Chapter Twenty-Five

5K 147 1
                                    

Chapter 25

"Roxanne!" Halos marinig na ni Garry ang kaniyang sariling boses dahil sa gulat. May komosyong nangyayari sa daanan na malapit sa bahay ng mga Taylor. Noong una ay hindi niya pinansin pero nang makita niya si Roxanne, ang kaniyang mahal na umiiyak ay hindi niya napigilang sumigaw.

"WHY did you shoot her Ethan?! Gago ka ba?!" Rinig niyang sigaw ng mommy ni Roxanne. Nanginginig ang kamay niyang nasa manibela. In no time binuksan niya ang pinto. His uncle Axel held his hand to stop him.

"Garrison no." Pero iwinaksi ng binata ang kamay nito at mabilis na lumabas ng kotse. He run until he got Ethan's neck and choked him.

"Gago ka!"

"Papatayin kita!" He angrily said. Ethan choked and stop him pero mas malakas si Garry. Pinalakas siya ng galit, muhi at inis nito.

"Garry? Garry!" Nagulat ang ginang ng makilala si Garry. He looks so much different now from the Garry she knows. Nang maalala niya ang kaniyang anak ay sinuntok niya ang tagiliran ni Garry.

"Garry Jones! My daughter! Please save her!" Umiiyak na saad nito. Natauhan si Garry at itinulak sa semento si Ethan. Halos ilang ubo ang pinakawalan niya at habol habol niya ang kaniyang hininga.

Lumapit si Garry sa bangin at nakita ang payapang tubig. Walang bakas ni Roxanne.

"Kapag may nangyaring masama kay Roxanne makikita mo Ethan. Ililibing kang buhay." Saad ni Garry at naglakad paalis.

"Garry anak..." He stop when Roxanne's mother utter those words.

"Please do save my daughter. Please do save her." Pagsusumamo nito.

"I will ma'am." That's what he replied and run towards his car.

"Did you see Roxanne?" Nag-aalalang tanong ng kaniyang uncle Axel.

Umiling siya.

"Bababa ako, hahanapin natin siya." He said with determination.












"ANONG naisip mo at binaril mo ang anak ko?!" Galit na tanong ng ama ni Roxanne.

Umiiling at umiiyak na lumingon si Ethan sa lalaki.

He is afraid. Really afraid. Hindi niya ginusto na barilin ang babae pero nasaktan siya. Mas gusto pa ni Roxanne na tumalon kaysa maipakasal sa kaniya.

"Tito I did not mean it, I swear. Tatakutin ko lang sana siya kasi balak niyang tumakas pero tumakbo siya papunta sa bangin at alam ko ng mga oras na 'yon tatalon siya. Tatalon siya para sa Garry na 'yon!" Umigting ang panga ng ama ni Roxanne at sinuntok si Ethan.

"Kahit na!"

"Kahit na Ethan! Wala kang karapatan na saktan ang anak ko! Ginawa ko ang lahat upang mapalaki ng maayos ang anak ko. Hindi ko hinahayaang makalapit ultimo lamok tapos babarilin mo? Hindi kriminal ang anak ko!"

Dahil sa galit ay nasapo niya ang panga ng binata at mariin itong hinawakan.

"Kapag may nangyaring masama sa anak ko, hindi ko alam kung anong magagawa ko, Ethan. Tandaan mo 'yan." Aniya at binitawan ang lalaki. Nagpakawala siya ng malalim na hininga at hinagkan ang umiiyak na asawa.

"We will wait for their update. Roxanne is safe, I know." Pagpapakalma nito sa kaniyang asawa.

"Sir, ma'am." Napatingin sila sa bagong dating na maid. Si Vina na kasambahay nila.

"May naghahanap po sa inyo." Aniya.

"Sino?"

"Ang mga Jones po."












HABANG nag-uusap sa labas ang ama ni Roxanne at mga tiyuhin ni Garry lumapit si Vina sa umiiyak niyang amo.

Si Ethan ay tulala parin habang tumutulo ang luha. Mukhang mawawala na ito sa sarili. He is traumatized by the incident.

"Ma'am... May sasabihin lang po sana ako sa inyo tungkol kay ma'am Anne." Saad niya, lumingon sa kaniya ang babae habang umiiyak. Gusto niya mang umirap dahil alam niya na isa rin siya sa dahilan kung bakit nakalabas si Roxanne ay di niya magawa. She love her daughter so much. Kahit pa naging mahigpit din siya sa anak ay hindi niya naman kaya na mapasama ito.

Sobra-sobra na ang dinanas ng anak. She was coma two years ago at ngayon nawawala na naman 'to. Nasa piligro na naman ang buhay nito.

"Ano 'yon Vina?" Tanong niya.

Huminga ng malalim si Vina.
"Buntis po si ma'am Roxanne. Nag-aalala po ako sa kaniya baka may mangyaring masama sa baby nila ni sir Garry."

"Ano?!" Sabay na tanong ng ina ni Anne at Ethan.

Kumuyom ang kamao ni Ethan at tumayo. Sinuntok niya ang pader na una niyang nakita at sumigaw.

"Oh my god my Roxanne!" Umiiyak na saad ng ina nito.

Halo-halong emosyon na ang namutawi at halos mangatog na sa pag-aalala ang ginang.

"Anong kagagohan na naman 'yan Ethan?" Tanong ni mayor na kakapasok lang.

"Putanginä Tito! Buntis na pala 'yang anak niyo sa Jones na 'yon!" Inis nitong saad na ikinabigla ng ama ni Anne.

Napahilamos siya sa kaniyang mukha at inisip ng mabuti ang desisyon. Nakapag usap na sila ng mga Jones. Wala man si Garry pero alam niyang nag hahanap ito sa kaniyang anak.

Nagkapatawaran sila at nakiusap ang mga ito na huwag ng idamay ang mga bata. Hindi sila kasama sa alitan nila sa politika at nagmamahalan ang mga ito.

Naisip niya rin na siguro'y dapat ng putulin ang away nila. Lalo pa't hanggang ngayon nawawala parin si Roxanne, ang nag-iisa niyang anak.

"Walang magaganap na kasal Ethan. Umalis ka na sa bahay ko." Puno ng awtoridad niyang saad.

"What?! But everything is fixed Tito! Hindi na 'to pwedeng iatras. It will be fine with me if Roxanne is carrying a child. I love you daughter so much." Pagsusumamo ni Ethan.

Pero buo na ang desisyon nito.

"At mahal ko rin ang anak ko Ethan. Naging makasarili ako at bulag. Iba ang mahal ng anak ko at si Garry ito. Nasa kaniyang kamay na ang pasya kung ano ang pipiliin niya. Ang gusto ko lamang ay umuwi siya dito ang malaman na buhay siya." Nasuntok ulit ni Ethan ang pader at umiiyak na lumabas ng bahay ng mga Taylor. Alam niyang wala na. Suko na siya. Minahal niya naman ang babae e, pero ang hirap turuan ng puso.

"Ang anak ko..." Bulong ng ina ni Anne. They are hugging each other while hoping that Anne will be back on their arms.

___

The Billionaire's Secret ✓Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon