CHAPTER 21Stella's Point of View
UMALIS SI Andrei saglit. May kukunin lang daw siya. I did not bother to ask what it was as I watched him walk away. Mukha naman na siyang okay, pero nagdududa pa rin ako kung talagang um-okay na ang kanyang pakiramdam. Oo, nagdududa lang ako at hindi nag-aalala.
"Dahil nandito ka na rin naman, let's play chess then," he said when he got back. He sat on the sofa and put the chessboard on the table between us.
Ano namang pumasok sa isip niya at naisipan niya akong ayaing maglaro ng chess kasama niya? Kahit mukha na siyang okay, I'm sure hindi pa siya tuluyang gumagaling. Baka nga nagpapanggap lang siyang okay magmula pa kanina, eh. Sobrang init kaya niya kanina, kaya malabong gumaling siya nang ganoon kabilis.
"May next time pa naman. For now, you should take some rest muna," I said in a concerned voice.
"At kailan pa ang next time na sinasabi mo? Ayoko ngang maghintay at saka I do believe that it's now or never kaya sana, huwag ka nang tumanggi."
"Hindi ka pa magaling kaya sana, huwag ka nang makulit," sabi ko, ginaya ang kanyang tono nang sabihin ko ang huling mga salita.
"'Yon na nga, eh. I'm still not totally okay but you're still like that. Alam mo, halos palagi na lang akong nare-reject pagdating sa 'yo. Tulad kanina, humihingi lang ako ng isang yakap pero ni-reject mo ang request ko. Pagbigyan mo naman sana ako, kahit ngayon lang," sabi niya, bumaba ang tono.
Bakit lumalabas na akong masama ngayon? Imbes "thank you" ang matanggap ko dahil concerned ako sa kanya, nagmukha pa akong masama. Isa na naman ba itong kabanata ng istoryang pinamagatang Magbayad Ka at Makonsensya, Aking Kapuwa?
"Inaalala ko lang ang kondisyon mo," sabi ko.
"Alam kong inaalala mo ako, but you don't have to worry about me anymore. Okay na talaga ako, mahal ko."
What?
"Nagkamali ka yata ng dinig. Ang sabi ko, inaalala ko ang 'kondisyon' mo. Hindi ko sinabing 'ikaw' ang inaalala ko."
"You hate to admit it, don't you? Uunawain na lang kita kasi alam kong nato-torpe ka lang. But what you do and whatever you say, you can never ever fool me. I already know that you have feelings for me. And this is not just an assumption 'cause I have proof, okay? It's your eyes."
Ano'ng problema nito? Nauntog ba siya kanina? Wala naman akong maalalang nauntog nga talaga siya. Baka naman, nangyari 'yon nang umalis ako sa room niya o habang naglalakad siya papunta rito?
"Joke ba 'yan? You're not really good at joking so stop it now," I said with furrowing brows. "By the way, ikasasama ba ng loob mo kung hindi ako makipaglaro ng chess sa 'yo? May karapatan naman akong tumanggi paminsan-minsan, tama?"
"Hindi naman dahil mas sasama ang loob ko dahil sa 'yo kapag hindi ka pumayag." So, may sama siya ng loob sa 'kin? Paano nangyari 'yon? "Nagawa mo ngang magpaakbay, bakit ang pakikipaglaro lang sa akin, hindi mo magawa? Pero oo nga pala, hindi naman kasi tayo close, 'di ba?"
"What?"
Paano na naman 'yan napasok sa usapan? Was that the reason kaya may sama siya ng loob sa akin? Wala naman akong matandaang nagpaakbay ako. At saka kung nangyari man 'yon, ano namang nakasasama ng loob doon?
"W-Wala. If you don't really wanna play with me, you can leave me now." Pinapaalis niya ba ako? Hindi rin pala magandang paalisin. Pero paano niya kaya nakayanan ang tulad ko na halos laging pagpapalayas ang ginagawa sa kanya no'n? "You're right, hindi pa nga talaga ako gumagaling kaya magpapahinga na muna ako. Thank you for coming here. Pasensya na kung nasayang ang panahon mo para lang sa akin na hindi naman parte ng buhay mo. Wala lang obligasyon sa 'kin kaya okay lang kahit iwanan mo na ako. Pinapalaya na ki-"
BINABASA MO ANG
My Lonely Girl
Fiksi RemajaMy Lonely Girl Getting out of your comfort zone is as hard as ignoring a stranger who is trying his best to be part of your life. But what if there is something about him that you can't explain that makes you feel comfortable and better in his prese...