My Lonely Girl: Chapter 62

0 1 0
                                    


CHAPTER 62

Stella's Point of View

WHEN I got home, I started to fix all the stuff that came from the Sandoval's mall. Inilagay ko ang dress sa aking closet. Itinago ko naman ang high heels sa lagayan ng aking sandals, shoes, at iba ko pang sapin sa paa. Isinabit ko ang bag, at itinago ko na lamang sa tamang lagayan ang iba.

I put my eyes on the pink bag as I sat on my bed. The sales lady had told me that that bag is the most attractive bag in their mall, and almost all their costumers wanted to buy it but they couldn't afford it.

Hindi ko alam kong masuwerte ako dahil kahit hindi ko gustong magkaroon ng ganoon kaganda't kamahal na bag at ng iba pang gamit na natanggap ko, ngayo'y pagmamay-ari ko na ang mga 'yon. Hindi ko masabi sa sarili ko na, "I'm so lucky." dahil pakiramdam ko, may kapalit ang lahat ng natanggap kong material things. Pakiramdam ko... ang kapalit nito'y si Andrei. Maybe I am overthinking. Call it the way you want, but I just couldn't stop myself from thinking too much about it. And I couldn't help feeling bad because when we were at the mall, when he told me the reason why he wanted to give me all those stuff, I saw the sadness and pain in his eyes. And while he was saying those words (that seemed like his way of saying "goodbye"), my heart ached as I sensed something "bad," which---I think---is about to come and happen.

I closed my eyes for a moment and laid in my bed. Then I slowly opened my eyes and put my hand on my chest. My heart was beating so fast. Dinaig ko pa ang kakatapos lang nakipaghabulan nang mabilis. And I think this was because of my thoughts that were too deep, my bad feeling, and because... I was really worried. I was worried about him. About what might happen to him, to us. But I had no control over the future. Kahit mag-worry at mag-isip pa ako nang malalim at sobra, walang mangyayari't magbabago about sa future. So I think, the best thing I could do at the moment was take a rest and sleep. 

"Mas mabuting matulog na lang ako kaysa magpatuloy sa pag-o-overthink," I thought to myself, and let myself fall asleep.

The next day, a loud knock on my door woke me up. I opened my eyes, got up, and started to walk toward my door.

"Manang--"

My eyes widened in surprise nang mukha ni Andrei ang sumalubong sa akin sa halip na mukha ni manang. Nawala rin kaagad ang aking pagkabigla, at pati na rin ang nararamdaman kong antok sa aking katawan.

"Sobrang aga naman yata niyang pumunta rito?" sabi ko sa isip ko, ngunit hindi na ito bago sa akin. Kailan na nga ba siya nagsimulang magpunta rito nang sobrang aga? At ilang beses na? Ewan, pero parang lagpas na ito sa bilang ng mga daliri ko sa kamay at paa.

He was wearing that usual smirk of him. "Napuyat ka, 'no? Napanaginipan mo ba ako?" I almost rolled my eyes at him. "Akala ko naman handa ka nang pumasok, pero hindi pa pala. Ako na lang kaya ang magpaligo sa 'yo para hindi ka matagalan sa pagligo?"

I looked at him in the eye, trying to control myself. Para kasing gusto ko siyang sigawan dahil naalala ko na naman ang mga "walang kuwentang" pinagsasabi niya sa mall.

"Mukhang sira na ang buong araw ko," sabi ko sa isip ko.

"Puwede bang bumaba ka muna?" I said, emphasizing every word.

Bakit ba kasi ang insensitive niya? And why did he have to ruin the "almost" perfect moment yesterday? He even called it a "date" (na sinabi niyang biro lang) so bakit nga niya sinira ang moment na 'yon?

My Lonely GirlTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon