33

45 4 0
                                    

Ven

Nang dumating sa puntong kailangan niya nang tignan ang mukha ko. Ang seryoso mukha kanina ni Grey Cloud... Biglang nalang itong nagpigil ng tawa.

Gusto ko mamangha sa pinapakitang nitong reaksyon ngayon. Lalo na kung gaano bumagay sakanya ang ngiti na pilit niya paring pinigilan. Pero mas inunahan pa rin ako ng pagtataka  sa'kin. 

Nagsalubong ang mga kilay ko sakanya, at ngunguya-nguya namang nakatulis ang nguso habang nilalasap ang lasa ng bacon sa loob ng bibig ko. Teka, paano 'to napunta sa kamay ko?. Napatingin ako sa magkabilaang kamay ko na parehas palang may hawak na bacon, at may kagat na ngayon. Mas lalong nagsalubong ang mga kilay ko sa pagtataka. Wala naman 'to rito kanina huh?

Bahagyang tumagilid si Grey Cloud. Nagpipigil pa rin ng tawa, nakatakip ang likod ng palad sa sariling labi niya. Anong problema niya?. Hindi ko na namalayang naubos ko pala ang bacon sa magkabilaang kamay ko.

Nakaramdam ako ng pagkainis, dahil parang wala rin lang. Hindi umabot sa sikmura ko, at hindi agad nakuntinto kaya kumuha nalang ulit ako. Wala naman sigurong problema sa ginawa kong 'to. 'Di tulad ng sakanya.

"What's that with your face?"

Pinagtatawanan niya 'ata ako nito huh?. Ano bang mali sa mukha ko ngayon?. Parang ang dami ko 'atang napapasayang mga tao. Mukha na ba akong clown?. Kanina ko pa kasi napapansin na nangyayari 'to.

"Ngayon ka lang naging cute sa paningin ko. Hindi ko alam na bagay pala sa'yo maging mukhang pusa," dumuble ang baba ko sa narinig na sinabi nito. Ano raw?. Ako cute? At mukhang pusa?. Pusa saan?

"Anong pinagsasabi mo d'yan?" nagsasalitang puno ang bibig ko ng bacon. Sinipsip muna ang mga daliri, bago lumapit sa salamin.

Mukhang pusa raw ako? Kailan pa?. Nang makaharap ang salamin, makita kung anong itsura ko, napamura agad ako ng malutong sa isip ko. Anak ng bakulaw ka!

"LEEEE KADEEEE!!" napatili ako sa sobrang galit sakanya. Inis na inis at tila kinakapus sa hininga.

Pinagtatadtad ko ng malulutong na mura si Lee Kade, habang pinupunas ang mukha ko ng laylayan ng damit kong 'to. T*ngin* niya talaga!. Ang hirap mabura!. Namumula na nga lang ang mukha ko sa madiin na kakapunas ko rito, pero wala paring nangyayaring. Hindi talaga mawala-wala t*ngin* ulit ni Kade, isa pa.

Ginagamit niya ng permanent felt-tip pen ang mukha ko!. Kung ano-anu pinagdradrawing niya rito. May malaking bilog siya na nilagay sa dulo ng ilong ko, tig tatlong guhit sa magkabilaang pisngi, parang dalawang sungay naman 'ata 'tong nasa noo ko, at pinatungan niya pa ng felt-tip ang nunal ko sa kaliwang mata. Hindi ako natutuwa sa kinalabasan nito. Mukha akong dugyot na daga, at hindi pusa!

Matalim ang tingin ko nang lingunin si Grey Cloud. Napasaya 'ata siya ni Kade, dahil dito sa ginawa niya. Aarrhhgg!

"Teka, saan ka pupunta?" pigil sa'kin nito ng balak ko nang umalis.

"May babangasin lang ako na mukha." maangas kong sabi. Handa ng ma-Tulfo pagkatapos nito.

Mabilis kong tinanggal ang kamay ni Grey Cloud sa pulsuhan ko, pero hinawakan niya lang ulit ito. Hawak na mas mahigpit, at walang balak na bumitaw. Tinignan ko ito bago siya, ilang beses napakurap ang mga mata.

"Linisin muna natin 'yang nasa mukha mo, Ven."

Wala sa plano kong matigilan ng dahil lang sa sinabi niya, pero gano'n na nga ang hindi ko inaasahan mangyari sa'kin.

Sa ilang taong hindi ako magkaroon ng kahit anong balita tungkol sakanya, wala na akong ibang maisip na dahilan kung bakit niya lahat 'to ginagawa. Hard work, especially ang mga efforts niya. Siguradong walang kaalam-alam si Grey Cloud, na hindi lang ang sarili niya, ang nagagawa niyang pahirapan.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon