CHAPTER 55Stella's Point of View
NAUNAHAN KO si haring araw ngayong umaga. Hindi pa man ito sumisikat, gising na ako. Maybe it was because my brain was very active. And it was filled with disturbing thoughts that was why I felt exhausted. Late na nga akong natulog kagabi, ang aga ko pang nagising habang ramdam ang matinding pagod.
Grabe.
I heard some noise coming from the kitchen. I didn't need to go there to find out who it was because I already know that it was manang. And now, she was doing what she always does in the kitchen. Hindi ko alam kung anong oras nagising si manang. Ngunit isa lang ang nasisiguro ko: talagang sobrang aga niyang nagigising.
I decided not to go there and just went to the garden. I wanted to breathe some fresh air and make myself feel better and so I did. I sat on the bench as I felt the cold wind upon my skin. Nilipad nito ang ilang hibla ng aking buhok. I closed my eyes for a moment. Katahimikan ang naghari sa paligid. I took deep breaths and gently opened my eyes. Then, I started to think again.
Oh, I know. Nandito ako upang ipahinga ang isip ko at mabawasan ang nararamdaman kong pagod, pero mukhang ayaw akong tigilan ng thoughts na gumugulo sa akin mula pa kahapon.
I was looking at nothing when I felt manang's presence. She sat beside me. "Kahit hindi ka gumawa ng kahit anong ingay, malalaman ko pa ring gising ka na, Stella," she said, snapping me out of my thoughts. "At madalas, alam ko rin kung merong gumugulo sa 'yo. Sabihin mo, Stella, ano'ng problema? Ano ba'ng bagay ang patuloy na gumugulo sa 'yo?"
I stared at manang. Hindi ko alam kung dapat ko ba siyang sagutin. At kung sasagutin ko siya, hindi ko alam kung ano'ng sasabihin. Hindi ko alam kung paano ito ipaliliwanag sa kanya.
"Hmm... w-wala po ito, manang," umiiling kong sagot. "Siguro po, masyado lang talaga akong nag-iisip kaya ganito, pero hindi naman ibig-sabihin no'n, may problema ako."
"'Wag mo nang itanggi, iha. Dahil diyan sa sagot mo, mas lalo mong pinatunayan na tama ang pakiramdam ko." Tumaas ang isa kong kilay, nagtatanong kung ano ibig nitong sabihin. "May gumugulo nga talaga sa 'yo. Nag-aalala ka't natatakot na malayo sa 'yo ang taong naging mahalaga na sa buhay mo. Tama ba ako?"
I was surprised to hear those words from her mouth. I stared at her face again as I started asking myself. How and when did she know that? Does she also know who I was thinking about? Masyado ba akong halata? O may nagsabi sa kanya? E, sino?
Ouch. Napapikit ako saglit. Nagsisimula nang sumakit ang ulo ko, maaaring dahil sa pagod at pag-o-overthink.
I hesitated but I still nodded. "Tama po kayo," sagot ko. "Maaari ko po bang malaman kung paano niyo nalaman, manang?"
"Kilalang-kilala na kita, iha. Matagal na kitang nakakasama at bukod pa ro'n, ganyan na ganyan ka rin noong bago mawala ang mama mo hanggang sa tuluyan na siyang nawala. Takot na takot ka noon at marami rin ang gabing lumipas na hindi ka makatulog," sagot nito, at ngumiti nang kaunti. "Mabuti't hindi ka na tulad noon na iyak nang iyak hanggang sa mamaga iyang mga mata mo."
Okay, nasagot na ang isa sa mga tanong ko.
Nandito na ang susunod kong tanong...
"Manang, hmm..." I took a pause. "May idea po ba kayo kung sino ang dahilan ng disturbing thoughts ko?"
Ewan. Gusto ko lang malaman at marinig ang sagot. But of course, I was wishing na hindi alam ni manang kung sino ang taong 'yon. Sana'y magkatotoo ang aking wish.
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
Teen FictionMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...