31

44 4 0
                                    

Ven

Mahirap kumilos ng normal lalo na kapag may mga matang nakabantay sa'yo, at sa mga ginagawa mo. Gaya ng nangyayari ngayon.

Nilingon ko si Jace, na pirming nakaupo at pinapanood lahat ng kinikilos ko. Mabuti nalang nagagawa ko pa rin ng tama ang lahat. Nakakakilos parin ako ng normal na parang wala siya dito. Kahit na pakiramdam ko talaga nababalisa na ako.

May dalawa siyang upuan na dinala rito kanina sa kusina. Isa para sakanya, at isa para sa'kin. Kung ano man ang pinaparamdam niya sa'kin ngayon? Wala akong naalala na naging ganito na ako dati pa. Kahit kaninong lalaki, at kahit pa Grey Cloud. Baliwala lang para sa'kin ang tingin ng kahit kanino, pero hindi ang kanya.

Ang hirap intindihin ng mga nangyayari ngayon,  lalo na ang ginagawang pagpigil ng pamangkin kong si Kenny, sa mga taong nagbabalak pumasok dito sa kusina. Sa papa ko, pinalabas niya rin ang kapatid na si Kenzo, at ayaw papasukin kahit ang mama nitong si ate Amy. Kaming dalawa lang ngayon ang nandirito. Walang ibang nangyayari, maliban sa pagtitig niya at pagsulyap-sulyap ko.

"Akala ko magkasama kayong dalawa."

Kung akala niya hindi ko pinansin ang sinabi niya nagkakamali siya. Bakit ba palaging si Grey Cloud, nalang ang tinutukoy niya sa lahat nang sinasabi niya?. Magkakilala ba sila? Oh, siya lang ang nakakakilala kay Grey Cloud?.

Ayuko magtanong sakanya, baka isipin pa nitong interesado ako. Hindi ko gugustuhing mangyari 'yon.

Umupo ako sa tabi nito. Sa kinuha niyang upaan para sa'kin kanina, dahil dito niya rin ito pwenisto sa tabi niya. Hindi na ako nag-abala pang lumayo. Ayuko namang isipin niyang nandidiri ako sakanya oh, ano pa man dahil hindi mangyayari 'yon. Maraming bagay na pwede akong maging dahilan, pero hindi ko naman masabi.

Medyo may itatagal pa 'tong pagluluto ko, dahil hinihintay ko pa ang pagkulo nito. Kaya sa tabi niya, kinuha ko muna ang gamit ko at tinignan ang phone ko. Bumungad agad sa'kin kung nakailang missed calls na si kuya Tristan, at si Lee Kade. May ibang text messages pero 'yong kay Lee Kade lang ang pinansin ko.

[ From: Lee Kade bakulaw

Asan ka?

Bakit wala ka rito sa bahay n'yo?

Ako pala 'yong kumain ng mga natirang pagkain dito. Kasama ko Sevsev.

Hoy puknat!? Bakit hindi mo kasama 'yong kupal na Grey Cloud ngayon?? Nasaan kaba?

Alam kong wala kang load kaya pinaload-an na kita.

Mag reply ka!

Magkasama ba kayo ngayon ng kuya-kuyahan mo?

Nasaan ka ba talaga? Bakit hindi ka nag re-reply?. Dapat nagpaalam ka man lang sa'kin para sinamahan kita.]

Mas marami parin ang maging missed calls niya sa'kin, kaysa sa mga text messages niya. At halos lahat natatanggap ko bawat paglipas ng mga oras. Seryoso ang mukha ko, habang nag ty-type para reply-an si Lee Kade.

[From: me

To: Lee Kade bakulaw

Nandito ako sa bahay nila ate Amy. Binisita ko si papa. Si kuya Tristan, ang naghatid sa'kin dito. ]

Agad naman akong nakatanggap ng sunod-sunod na messages niya.

[ From: Lee Kade bakulaw

Bakit hindi mo ako sinabihan!?!

Dapat ako naghatid sa'yo d'yan!. Dapat sinamahan kita!

Hindi ka talaga nag-iisip May Seven! ]

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon