37

41 4 0
                                    

Grey Cloud

Hindi na naman siya nagpakita, at wala ring paramdam.

No'ng mismong araw na hindi siya dumating, wala akong ibang naisip kung 'di ang isang pagiging walang silbi ko. Wala akong ibang tumakbo sa utak ko kung 'di ang isang pagiging walang kwenta kong tao. Hindi ko na alam kung anong susunod na gagawin ko, hindi ko na alam kung paano ko pa tatapusin ang nasimulan ko. I think, I lost someone who was truly important to me. Eksaktong-eksakto sa naramdaman ko noon kung paano ko nawala si Date sa buhay ko.

"Marami ng bagay na ipinamukha sa'kin ang tadhana na hindi kayo iisa. Kaya to be honest Ven?. Hindi ko talaga iniisip na ikaw siya...

... Hinihiling ko na sana ikaw nalang siya... Gusto kong ikaw nalang si Date, Ven. At hindi ko alam kung bakit ito ang nararamdaman ko."

Bullshit!. Inis akong napahawak sa ulo. Ano bang iniisip ko!?! Bakit ko ba sakanya sinabi ang mga bagay na 'yon!?. Tila nasisiraan na nga ng bait akong natawa sa sarili. Nahihibang na nga 'ata talagaako.

Ang mga darating na bukas at susunod pa, hindi ko na alam. Malamang na nagalit ko si Ven, at hindi nagustuhan ang mga sinabi ko kahapon. Kainis!. Tumayo ulit ako, at nag-iba ng pwesto. Ano bang gusto kong isipan niya, dahil sa mga sinabi ko. Na hibang na talaga ako? Nasisiraan? at ano?. Isang desperadong tao?. Tsk! Malamang na 'yon na ngayon ang iniisip ni Ven, sa'kin.

Tinignan ko ulit ang oras sa phone ko. Pang-ilang beses ko na 'tong ginagawa, at hindi parin ako nagsasawa. Titingin, sisilipin ko rin ulit. Naubos ko na ang isang ng ganito lang ang ginagawa ko. Anong oras na, kaya 'di na siguro 'yon pupunta. Kasalanan ko 'to. Wala akong ibang dapat sisihin kung 'di ang sarili kong katangan na palagi sa'king umiiral. Pumikit ako upang magkapag-isip. Lumiyad ng kaunti, at pinatong ang isang braso sa nakapikit na nga mata para itago sa nakakasilaw na liwanag nitong ilaw.

Wait. Napabalikwas ako sa pagkakaupo. Puntahan ko nalang kaya siya? Pero bakit naman? Para saan?. Anong magandang idadahilan ko? May ilulugar ba ang pag so-sorry ko sakanya?. Mga tanong na noon para kay May Seven lang, pero ngayon para kay Ven naman.

Wag na. Wag nalang. For the second time around, tuluyan na 'ata akong mababaliw sa kakaisip. Oras at pagdating niya nalang ang binantayan ko simula kanina pa. Palakad-lakad, at ayaw mapirmi sa i-isang tabi. Titingin sa taas ng teris, mag-aabang sa tapat ng pintuan, at may mahabang leeg na pasilip-silip sa labas nitong bahay.

*Knock*  *knock*  *knock*

Mabilis kong nilingon ang pinto nang marinig na may kumatok galing rito. Walang pagdadalawang isip na ito'y aking nilapitan, hindi sinasadyang mapalunok bago buksan ang pintuan. Nasaan na si Ven? Bakit wala s'ya?. Nilingon ang nasa paligid ko. Nagtaka agad ako ng walang makita pagbukas ko nitong pinto. Wala naman akong ibang inaasahang bisita bukod kay Ven, kaya hindi ko alam kung anong mararamdaman ng makitang wala naman palang ibang tao—Wala siya. And about Xavier? Wala akong pakielam sa isang 'yon. Nakakapanlumo lang, at nadidismaya ako sa sarili ko. Siya nalang ang laman ng utak ko, puro takbo nitong isipan ko. Bakit kailangan ko pa bang maramdamang nagkakaganito ako?

"Hi, kuya Gipo!" blangko ang mata kong nagbaba nang tingin ang mga ito sa narinig kong maliit na boses.

Galing sa isang batang-batang babae. Ngiting-ngiting nakasuot ng dress na may paborito kong kulay. Nakalugay ang manipis pa nitong buhok. Panira ang suot niyang maruming tsenilas sa cute na cute niyang style ng pananamit ngayon.

"Hi! Po, ulit." Bati ulit sa'kin nito_ 'Yong batang inaanak ni Ven.

Kunwari akong umupo para pantayan s'ya. "Ikaw ba 'yong kumatok kanina?" Tanong ko, dahil hindi pa rin ako sigurado.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon