9

107 5 0
                                    

Ven

"bunso?"

Alalang-alala akong sinalubong ni kuya Tristan, at ng biglang yakapin nito. Ng napakahigpit.

Bunso?. Minsan n'ya lang ako tawagin ng ganyan. Ang tawag n'ya sa'kin baby, nag-iiba lang kapag kasama namin 'yong ibang mga kapatid namin. Gaya ngayon.

Hindi ko na ginantihan pa ng yapak si kuya. Wala akong balak. Tinulak s'ya palayo sa'kin ng galit na ate ko. Hindi na magtatanong kung ba't bigla nalang nakatanggap ng isang malakas na sampal galing sakanya.

"ate!" saway ni kuya Tristan dito.

"tumitigil ka d'yan Tristan!. Baka gusto mong madamay?" inis nitong dinuro si kuya, pinigilan  magpakawala ng isang malakas na tinig.

Kumpleto silang lahat ngayon na nandito. Si ate Sarah, ate Janelle, ate Helen, pati na si kuya Lennox, at kuya Tristan. Si ate Amy naman 'yong sumampal sa'kin. S'ya ang panganay na anak ni papa, sa una nitong asawa. At kung titig kaming dalawa ni ate, parang s'ya pa itong nanay ko, dahil sa layo ng age gap naming dalawa.

" 'San ka galing buong magdamag Ven?" lahat sila ngayon nakatingin sa'kin, hinihintay ang magiging sagot ko.

Napaiwas ako ng tingin kanila ate't kuya, bahagyang yumuko sakanila, habang pasimpleng sinilip mula dito si papa.

Nakahinga ako kahit papano ng maluwag. Mabuti't okay lang si papa. Nagpapahinga't hanggang ngayon natutulog parin s'ya.

"D'yan lang po ate_"

Hindi nagustuhan nito, ang narinig n'yang sagot ko sakanya, kaya mabilis nitong pinalipad ang kamay n'ya, at pinadapo na naman sa pisngi ko.

Sobrang nasaktan ako sa ginawa ni ate, hindi ko lang pinahalata. Ayaw kong ipakita sakanila.

"Saan d'yan lang Ven?. Saang impyerno ka nanggaling, at inabot nya ng dis oras ng gabi kakahanap sa'yo si papa?"

Hindi na nakatanggap ng sagot sa'kin si ate, dahil alam kong mas lalo lang lalala ang lahat kung gagawa pa ako ng mga idadahilan sakanya. Hindi rin naman nila pwedeng malaman 'yong ginawa ko kagabi. Baka kasuklam pa nila ako't tuluyan ng itakwil bilang kapatid nila.

"Pinag-alala mo kami ng sobra Ven! Lalo na si papa!"

Pinanatili ko lang ang sarili kong ganito. Nakatayo't nakayuko, pinapakiramdaman ang sariling pamumugto ng mga mata. Hiyang-hiya ako sakanila.

"Ano bang ginawa mo Ven? Bakit hindi ka nakauwi kagabi?" ulit na tanong na naman nito sa'kin. "Gabing-gabi na hinanap ka pa rin ni papa, tignan mo 'yang napala n'ya!."

Alam ko. Alam ko ring kasalanan kong ba't nagkaganyan si papa. Hindi ko man lang s'ya naalala. Ni hindi rin ako umuwi kagabi, kaya nag-alala s'ya sa'kin ng sobra. Wala silang kailangan ipamukha sa'kin, alam ko kung anong kasalanan ko.

" Ven, 'di kana bata! Siguro naman alam mo na ang dapat, at 'di mo dapat na ginagawa."  Mas lalong sumasakit ang binibitawang salita ni ate. Mabuti nalang nasa private hospital kami, at solo ang iisang kwarto dito.

Walang ibang nakakarinig ng mga sinabi n'ya, kung 'di kami-kami lang. At mas lalong walang ibang nasasaktan sa mga sinabi niya kung 'di ako lang.

"bakit ka ba huminto ng pag-aaral Ven?... Huh?" pakiramdam ko alam ko na kung saan 'to tutungo. "Diba para bantayan, at alagaan si papa?"

Isang taon na rin ang lumipas nang huminto ako sa pagpapa-aral sa college gaya ng sinasabi ngayon ni ate. Biglaan kasi ang pagkamatay ni mama't alam ko sa sarili kong mas kailangan ako ni Papa. Matanda na kasi ito, at 'di na kaya pa ang kahit anong mabibigat na gawain, kaya nagdisesyon akong tumigil nalang para alagaan s'ya.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon