My Lonely Girl: Chapter 45

6 1 0
                                    


CHAPTER 45

Andrei's Point of View

NANG MAPATAHAN ko siya, sinabi ko sa kanyang bibili muna ako at iniwan siyang mag-isa. I thought she needed to be alone for some time so I left. I just hoped it would make her feel better.

I didn't expect she would cry in front of me. Nagulat ako nang makita ko siyang lumuha because that was the first time I saw her like that. Until now, I still don't know why she cried. All I know is that she cried because she was hurt. I didn't need to ask her because her eyes gave me the answer. I saw the pain through her eyes. When I saw the pain living in her eyes and the tears streaming down her face, I felt a sudden pain in my chest. I was hurt too. I was hurt to see her like that. Nagsimulang mangilid ang aking mga luha at gusto na nilang bumagsak ngunit pinigilan ko ang aking sariling maiyak sa harapan niya. Ayokong isipin niyang mahina ako't hindi niya ako maaaring sandalan.

Pinalipas ko muna ang ilang minuto at nang tingin ko'y maaari ko na siyang balikan, bumalik ako sa lugar kung saan ko siya iniwan. Nakita ko siyang nakatanaw sa malayo, malalim ang iniisip.

Okay na kaya siya? Puwede ko na ba siyang lapitan?

Nagdalawang-isip akong lapitan siya ngunit tila merong bumulong sa akin na dapat ko siyang lapitan kaya humakbang ako papalapit sa kanya. Naupo ako sa kanyang tabi. Sa sobrang lalim ng iniisip niya, hindi niya naramdaman ang aking presesnya at nanatili pa rin siyang nakatingin sa malayo. Itinapat ko sa kanyang harapan ang ice cream na binili ko upang makuha ang kanyang atensyon. Para maiba naman, 'yong nasa apa ang pinili ko, but of course, chocolate ice cream pa rin 'yon. Dalawang flavor dapat ang ilalagay ni manong sa apa: chocolate and mango. Ngunit sinabi kong chocolate lang ang ilagay niya.

Napunta ang kanyang paningin sa ice cream. Tagumpay! ang pag-agaw ko sa atensyon niya. Kumunot ang kanyang noo at bumaling sa akin. "Ice cream na naman?"

Binawi ko 'yon. Nagkunwari akong nalungkot. "Grabe ka! 'Thank you ang ini-expect kong una mong sasabihin, pero hindi naman pala."

"Oh, ano naman?" tugon niya. "Bakit para kang batang biglang nalungkot at napasimangot?"

I wanted to divert her attention. Gusto ko na munang maglaho ang kanyang deep thoughts kaya sana'y makatulong ang pagiging madaldal ko. Sana'y mapagaan ko ang kanyang pakiramdam kahit saglit.

"Oo na, childish na ako." Narinig ko siyang bumulong na, "Ikaw ang may sabi niyan." "Pasensya ka na kung puro ice cream na lang ang binibili ko para sa 'yo. Pero dapat ka pa ring magpasalamat sa 'kin. Ganito na lang ang isipin mo: ice cream lang ang afford kong bilhin kaya wala kang magagawa kundi tanggapin ang nakayanan ng bulsa ko."

"So inuutusan mo 'kong pasalamatan ka? At saka bakit at paanong ice cream lang ang kaya mong bilhin? Mayaman ang pamilya niyo, hindi ba?"

Mas sumimangot ako at saka tumayo. "Ang dami mong sinabi, pero mukhang ayaw mo rin namang tanggapin ang binili ko. Kung ganyan ka, mas mabuting itapon ko---"

Hindi pa ako nagsisimulang humakbang nang bigla niyang hawakan ang kamay ko't kinuha ang ice cream na para sa kanya. Tagumpay! Nagtagumpay ang aking drama.

"Ang hilig mong sabihin 'yan," sabi niya habang nakatingin sa akin. Muli akong naupo. "You want me to think na ice cream lang ang kaya mong bilhin, right? Tapos itatapon mo 'to na parang ang yaman-yaman mo? Grabe! Ang gulo mo."  

My Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon