CHAPTER 65Stella's Point of View
KINUHA KO ang kahon. My hands were shaking while I was holding it, and I had no idea why. Hinawakan ko itong maigi upang hindi ito mahulog.
Sa ibabaw nito, merong sulat:
This is for you, young lady.
So, sinadya itong iwan dito? Tingin ko kasi, ako ang tinutukoy nito na "young lady." Wait, familiar ito sa akin ngunit hindi ko maalala kung saan at kanino ko ito narinig. Kanino kaya ito galing? I don't think this box was from a secret admirer. Because if it was, bakit black ang kulay nito? I mean sobrang dami kaya ng ibang kulay, pero ito ang napili niya, na naging dahilan upang makaramdam ako ng hindi maganda pagkakita ko pa lang dito. Tingin ko'y imbes na regalo ang laman nito, naglalaman ito ng babala.
Kinilabutan ako bigla. Mas sumama ang pakiramdam ko tungkol sa kahon na ito. Ano ba talaga'ng meron dito, at kinikilabutan na ako kaagad kahit hindi ko pa nakikita ang nilalaman nito?
I took a deep breath and slowly opened it. My hands were still shaking. There was a picture of a girl inside the box. Kinuha ko ito upang matingnan nang mas malapitan. Kung pagbabasehan ko ang height ng babae sa litrato, masasabi kong hindi nagkakalayo ang aming edad. Ngunit kung pagbabasehan ko ang kanyang itsura, masasabi kong mas bata siya sa akin, dahil sa kanyang mukha at maputi't makinis na balat. She looks like a young model and a korean.
"Who's this girl?" I whispered to myself.
Nasagot ang aking tanong nang mapuntang muli sa loob ng box ang aking paningin. Merong sulat doon:
That girl is Andrei Sandoval's future wife. If I were you, lalayuan ko na agad ang lalaking nakatakda nang ikasal sa iba kaysa hayaang mahulog ang loob ko sa kanya. Because choosing to be with him is a sin.
Nabitawan ko ang kahon at pati na rin ang papel. My heart was beating so fast as I looked down at the box and picture with wide eyes. My tears started to roll down my cheeks.
"There's only one person who could tell me what the truth really is," I said ran to that his house.
Nang pagbuksan ako ng gate ni Ate Mayie, agad akong tumakbo papasok nang hindi siya binati o hinintay man lang siyang magsalita. Gusto kong marinig mismo mula sa mga labi ni Andrei ang katotohanan. I stopped from running when I already found him. Nakatalikod siya. He was on the phone with someone I didn't know. I didn't walk closer to him because something pushed me to stay where I was standing and listen to what he and that someone were talking about. Sapat lamang ang distansya ko mula sa kanya upang marinig ko sila.
"Mom, bakit naman po biglaan? Bakit hindi n'yo po 'to sinabi nang mas maaga sa akin?" tanong ni Andrei sa kanyang kausap, tila problemado.
So he's talking to her mother.
"Kaya nga kita tinawagan para masabi ko na sa 'yo, anak. You really need to prepare para sa pagdating ng wife mo, and after niyang dumating, make efforts. Okay, Andrei?"
Siguro tinap ni Andrei ang loud speaker button kaya dinig na dinig ko ang sinabi ng kanyang ina sa kabilang linya, na naging dahilan upang tila ma-estatwa ako sa aking kinatatayua't hindi makagalaw.
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
TeenfikceMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...