11

102 6 0
                                    

Ven

Hindi ako pinaniwalaan ni kuya. 'yon ang nararamdaman ko.

Hindi niya ako pinapansin. Simula kanina wala na siyang imik, at hindi niya ako sinasaway kapag tinatawag ko siyang kuya.

Galit nga siya sa'kin.

Habang naliligo't kinukukos ang sariling buhok sa pag sha-shampoo, nakapikit ang isang mata kong tiningnan ang damit na 'yon. Bumaba ang tingin ko't pinanood na pumasok ang marumi ng tubig at bula sa maliit na butas sa banyo na pinagdadaluyan nito. Bakit hindi ko ba napansin na nagkapalit pala kami ng damit na dalawa? Mabuti nalang talaga walang iniwan na marka ang isang 'yon, kung 'di malilintikan na!

Mabilis kong tinapos ang pagbabanlaw ng sarili ko. Kailangan kong matapos agad sa pagligo para puntahan si papa. Sigurong pwede na siyang makalabas ng hospital ngayon. Lumabas ako ng cr na nakabihis na't pinupunasan nalang ang buhok gamit ang tuwalya.

Naabutan ko si kuya Tristan na nakaupo't nakapandikwatrong nanonood ng basketball sa flat screen TV na siya mismo ang nagpabili para dito sa bahay. Nawala nalang ang atensyon nito sa pinapanood na makita akong kalalabas lang ng banyo. Wala paring suot na damit si kuya, tanging short niya lang na ang itsura'y partner ng isang jersey. Hinawi nito ang bagsak niyang buhok habang nakatingin pa rin sa'kin. Saglit ko lang siyang tinignan, kabaliktaran ng ngayo'y ginagawa niya.

"Aalis ka?." nakatalikod ako sakanya ng tanungin ako nito. Ramdam ko parin ang mga titig niya sa likuran ko. 'Di ko naman makuhang mailang kay kuya, dahil kapatid ko naman siya.

Kakatapos ko lang suklayin ang mahaba kong buhok at ngayo'y tinatali na ng patirintas na dikit sa anit, nakaharap sa salamin ng magtanong si kuya. Wala ng pakielam at 'di alintana ang buhok kahit basa pa.

"Oo, kuya. Pupuntahan ko lang si pa_"

"hindi ka aalis."

Gulat akong napalingon sakanya. Nabitawan ang buhok na pinaghihirapan kong itali, dahil sa narinig na sinabi niya.

"huh?... Pero pupuntahan ko lang naman si papa, kuya." halos mag-makaawa na ang tuno ng pananalita ko sakanya, pero hindi niya ito pinansin, at binaling sa iba ang tingin. Sa pinapanood niya sa TV.

"ku_"

"sumunod ka nalang sa'kin Ven. Pauwi narin naman sila," siya naman ang nakatalikod sa'kin ngayon. "Sila ate, kuya Lennox nalang ang bahala sakanya." muli nitong mungkahi, kinuha ang remote control ng TV, at pinatay nalang ito.

Tumayo si kuya't nilapitan ako para ipaalala sa'kin ang isang bagay.

"Tandaan mo may kasalanan ka pa."

Natahimik ako't sinunod nalang ang gusto ni kuya Tristan. Hinintay kong dumating nalang sila papa, pero parang ang tagal naman 'ata. Umabot nalang ng 9 ng gabi, pero wala parin sila papa pati na ang mga kapatid ko para ihatid siya. Sobrang tagal hindi ko na makuhang mainip kinakabahan nalang ako. Bakit hanggang ngayon wala parin sila?. Diba dapat kanina pa?. Tsaka ang sabi ni kuya Tristan kanina pauwi na raw sila.

Lumipas na naman ang isang oras na wala sila. 10 na pero hanggang ngayon wala parin sila. Hindi nalang ako kinakabahan, natatakot narin ako.

Hindi ko na natiis ang sarili ko't gumawa na ng paraan. Umalis ako ng bahay ng hindi nalalaman ni kuya. Pinuntahan si papa sa hospital, pero wala na akong ibang naabutan. Wala si papa, sila si kuya Lennox, pati sila ate. Wala kahit ang ibang mga gamit niya dito. Umuwi akong bigo dala ang bigat na nararamdaman. 'Di naman siguro nila gagawin, ang iniisip kong magagawa nila diba?.

Pagkauwi ko, sa labas palang nakita ko na agad si kuya Tristan. Nasa tapat ito ng gate, halatang hinihintay ang pagdating ko. Naka shirt na siya, at ngayo'y naninigarilyo.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon