CHAPTER 51Stella's Point of View
HINILA AKO nina Jerick at John palabas ng aming classroom pagkatapos na pagkatapos magpaalam ng aming guro. Take note: Ginawa nila 'yon nang hindi hinihingi ang permiso ko. Mabilis ang naging paghila nila kaya't hindi ako agad naka-react.
What's wrong with these guys? Bakit ba basta-basta silang nanghihila?
"I know yow donut know what's da meaning op dis, Stella. I know yow donut know what you donut know, but let me explain something---"
Binatukan siya ni Jerick. "Ihinto mo na ang pag-i-ingles mo. Napapagod na akong pakinggan ka, alam mo ba 'yon?"
"Paki ko kung napapagod ka? Magpasalamat ka nga at for free mo ako naririnig mag-english, eh. Aminin mo na, pare, jealousy ka lang talaga. Because between you and me, ako ang mas lamang sa IQ," sabi ni John sa kanyang kaibigan at saka bumaling sa akin. "Okay ba 'yong lines at pag-e-english ko, Stella?"
I ignored his question. "Tell me your reason kung bakit n'yo ako hinilang dalawa."
Hindi pa nila ako nasasagot nang nang may biglang sumingit sa usapan. "Bakit n'yo siya puwersahang hinila? Ano'ng balak niyo sa kanya? Sagot."
I turned around to find Andrei walking closer toward us. When he was already in front of the two guys, he gave them death glares. Jerick just looked away while John fought back by staring at him with furrowing brows.
"Mister Sandoval, safeguard ka ba ni Stella? Bakit parang kung nasaan siya, nandoon ka rin?" sabi ni John. "Si Stella lang ang gusto kong makita at hindi ang tulad mong hindi handwash katulad ko. Yow heard it, right? Siya lang ang gusto kong makita. Siya lang ang gusto ko. Yes, I like her just da way she are. And if I wanna date her, I don't need to borrow your permission." John winked at me.
Bakit para akong kinilabutan nang kinadatan niya ako?
"What? So, you're planning to ask her to go on a date with you?" Andrei's brows furrowed. "You're crazy, boy. Huwag ka nang umasang papayag siyang makipag-date sa 'yo dahil masasaktan ka lang. She's mine, only mine. Okay?"
Halos kumunot ang aking noo. What did he just say?
"Ang corny mo, pare. Walang kuwenta ang lines mo, luma na 'yan. Any highway, bakit naman niya tatanggihan ang handwash na katulad ko?"
"Dahil ayaw niya sa taong mukhang madungis na kabayo," tugon ni Andrei.
I wanted to laugh after I heard him say that, but I didn't. Ngumisi na lamang ako. Baka kasi uminit ang ulo ni John kapag narinig at nakita niya akong tumawa. Pero sino ba namang hindi matatawa kapag narinig mo ang mga salitang, "taong mukhang madungis na kabayo"? Hahaha!
Nagsalubong ang dalawang kilay ni John. "Madungis na kabayo? Naghahanap ka ba ng gulo?" Inihanda niya ang kanyang kamao, mukhang handa nang makipagsuntukan, ngunit siya rin ang umatras. Ginamit niya ang kanyang kamay upang kamutin ang kanyang ulo na parang meron siyang kuto. "Masuwerte ka dahil mahal ko ang handwash face ko. But wait! Kung isa akong madungis na kabayo, e ano ka naman? Wait a minute and let me think about it. Aha! Alam ko na, isa kang gorilla! Well, hindi ka naman mukhang gano'n, pero wala akong ibang maisip, eh."
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
Fiksi RemajaMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...