53

48 5 0
                                    

Ven

Umaasa kaya talaga siya na mangyayari ang bagay na 'yon?

Kung susugal ka, dapat alam mong ikaw ang mananalo. Dapat sigurado ka na makukuha mo ang gusto mo. Para sa huli hindi ka magsisi, at hindi mo rin masisi sa iba ang nagawa mong maling desisyon sa buhay. Sana piliin nalang ni Jace kung anong tama, para hindi kami maging ganoon sa huli at wala ring sisihan sa mga mangyayari.

Tila nanlambot 'ata bigla ang pakiramdam ko nang makita ko siyang nalungkot. Lumunok ako. Mabuti nalang at wala ako ngayong hawak na kahit ano at baka may mabasag ako. "Bakit hindi ka kumain Ven? Hindi mo ba nagustuhan 'yong niluto kong adobo?"

"Hindi pa ako nagugutom." ayukong ipahalata sa kanya kung ano mang 'tong nangyayari sa akin. Nakita ko lang naman siyang ganyan, pero bakit kailangan ko ng magkaganito!? - Ano? Ano ulit 'yong tungkol sa adobo? "Tama ba narinig ko na ikaw ang nagluto no'n?"

Shit! Halos hindi ako makapaniwala sa naging sagot nito, at doon ko lang din nalaman na ilang araw ko na palang niluluko ang sarili ko.

"Oo."

Mabilis akong bumangon, bumaba ng hagdan, at sinandukan ang sarili ko pagdating agad sa kusina. Dahil sa totoo lang gutom na gutom talaga ako.

Sinundan naman ako ni Jace, na ngayo'y katapat ko, at gaya ko lang rin na naka-upo. "Tara, kain!" aya ko sa kanya, pero para bang wala naman pake sa inaayang tao basta makakain lang.

Bala siya d'yan! Magsandok nalang siya ng sarili niya, basta ako kakain!. Kapag ganitong gutom na gutom pa naman ako mabilis akong mairita sa kahit sino.

Tumitig lang siya sa akin, habang naka-kalumbaba sa harapan ko. "Akala ko ba hindi ka pa nagugutom? Pero parang kabalik 'ata ang sinabi mo."

Saglit ko siyang tinignan para ngumiwi sa kanya. Hindi na halatang nagsinungaling lang ako!?. Kaya siguro wala pa 'tong nagiging girlfriend dahil walang alam sa babae, tss!

"Akala mo ba si Kuya nagluto sa'yo n'yan, dahil s'ya ang naabutan mo kanina rito?... Kaya hindi ka rin kumain?"

Hindi na ako sumagot sa halip nagtanong pa ako sa kanya. "Kuya?"

Kuya? Mas matanda pa ba sakanya si Lee Kade?. Kung ganoon ibig mas matanda pa ako kay Jace. Mag kasing edad lang naman kami ni Lee Kade, pero mas matanda pa rin ako sakanya ng isang buwan. Bakit kaya Kuya ang tawag niya kay Lee Kade?

"Hindi. Si Kuya Grey Cloud, ang tinutukoy ko."

Muntikan pa akong mamasid sa pangalan na binanggit niya. Halata namang mas matanda si Grey Cloud sa kanya, kaya siguro kuya na ngayon ang tawag niya rito.

"Hindi, ah!" depensa ko, kahit hindi naman talaga kailangan. Mali ang nagawa ko.

Pagkatapos niyon, hindi ko na alam kung ano pang tumakbo sa isipan niya, pero alam kung hindi rin siya naniwala agad sa akin. Ganoon ba talaga kahirap na paniwalaan ang kasinungalingan ko?

Nagsalita ulit ako para magtanong sa kanya. Tutal mukha wala naman na 'ata siyang balak ulit magsalita, kaya ginawan ko ng paraan. "Jace?..." tumingin ako sa nakakalunod at itim na itim niyang mga mata. "Nitong mga nakaraan araw?... Ikaw ba? Oh, si Lee Kade, ang nagluluto at nagdadala sa akin ng pagkain?"

Ngumiti siya ng matamis kaya alam ko na agad ang ibig sabihin niya roon sa naging tanong ko. "Gustuhin man ni Kade na gawin 'yon para sa 'yo, ang kaso may trabaho pa siya kaya ako nalang gumagawa."

Nabagsak ko ang kutsarang hawak ko nang nakangiti nitong guluhin ang buhok ko. Habang ako naman titig na titig sa kanya. Ngayon ko nalang ulit naramdaman na nawala ang pagmamanhid ng puso ko.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon