CHAPTER 11Stella's Point of View
NAKAKUNOT ANG aking noo habang nakatingin sa kanya.
Napaaga masyado ang aking pagbangon, hindi dahil maaga lang akong nagising o 'yon ang ginusto ko. The truth is, sobrang himbing ng tulog ko kanina like I didn't wanna get up anymore. But I had nothing to do but open my eyes and start the day because of "someone," who got here, in our house, so early. At sino pa nga ba? Siyempre, ang istorbong si Andrei Sandoval. Kaya nga kahit ang aga-aga pa, kunot na agad ang aking noo kasi sira na agad ang mood at araw ko!
Since the day na naging classmate ko siya, halos palaging mukha niya na lang ang nakikita ko. Andrei Sandoval there, Andrei Sandoval here. Grabe naman ang Andrei Sandoval na 'to! Anyways, I just wanted to ask: How many times did I mention his name in my head na ba? Hindi ko na rin talaga mabilang, tulad ng biglaan niyang pagsulpot-sulpot na tila sumisimbolo sa salitang "infinity."
"Why are you here? Again? What do you need at kinailangan mo pa talagang istorbohin ang pagtulog ko?" naiinis kong tanong.
Parang wala lang sa kanya ang aking mga sinabi. Manhid ba siya? Mukhang hindi siya apektado kahit iparamdam ko pa ang pagkainis ko sa kanya.
"I'm here 'cause I'm afraid to get hurt. Baka saktan mo ako kapag hindi ko isinauli ang mga notebook mo." So, natatakot na siya sa 'kin ngayon? Where's the proof? I don't believe it. "Maaga akong nagising kaya naisipan ko nang puntahan ka."
Huh? Bakit maaga siyang nagising?
"Anong oras ka nang natapos kagabi? Hindi ka ba napuyat?" muling tanong ko.
I just hope, he won't mind me asking. And I hope, he won't take it the wrong way.
"Mag-a-ala-una na rin no'n. But still, nakatulog at nakapagpahinga naman ako nang sapat. Kaya hayun, hindi ako makaramdam ng pagkapuyat," sagot niya. Oh, thank you at hindi mali ang---"So, stop worrying about me. I'll take care of myself 'cause I don't wanna get sick, and so that I would be prepared just in case you decided to confess your feelings for me."
I was wrong again. Kailan ba siya magbabago?
"Hindi ako nag-aalala para sa 'yo. I was just asking, not because I'm worried about you, but because I just wanted to.. to ask," I said.
"Weh, 'di nga? I know you're lying 'cause I can see the truth in your eyes..." he said, his eyes looking into mine.
Ba't bigla siyang sumeryoso? Nag-iba na naman ang takbo ng kanyang utak.
"You see it in my eyes? Are you serious?" I asked, raising an eyebrow.
He nodded. "Yes, I am. I just believe that girls' eyes will tell and show you what they really think and feel inside. I mean, sa pamamagitan ng pagtingin sa mga mata nila, malalaman mo kung nagsisinungaling o 'di kaya'y nagsasabi sila ng totoo. Bukod doon, maaari mo ring malaman kung meron silang itinatago at kung ano 'yon. At para sa 'kin, ang mga mata ng mga babae ay parang salaming nagpapakita ng repleksyon ng katotohanan," mahabang sabi niya.
"No, that's not a fact." I shook my head. "My eyes aren't like that, my eyes aren't a mirror. And I'm not one of those girls you're talking about."
He raised an eyebrow. "Bakit hindi? You're still a girl so you and your eyes are like that."
Wait, may laban ba ako sa kanya? Wala akong "secret weapon" na maaari kong gamitin sa kanya. Kung meron, noong simula pa lang ay ginamit ko na para hindi na kami humantong sa ganito. Well, I was just kidding. Hindi ako brutal o nananakit na klase ng babae.
"Okay, I give up. You're right and you're the winner then," I said. "By the way, give me my notebooks now so I could already go to school."
Ibinigay niya sa akin ang bitbit niyang bag. It was a kind of bag where you could put your books and any other stuff to bring, specifically to school. My notebooks he borrowed yesteday were in it.
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
Fiksi RemajaMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...