My Lonely Girl: Chapter 31

9 2 0
                                    


CHAPTER 31

Stella's Point of View

I DON'T know but I sensed something strange while I was talking to Luke. I even had no idea what it was.

"Stella, papayag ka ba kung makikipagkaibigan ako sa 'yo?" nakangiting tanong niya.

So seryoso talaga siya tungkol diyan?

"Siguro?" hindi siguradong sagot ko.

I don't know what to say. And I am expert when it comes to the word friendship. But I think it's not about when you asked someone to be friends with you and he agreed, you two are already friends. Tingin ko'y mahalaga ang salitang time pagdating diyan. Kailangan n'yo muna ng sapat na panahon upang kilalanin at makasama ang isa't isa bago kayo tuluyang maging magkaibigan. But I know that being friends with someone is like being in a relationship with a lover. Hindi sapat ang haba ng panahon ng pagsasama ninyo upang mapatunayang nararapat kayong mag-end up together, pero kahit na gano'n, mahalaga pa rin ito dahil isa ito sa mga bagay na nagpapatatag ng isang relasyon.

"Bakit siguro?" kunot-noong tanong niya, medyo may bahid ng lungkot ang tono ng boses. "Hindi ba puwedeng oo o hindi ang maging sagot mo?" Then he smiled again.

Hindi ba siya napapagod kakangiti? And were his smiles genuine or fake?

"Kung oo o hindi lang ang choices ko, I would choose 'o'," sagot ko. "I am sorry, hindi ko kasi alam ang isasagot ko."

My eyebrows furrowed when he.. laughed! Did I look like I was joking? Does he think I am funny? That's strange.

"I didn't know that you are joking too. Thank you for letting me know that," he said, still laughing. "And about your answer, bakit 'o' pa 'yong pinili mo? Ayaw mo ba akong maging kaibigan o iniisip mong hindi ako magiging mabuting kaibigan sa 'yo? If that's the case, please let me prove myself to you. Let me prove that I can be a good friend to you. I hope you do even though we both know that those guys who bully you were friends of mine."

Talaga bang gusto niya lang akong maging kaibigan o may iba siyang gustong makuha at mangyari?

"Walang kaso sa 'kin kung naging kaibigan ka ng mga taong nambu-bully sa akin. Talagang hindi ko lang alam ang isasagot ko sa 'yo," tugon ko.

He showed me a sweeter and wider smile. "Thank you," he said. Huh? "I respect you and your answer. Honestly, even though you did not give me the answer that I want, I am still happy. Masaya ako kasi kahit maaari mo namang sagutin ako ng hindi ay hindi mo pa rin ginawa. Believe me, I am really happy. Salamat talaga dahil pinili mong paasahin ako kaysa saktan."

Ano 'yong huli niyang sinabi? Bumulong kasi siya sa dulo.

Compared to Andrei, this guy is really different. Because if he were him, he wouldn't say and do the same. Hindi siya papayag na hindi niya makuha at hindi mangyari ang gusto niya. Makulit ang lalaking 'yon at hindi niya ako titigilan hangga't hindi ako sumusuko at hindi pumapayag sa gusto niya.

At bakit naman 'yon pumasok sa isip ko?

"Thank you at naiintindihan mo," tugon ko.

"Wala 'yon. Basta kapag ready ka nang ibigay ang sagot mo, isigaw mo lang ang pangalan ko," sabi niya, at saka tumayo. Ibinaba niya ang kanyang paningin sa akin. "I am leaving, Stella. Kung naistorbo kita, sana'y pagpasensyahan mo na lang ako."

Umiling ako. "Hindi naman." Ngumiti ako nang kaunti, hindi ko lang alam kung pilit ba 'yon o tunay. "Ang totoo nga niyan, nagpapasalamat akong nagkausap tayo. Ang dami ko kasing natutunan mula sa 'yo."

My Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon