- ★ -

195 5 2
                                    

May Seven Zamora

Mahigit 6 years na ang lumipas nang magsimula noon ng business
si Ate Rexha. Nang mahanap niya naman ang perfect partner para dito, hiniling naman ng mga ito na ipakasal ang isa sa mga kapatid niyang lalaki sa anak nilang babae.

Si Grey Cloud ang pinili nila para kay Jasmine. At si Jasmine rin pala noon ang kasama nitong babae nang makita ko siya ng gabing iyon.

Noon palang? Alam ko na kung gaano kaimportante si ate Rexha kay Grey Cloud. At alam ko rin kung gaano nito kamahal ang nakakatanda kapatid niya, kaya siguro hindi rin siya nagdalawang isip nang humiling sa kanya nito. Hindi ko rin naman siya magagawa pang sisihin dahil si Ate Rexha na ang nagsilbing ina, at ama na rin para sa kanilang dalawa ni Jace. Ginawa ni Ate Rexha ang lahat para sa mga kapatid niya, sa kabila ng mga pinagdaanan nito.

Kaya talaga deserve ni ate ang maging masaya, kahit pa hindi sa feeling ng Kuya Lennox ko. Kahit sa akin nalang muna. Hiram lang saglit, mga puro may love life sila rito at ako lang wala.

"Umamin ka nga sa amin, Ven?" napa-angat ako nang tingin kay Ate Rexha habang yakap-yakap siya. Saglit na tinigilan ang pag-amoy ko sa kanya. Bakit kasi sobrang bango niya!? "Are you pregnant? Pinaglilihian mo ba ako?"

Gulat na napatingin sa aming dalawa si Kuya Lennox, at agad na sinamaan ako nang tingin. Sinadya pa nga nitong ibaba ang panganay nila ni Ate Rexha na si Larissa, na ayaw na niya pang bitawan kanina para lang lumapit sa amin at tanungin ako.

"Totoo ba 'yon, Ven? Are you pregnant!?" inis na tanong sa akin nito. Halos pabulong, binalaan agad ako na wag na wag siyang sasagutin ng oo.

Pinigilan ko ang sariling matawa kay Kuya Lennox, pati na sa mga naisip ko bigla. Ngayon palang yari na si Jace nito sa kanya, pero paano ba naman kasi kung hindi pa talaga?! Saka imposible naman ang bagay na 'yon!- Sa ngayon. Napasimangut naman ako bigla.

Sandali kong kinalma ang sarili ko, huminga ng malalim bago sagutin ang tanong nilang mag-asawa. Para sa amin din 'tong ginagawa ko. Kunwari aral mo na ako bago pamilya, sila kasi meron na kaya inggit din ako kaunti. Kaya aral muna talaga bago pamilya.

"I'm not pregnant okay?" Ayuko na mag-explain kung bakit hindi pa, basta! "Hindi pa talaga, at ngayon lang 'to."

Bigla akong naramdaman ng malakas na batok sa ulo ko. Matalim kong tinignan ang taong gumawa n'yon. Tangina talaga nitong si Kade!

"Mag-aral ka nga muna! Puro landi 'yang inaatupag mo Ven! Por que ba boyfriend mo ang nagpapa-aral sa 'yo? Sayang lang tuition mong puknat ka!" kunwari ko lang siyang inambahan at hindi na ginantihan pa.

Ang taong may matinong ulo tulad ko, hindi pumapatol sa gaya ni Lee Kade na may sira. Wag niya lang talaga simutin natitirang pasensya ko para sa kanya, at baka hindi pa ako nakakasal makulong na agad ako. Kawawa naman sila Janice pati ang mga anak nila ng bakulaw na 'to kapag napatay ko na ng tuluyan si Lee Kade, lalo na si Jace kapag nakulong ako. Baka umiyak naman 'yon dahil sa akin.

Napabuga ako ng hangin. Kawawa na naman si Jace kung mangyari 'yon. Takot ba naman niyang mawala ako sa buhay niya, at takot ko nalang din na siya naman ang mawala sa akin. Napangisi ako sa sarili ko.

Nalaman ko ang tungkol kay Seven, at sa kanya nang malaman ang tunay na pangalan nito- Jace Seven. Napatunayan ang tungkol sa bagay na 'yon nang makita ko ang nunal sa leeg ni Jace na nakita ko na rin noon kay Seven. At nang aminin nito sa akin ang tungkol bagay na 'yon, matagal na rin lumipas ang nakakaraan. Sinabi na rin sa akin ni Jace ang totoo na palihim nitong kinuha ang invention card na pinadala ko noon para kay Grey Cloud noon, para makapunta siya't makapasok sa mismong venue ng debut ko.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon