32

38 5 0
                                    

Ven

Nakatulog akong nag-iisip, at nagising na iisa parin ang iniisip.

Wala naman dapat akong gawin, pero bakit ganito nalang ako?. Nag-iisip ng kung anong pwede kong gawin. Hindi mawala sa utak ko kung anong ginawa rito ni Grey Cloud kahapon. Kung bakit siya nandito.

Ako kaya ang sadya niya?

"Lalim ng iniisip natin huh?. Ano?. In love na ba ulit?" nakapikit ako at pinipilit parin na makaiglip, pero mukhang 'di na talaga.

Umupo ako sa higaan ko't sinandal ang ulo ko sa pader. Tiningala ang nakatapis na si Lee Kade. "Dito ka naligo?" tanong ko sakanya, sabay bumuntong hininga ko ng hindi niya pansinin. Dumiretsyo agad si Kade, sa lagayan ko ng mga damit.

Basa ang buong katawan. Gamit pa nito ang tuwalya ko. At mukhang mas wala pa ito sa'kin sa mood. Tuwing may problema lang siya, nangyayari ang ganitong senaryo.

"Nag-away kayo ni Janice?" hinala ko't panibagong tanong na naman sakanya.

Pero ang tingin ko tama ako, at 'di na dapat pang itanong 'yon sakanya. Kilala ko si Lee Kade. Mas kilala ko pa ang bestfriend ko sa kahit sinong mga kapatid ko, at ganoon din siya sa'kin. Hindi niya man sabihin na may problema siya, kabisado ko na si Lee Kade.

"May damit pa ba ako rito?" 'yon pala ang hinahanap niya sa loob ng aparador ko.

"Nasa may bandang ilalim Kade. Kumpleto parin gamit mo d'yan,"

T-shirts, Shorts, at kahit underwears niya pa. Kumpleto lahat ng gamit ni Lee Kade d'yan sa aparador ko. Halos kalahati nga ng laman n'yan pagmamay-ari niya. Sakanyang mga gamit

Umiwas ako nang tingin kay Kade, ng dito siya mismo magbihis sa harapan ko. Kasanayan ko man ang ganito niyang gawain, ang dugyot parin ng dating sa akin. "Nakakadiri ka talagang bakulaw ka!. Kailan kaba titigil d'yan sa kadugyutan mo!?"

Tudo ang pag-iwas ko ng tingin, pero sa gilid ng mga mata ko, kitang-kita parin ang lahat. As in lahat! Ulo hanggang ulo!. Taas papuntang baba!. Ew!

Rinig ang sarkastikong ngisi nito sa buong kwarto. "Parang hindi mo pa nakita 'to lahat huh?." kumuha siya ng unan at pinukol sa mukha ko. Mabilis ko itong pinulot para ipantakip sa mukha lalong-lalo na sa mga mata ko. Ang laswa! Kadiri! Ang dugyot!

"Ang abong ulap mo."

Tapos na si Kade sa ginawa nito, ng ibagsak dito sa kama ang sarili niya. Dahan-dahan kong inalis ang nakatakip na unan sa mukha ko. Naging interesado agad ako sa gusto niyang sabihin.

"Anong meron sakanya?" hindi na ako nagdalawang isip pa na magtanong kay Kade. Gusto kong malaman kung ano nga bang meron kay Grey Cloud.

Tumagilid ito paharap sa pwesto ko. Tinukod ang siko niya sa kama. Pinatong ang ulo niya sa sarili palad para tumaas ang ulo, bago ngumisi sa'kin. Ngising niyang hindi nakakatuwa ang dating. Masyadong sarkastiko, 'di ko alam kung ano papatunguhan ng ganito.

"May gusto ka pa ba sakanya, Ven?"

ito na naman kami. Nandito na naming kaming dalawa sa puntong 'di ko gustong binabalikan.

"Gusto mo bang pag-awayan na naman natin 'to, Lee Kade?"

Umayos ito nang pagkakahiga. Tinitigan ang kisame. At hiniga ang ulo niya sa dalawang magkapatong nitong braso. Kung ano mang meron kay Grey Cloud, mas interesado parin akong malaman kung anong problema ni Lee Kade. Ng bestfriend ko.

"Nag-away kami ni Janice kahapon." binalingan ko siya nang tingin ko. "Para kasi akong tangang hanap nang hanap sa'yo. Akala ko talaga kung ano ng ginawa sa'yo ng kupal mong kuya-kuyahan, kung saang lupalup ka na niya dinala. Hinanap na kita, pero hindi kita makita-kita. Pinaloadan na kita lahat-lahat hindi ka parin nagrereplay. Anong gusto mong isipin kong puknat ka?!" Lumabi ako sa kasalanang naiisip.

"I Love You, Seven Thousand"Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon