangka. Magkasama sina Andrei, Loisa, at manong sa isang bangka. Apat naman kami sa isa pa dahil pinili ni Lorrie na doon sumakay. Maaaring naisip niyang baka hindi okay sa ate niya kapag sa kanila siya sumama. Bago pinaandar ang bangka, piangsuot muna kami ng life vest upang siguradong ligtas kami.

My Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon