64

91 4 0
                                    

Ven

Kahit na galit sa akin si Lyca, dahil sa nangyari sa aming dalawa ng boyfriend niya, mabuti nalang at tinupad pa rin nito ang pangako niya sa akin.

"Goodnight." sarkastiko akong natawa. Hindi ko alam na ganito lang pala ang sasabihin niya.

Naalala ko pa kung paano ang naging ngiti ko kay Grey Cloud, bago ako magsalita.

"Have a nice grey cloud."

Dahil sa salitang 'yon naging baliwala rin ang lahat. Nalaman niya pa rin ang totoo, at kahit ano pa sigurong gawin ko wala na akong iba pang magagawa tungkol sa bagay na 'yon. Alam niya na, at pinilit ko sa sarili ko na mawalan ng pakielam tungkol sa bagay 'yon. Para akong baliw na matawa nalang sa sarili ko.

Ginawa ko naman lahat ng magagawa ko kaya hindi na naisip pa na ganito pa rin ang mangyayari sa huli. Nagsayang na naman ako ng oras, panahon ko para sa kanya. Nakapanghihinayang lang at hindi na pwedeng bawiin ang mga nawalang oras na dapat sa sarili ko nalang nilaan. Pinagod ko lang ang sarili ko't nag-aksaya ng luha para sa kanya, pati na rin sa kapatid niya.

Mahirap kung iisa-isahin ko lahat ng nangyayari. At mas mahihirapan pa ako kung ipapaliwanag ko pa, kaya hindi ko na susubukan. Nakakawalang gana lang talaga na nakikita ko pa rin silang dalawa na magkasamang ni Jace, kahit pa anong iwas ang gawin ko. Madalas nga naiisip ko na sinasadya nalang nilang dalawa 'to para mas lalong asarin ako, pero asa sila! As in naman!

... Pero nagkabalikan na kaya sila ulit?. Hinawi ko ang nakalugay na buhok papuntang likuran. Bakit kaya interesadong pa rin ako?. Kung sakaling nagkabalikan na nga si Jace, at ang April na 'yon, sana sila na talaga dalawa. Magsama sila hanggang mamatay silang pareho!

"Ninang tukayo, bakit hindi mo pa kasama si kuya gipo?"

"H-huh?" Namalayan ko nalang na kanina pa pala ako tulala rito, at lutang ng biglang sumulpot si Little me para kausapin ako.

Lumapit siya sa akin, gustong umupo sa binti ko kaya binuhat ko siya't hinayaan dito. Mahigpit ko siyang niyakap sa may maliit nitong bewang, at biglang hinalikan ang pisngi niya na parang siopao na sa laki at lambot. Mas gumagaling na si May Seven sa pagsasalita niya ngayon.

"Bakit hindi mo po kasama si kuya gipo? Gusto ko nandito rin siya." tumulis pa ang nguso nito habang hindi makatingin sa akin.

Ganoon nalang siguro karami ang nabili ng pagkain ni Grey Cloud kay Little Me, para magkasundo sila agad ng ganyan. Ang cute lang nitong bata, kahit na nakikita kong parang ang lungkot ng mukha niya. Kanina ko pa nga gustong kagatin 'yang pisngi ni Sev-sev, pero mabuti nalang talaga't nagagawa ko pang pigilan ang sarili ko, dahil alam ko ring magagalit na naman siya. Birthday naman ngayon ng bata, kaya pagbibigyan ko na rin siya. Ngayon lang tas next year na ulit.

Nandito rin ngayon si papa kasama ko, para dalawin at batiin 'tong tinuturing na apo niya. Pati na rin si Kenzo, Dazen nandito rin dahil inimbitahan ni Lee Kade. Bakulaw's party talaga at hindi pangbata, pero hindi kami belong nina Papa, Janice, . Saglit na tumama ang tingin ko kay Jace, pati na rin sa kasama nito kaya simpleng umiwas na agad ako ng tingin sa kanila. Pinilit ko maging mukhang normal, at magmukhang wala nalang ibang nararadaman. Mas niyakap ko pa ng mahigpit si Sev-Sev, hinalikan ang bata sa leeg niya para isiksik dito ang mukha ko.

Nakaramdam agad ako ng kaba sa dibdib ko, at kirot naman sa puso nang makitang nagdidikit silang dalawa. 'Di ko alam kung bakit parang mas nasasaktan pa ako, at habang mas tumatagal lalo pang lumalala ang mga nararamdaman ko.

"Bakit ba kasi nandito pa 'yang mga 'yan?!" napa-angat naman ako ngayon nang tingin kay Lee Kade na nasa harapan ko na ngayon, saka pilit na ngumiti nalang sa kanya. Nagawa ko kasing sabihin kay Lee Kade ang problema, at hindi ko man hangad na mag-away silang dalawa ni Jace, ako pa rin ang pinili nito. Kaya siguro mag bestfriend talaga kaming dalawa nitong si Lee Kade.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon