6

136 7 0
                                    

Ven

Ang hirap paniwalaan ng mga bagay na nangyayari na.

Pumayag ako ng dahil kay Papa, dahil s'ya ang nagsabi, hindi dahil sa alam kong extra income na pwede naming makukuha para sa pang araw-araw naming dalawa.

Naiinis lang ako! Kayang-kaya ko naman gawan ng paraan 'yong para saming dalawa ni papa. Kahit walang inaasahan. Kahit hindi umaasa sa tulong ng mga ate't kuya ko, at sa kahit sino pang mga kapatid ko.

Kaya kong rumaket ng iba basta wag lang 'to. Pero ano pang magagawang ko ngayon, wala na.

Napapayag ako ni Papa, ng hindi alam kung sino ang pag-lulutuan, pag-lilinisan, kung sino pagsisilbahan ko. Hindi ko naman alam na para pala sakanya lahat ng gagawin ko, tsk!.

Magka-krus ang mga braso kong naka-upo, at sumandal ngayon sa bleacher. Outdoor, and uncovered court. May dalawang basketball ring na sa kaliwa't kanan ang pwesto. Mayro'n din ditong malaiit, pero gawa sa batong tent na pwedeng pasilungan ng kahit sinong naglalaro kapag mainit na.

Pero ngayong gabi na, mga malakas na liwanag galing sa ilaw na nakasabit sa posting kahoy na gawa, at pinag-ambagan lang naming mga naglalaro dito ang nagbibigay liwanag sa buong paligid.

Mas malayo ang court na 'to sa bahay, pero mag-isa lang akong nakapunta rito. Maraming mga tao, walang pinagbago gaya ng dati, pero halos lahat naman kilala ko't kilala ako.

Umuwi ako sa bahay ng masama ang loob, dahil sa narinig kong sinabi ng kaibigan ni Grey Cloud, pero dahil sa pagtatampo kay papa, hindi rin ako nagtagal sa bahay kanina. Kaya kahit ngayong magdidis-oras na ng gabi wala pa rin akong balak umuwi. Bala na kung saan pulutin.

Sa totoo lang hindi naman ito ang unang beses na pag-sisilbihan ko 'yong mga taong tumira sa dati naming bahay. Naging big deal lang dahil sa Grey Cloud na 'yon.

'Sino kaya 'yon?'

Bigla ko nalang natukoy ang lalaking alam ko kanina pa nakatitig dito sa'kin. Nakaupo rin ito sa bleacher gaya ko. Nasa kabila s'ya nakapwesto pero tapat pa rin sa'kin. Ilang beses ko s'yang makita rito, hindi man madalas, pero palagi namang ganyan. Nakatitig sa'kin, at kung minsan pasimple pang umiiwas ng tingin.

Tumayo ito ng hindi inaalis pa rin inaalis ang tingin sa'kin, kaso mukhang naalangan, at bumalik agad ng upuan.

Napaiwas ako sakanya ng tingin. Napakagat sa buong bahaging ng babang labi, para pigilan ang sariling tumawa.

Kahit sino, sigurado akong matatawa kung makikitang nagkakaganyan s'ya. Mukha s'yang mahiyaing timang.

Pansin ko kasing kumailang beses na rin s'yang sumubok na lumapit sa'kin, pero madalas pinipigilan s'ya ni Kade, at kung minsan naman nagdadalawang isip dahil sa kung sinu-sinong lumalapit sa'kin. Tulad ngayon.

"hi, Veve Ven!" May kupal na namang malakas ang loob, at lumapit sa'kin.

Si Raven. Anak ng may butihing mayor, at ex ng ka team mate kong si Mika, na may malaking galit sa'kin. Hindi na ako magtataka kung itong kumag na 'to ang dahilan.

Tinignan ko ang kamay nitong sana balikat ko, bago ang mukha n'yang halos idikit na sa'kin. Amoy na amoy ang sigarilyo't kendi sa hininga n'ya. "Magaling na pala 'yang mukha mo."

Topless, at ngayo'y masyadong nagpililing boyfriend ko, dahil wagas kong maka-akbay sa'kin.

"wala si Kade ngayon." Kaya sayang nga eh.

Wala pa namang sinasanto ang best friend kong 'yon, kaya siguradong babasagin n'ya na naman ang pagmumukha nito. Kahit pa makita n'ya lang na lumapit sa'kin ang isang 'to.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon