50

55 5 0
                                    

Ven

Isang bagay lang ang agad na tumakbo sa isip ko nang makita rito si Lawrence-Ibig sabihin nandirito ang bruha niyang girlfriend na si Lyca. Hindi imposible ang bagay na 'yon, dahil pinanganak na 'ata talaga ang babae 'yon para mabaliw at magpapabaliw kay Lawrence.

Naalala ko pa no'ng mga panahon na kami pang dalawa Lawrence, kung nasaan ito palagi siyang nandoon din at patagong nakabuntot. Kaya malamang na ganoon pa rin ang gawain nito hanggang ngayon. Umilang ako dahil sa mga naiisip ko, pinilit na agad ito'y hanapin. Hindi mawala-wala sa labi ko ang ngiti dahil sa ideya na pwedeng-pwede ko siyang makita rito.

Asan na ba 'yon?

"LAWRENCEEEE!! GO MAHAL KO! Whoo-Aaaaaaaaaaahh!"

Mula rito sa taas bahagya akong nagbaba nang tingin ko. Hinanap kung sino ang may-ari ng pamilyar na boses na 'yon, at- Bingo! Napangisi, pinag-krus ang parehong braso ng saktong makita si Lyca, roon sa may bandang baba, kabaliktaran ng pwesto ko mula rito. Hindi na ako mahihirapan nito, dahil ang kailangan ko nalang ay kausapin siya mamaya.

Tama ako, dahil hanggang ngayon wala pa rin pala itong pinagbago. Kung paano ko siya nakilala noon? Ganoon pa rin siya hanggang ngayon. Gaya ng dati siya pa rin 'yong siraulo, ulol at baliw na Lyca na kilala ko. Natatawa nalang ako sa mga nakikitang pinag-gagawa. May hawak na ngang banner na may buong pangalan ni Lawrence, wala pa rin itong sawang isigaw ang pangalan ng pinagmamalaking boyfriend niya. At mukhang wala lang itong pakeialam sa mga taong naiinis, naiirita sa kapabidahang ginagawa niya-Teka. Saglit. Naningkit ang parehong mga mata ko, mas punipilit sa silang abutin nang tingin. May nangyayari yatang iba. Parang nagkakagulo na 'ata roon sa pwesto nila. Maganda sana kaso sayang wala ako roon, at medyo malayo rin.

Pinabayaan ko nalang sila't hindi na inintindi ang mga sumunod na nangyari.

Halos buong laban ng laro nila Raven, hindi nawala ang ngiti sa labi ko dahil sa sobrang tuwa sa mga nangyayari. At mukhang kabaliktaran naman ito sakanila. Wala akong ideya sa problem ni Raven, kahit ilang araw na siyang ganyan, pero nasisiguro kong meron.

Saglit na nawala ang atensyon ko sakanila, pati na sa laro nang maramdaman nag-vibrate na naman ang phone ko sa loob ng bag ko. Magkasalubong ang kilay ko nang kunin ito, at binasa kung sino 'yong tumatawag.

'Ang pogi kong bestfriend na si Lee Kade is calling'

Si Lee Kade na naman pala. Kanina pa 'to eh! At sobrang naiirita na talaga ako sa pangalan niyang nilagay dito. Pogi? Siya? Talaga lang huh!? Kailan pa? At saka pa, FO na kaming dalawa kaya anong bestfriend pinaglalagay niya rito!?. Sobrang pakielamero niya talaga!

Mabilis ko siyang pinatayan ng tawag, at pinalitan ang pangalan na nilagay niya rito sa cellphone ko- Lee Kade panget na bakulaw pa. 'Yan! Mas bagay! At mas okay na. Pagkatapos saka ko na napansin ang iba pang missed call sa akin lalo na 'yong galing kay kuya Tristan. Kung gaano siya kadalas na tumawag sa akin, ganoon ko rin siya kasalan na baliwalain.

From: Lee Kade panget na bakulaw pa

Hoy!? Sagutin mo tawag ko puknat ka!

Tinawanan ko lang ang message na nanggaling sakanya. Tinawagan niya ulit ako pero hindi ko ulit ito sinagot, kahit ilang beses pa siya ulit na tumawag.

'Lee Kade panget na bakulaw pa is calling'

Declined

Declined. Declined. Sunod-sunod na declined. Paulit-ulit na declined, pero ayaw niya pa ring akong tigilan. Ano na naman kayang problema nito? Gusto ko na sana sagutin ang tawag niya dahil baka importante rin, pero imposible namang makaintindi kaming dalawa sa sobrang ingay dito sa court.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon