3

153 7 0
                                    

Ven

" Pa! Bilisan mo na d'yan. Bago pa dumami 'yong mga tao sa covered court!"

Mabilis kong inubos ang maligamgam na gatas sa tasang hawak ko. Naisip na mas masarap sana 'to kung si kuya Tristan, ang nagtimpla. Patakbong pumunta sa harap ng salamin nagsuklay, at nagtali ng buhok pagkatapos tsaka ko lang napansin si Papa, na kalalabas lang ng cr.

Nilingon ko ito, at ngumiti s'ya sa'kin.

"Dalagang-dalaga na ang bunso ko, at lumaking napakaganda babae." natawa akong walang boses dahil sa sinabi n'ya.

Nilapitan ko agad ang papa ko, dala ang suklay, at pulbong ginamit ko rin. Sinuklayan ko ang buhok nito, at nilagyan ang mukha n'ya ng kaunting pulbo.

" sempre naman! Maganda't gwapo ang parents ko eh," Taas baba ang kilay ko, habang ang parehong kamay ko'y nakaturo sakanya.

Nag-pogi post naman ang Papa, with matching oppa finger heart din.

Pareho kaming natawa sa mga sarili, bago ko niyakap ng mahigpit si Papa. Saglit lang 'to, at pinakawalan din agad s'ya.

"Tara na po? " 'aya ko sakanya.

May pa free medical ngayon para sa buong barangay na gagapin sa covered court. Nagising ako ng maaga para rito, para sa papa ko.

Ang daming ganap ngayon araw. Free medical ngayon umaga, parade ng scort at best girl player ng bawat basketball time mamayang hapon, at liga namang mamayang 6 ng gabi.

Curious ako kong ano pang mangyayari ngayong araw. Sana nga lang tumupad sa usapan namin si Kade, kahit na nagtalo pa kaming dalawa. Tatlong araw ko na ring hindi nakikita ang bakulaw na 'yon, at na mi-miss ko na s'ya.

" goodmorning Ven, at sa'yo rin manong Bwad!" Nakangiting bati samin ni ate Tess, paglabas na paglabas namin ni papa sa gate, habang nagwawalis naman ito sa harapan ng bahay nila. Kapit bahay namin.

Binati ko rin ito pati na ang iba, gaya ng parati kong ginagawa. " Good morning ate Tess!" gating bati ko rin sakanya.

" Good morning sa walis at daspang hawak mo!" damay pati walis at daspang hawak n'ya, at nagsimula na kaming maglakad paalis ni papa.

" Good morning mga kapit bahay! Pati na sa kapit bahay ng mga kapit bahay!" bati ko sa lahat.

" Good morning puno! At pati na rin sa'yo lupa." pati na rin sa mga bagay na nakikita ko.

Akala ko talaga magiging masaya ang araw na 'to para sa'kin, gaya ng mga inaasahan pero mukhang 'di naman pala.

Nasa may entrance na kami ng covered court ngayon kong saan kitang-kita agad s'ya, nakasuot ng hospital gown, at may nakasabit na surgical mask sa kanang tenga, habang kinaka-usap ang mga taong magbabalak lumalapit sakanya.

"Bunso, May problema?" napalingon ako dahil sa narinig kong nag-aalalang tanong ni papa. Mukhang napansin agad nitong may mali sa'kin.

" hanggang dito nalang ako Pa..."

Sa loob ng tatlong taon na walang balitang kahit ano sakanya, hindi ko na inasahan na darating pa 'tong araw na 'to, at ngayo'y doctor na s'ya.

" Hindi na po kita masasamahan sa loob." Muli kong binalik ang tingin do'n sa doctor.

" nando'n s'ya sa loob papa...

... Nandito po si Grey Cloud."

☆   ☆   ☆

Wala na ako sa mood ngayon.

Una dahil nakita ko s'ya, pangalawa nakita ko s'ya, pangatlo nakita ko s'ya, pang-apat nakita ko s'ya, pang-lima nakita ko s'ya, pang-anim nakita ko s'ya, at pang-pito si Kade naman. Ang dalawa kong problema nagiging pito, ang put*!

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon