14

82 6 0
                                    

Ven

Pwede bang may magpaliwanag sa'kin ng mga nangyayari ngayon.

"ayos lang po ba kayo?" nangunot ang noo ko sa pagtataka ng tanungin ko siya mismo.

Masyadong nakakapagtaka ang mga kinikilos at pakikitungo nito sa'kin. Hawak niya ang parehong mga kamay ko, halos mag nining ang mga nito habang titig na titig sa'kin, pati na ang nararamdaman kong saya na nanggagaling mula sakanya, masyadong iba. Ang weird niya pala sa personal.

"Ang ganda mo pala talaga hiya," naiilang akong tumawa sa sinabi niya.

"Sigurado po ba talaga kayong ayaw n'yo, kahit maiinum man lang?" muling alok ko sa congresswoman. Tinanggihan niya kasi ako kanina kaya ngayon baka gusto niya na.

Humalagikgik ito sa tawa't binitiwan na ang kamay ko. Pasin din 'ata nito na medyo naiilang pa ako sakanya, higit pa sa mga ginagawa niya. "salamat hiya, pero hindi na talaga," hindi ko na ito sinagot pa.

Hindi ko akalaing mas may igaganda pa pala ang congresswoman sa personal. Maganda't makinis ang maputing balat nito. Medyo namumula pa siya, dahil nababad kanina sa initan. Dati sa mga tarpulin lang na kinakalat nila tuwing eleksyon kung saan-saan ko nakikita ang mukha niya, pero ngayon nasa harap ko na siya't gusto pa akong kausapin.

"Kamusta kana?" bahagya napaurong ang ulo ko sa tanong niya, hindi maiwasan ang pagkunot ng sariling noo't pagsasalubong ng mga kilay ko.

"kilala n'yo po ako? Bakit n'yo po ako kinakamusta?" tanong ko pero mahihin lang itong tumawa sa'kin.

Light pink polo shirt na disenyo para sa babae ang suot ni congresswoman Rachel Bereño, na pang-itaas nito, at faded jeans naman sa pang-ibaba niya. Pinatuloy ko ito kanina rito sa loob ng bahay, samantalang iyong mga kasama niya namang body guards ay, nasa labas lang at naghihintay. Inutusan niya kasi ang mga ito na roon nalang siya hintayin, dahil kailangan daw naming makapag-usap ng masinsinan. Kami nalang dalawa ang nandito sa loob para makapag-usap, pero hanggang ngayon hindi niya parin sinasabi ang hindi ko matukoy niyang pakay. Ano ba 'tong mga nangyayari na 'to?.

"naguguluhan ka ba iha?"

Ang hihin niya pala talaga, dahilan kung ba't mas lalo siyang nagmumukhang kagalang-galang kung titignan. Sumama ang mukha ko ng maalala ang anak niyang si Raven. Saglit ko palang nakakasama ang congresswoman, pero pansin ko na agad ang pinagkaiba nilang dalawa ng anak niyang g*go. Hindi sila magkatulad ng kumag niyang anak na napakabastos ang walang mudo. Dapat sa mga lalaking gano'n pinapa rape sa mga mukhang tuta.

"aah?_Opo," Hindi naman ako nag-alangan na sagutin agad ang tanong nito.

Hindi lang ako naguguluhan, dahil gulong-gulo na ako. Bakit ba kasi siya nandito? Dahil ba sa ginawa ko sa anak niya? Napuruhan na ba? Sana naman!

"Alam ko ang tungkol sainyong dalawa ni Raven," saglit akong natigilan, pero nagbalik din agad sa wisyo para tanungin siya.

"po? may tungkol samin?"

May ideya ako, pero tingin ko hindi tama. Tingin ko, hindi ang ginawa ko sa anak niya, ang talagang pakay ng pagpunta niya rito. Kaya anong tungkol samin ni Raven, ang tinutukoy niya?.

Tumawa na naman ito ng wala akong ideya kung bakit. "Alam kong may relasyon kayo ng anak kong si Raven."

"po?! may relasyon kami?!" halos napasigaw ako sa gulat. Kailan pa? Bakit wala akong alam, tapos alam nitong congresswoman na nanay niya?.

"Yes. You and my son, are together right? Boyfriend mo s'ya," put*! Gusto ko nalang biglang magmura sa harapan niya, mabuti nalang napipigilan ko pa.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon