Chapter 17

98.7K 1K 62
                                    

Chapter 17

Halos pinagtitinginan ako ng mga kaklase ko after nilang makita ang post ni Jeremy. Halos hindi rin sila makapaniwala.

Sakto naman na hindi dumating ang professor namin para sa first subject kaya naman umalis na ang iba habang ako ay nanatili sa upuan ko para magpa-cooldown. Hindi pa rin ako makapaniwala sa ginawa ni Jeremy.

He didn't tell me! Hindi niya man lamang ako naabisuhan sa gagawin nito lalo na nandito pa kami sa university.

Hindi ako makatili!

Kung dati kaya kong maging walang hiya sa harao ng maraming tao pero mula nang maikasal ako kay Jeremy parang tinubuan na ako ng hiya.

Hindi ko alam kung saan nanggaling pero narealized ko sobrang minahal ko Jeremy. Sagad na sagad kung saan ginawa ko ang lahat para lang makuha siya, which I succeed.

Naiyak naman ako sa pag-alala ko ng mga nakaraan.

Parang dati halos manlimos na ako kay Jeremy ng atensyon pero ngayon unti-unti nang natutupad 'yong hiling ko na mapasaakin siya, ang makasama at mahalin rin tulad ng pagmamahal ko sa kanya.

Kahit mabagal hangga't umuusad, as long alam kong may progress hindi ako susuko.

"Hinack mo siguro ang account ni Jeremy 'no?" napapunas naman ako ng mga luha ko sa narinig.

Akala ko matatapos na itong mga ganito, hindi pa rin pala.

Dahil base na nabasa kong ibang comment sa post ni Jeremy puro bad comments about me. Pero tinigil ko rin agad ang pagbabasa dahil puro hate comments at hindi makapaniwala ang mga comments roon.

Nag-uumpisa palang ata.

"Ano? Hinack mo 'no? Ikaw ba itong nagpost?" pagtataray ng kaklase kong babae na lumapit pa sa akin. Maganda naman ito, kulot ang buhok at pulang-pula ang mga labi dahil sa red lipstick nito.

Napailing na lamang ako sa akusa nito.

Hindi lang talaga nila matanggap na kasal na kami ni Jeremy.

Gan'un talaga siguro kagulat ang balitang ito that even me can't believe that this is really happening. That this is real.

"Bakit ba hindi nalang kayo maniwala?" iritable ko namang tanong sa kanila.

"Because it's impossible! Anong ginawa mo kay Jeremy! Ginayuma mo 'no?" akusa naman nung isa nitong kasama na straight hair with bangs. Taray naman.

"Hala, hindi ko ginayuma 'yon 'no. Pero muntik na. Hirap paibigin eh." biro ko sa kanila. Mas gusto ko silang asarin ngayon.

"Anong hindi eh nagayuma mo na nga." pagpupumilit pa rin nila.

"Sige na nga ginayuma ko nalang." pagsasakay ko sa mga akusa nila. Nag-ingay naman sila at parang ready na sumugod sa akin.

"Kita mo 'yan ---" dinuro-duro pa ako nito pero agad ko namang tinapik 'yon.

Bwesit 'tong si Jeremy at hindi man lamang ako inabisuhan na may pa "Wifey" reveal pala siya edi sana nakapaghanda ako.

"Oh relax, wag na atat sa Quiapo ko lang naman 'yon binili. Try niyo nalang puntahan if meron pa. At sale rin kasi 'yong binilhan ko that time kaya binili ko na. Naka 40% off." tumayo na ako saka nagready na paalis dahil sinisiksik na nila ako eh may nangangamoy kakaiba na sa kanila.

"Effective pala 'yon 'no?" sabi ko sa kanila saka kumindat at lumabas ng room.

Nang makalabas naman ako ay napahawak ako sa dibdib ko sa sobrang kaba ko.

Hindi ko inaasahan na magagawa at masasabi ko sa kanila 'yon.

It's a little achievement na magsalita naman ako para sa sarili ko. Wala naman akong ibang magiging kakampi sa mga gan'ung eksena kundi ang sarili ko.

Hindi ko pa rin kasi masabi if ililigtas ako ni Jeremy sa mga gan'ung sitwasyon lalo na't --

Napatigil naman ako sa paglalakad nang makita ko ang hinihingal na si Jeremy na nasa harap ko.

"Hey." hinihingal na sambit niya.

"J-Jeremy, anong ginagawa mo dito? Wala ka bang klase?" sunod sunod na tanong ko sa kanya.

"I'm sorry. Ginugulo ka pa rin ba nila?" kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito dahil hindi ko naintindihan ang sinabi niya. Bakit naman siya nagso-sorry?

"Ha?" clueless ko pang tanong rito.

Huminga naman ito nang malalim saka nagkamot ng ulo.

"About my post, it's wrong timing since I'm not with you. Are you okay? Hindi ka naman ba nila ginulo?" tuloy-tuloy nitong sagot sa akin.

Napaisip naman ako saka sumagot.

"Ginulo." simpleng sagot ko.

"What?!" eksaheradong sagot nito.

"But don't worry, it's already under control. Buti nga hindi sila nananakit." sagot ko nalang rito.

Bumuntong hininga naman ito.

"I'm sorry." tanging sagot nito.

Tumawa naman ako.

"Ano ka ba, okay lang naman. Sanay na ako. Ikaw nga ang dapat tanungin ko kung okay ka lang ba? Okay lang ba 'yong post mo? Nakakahiya nga, i-delete mo na 'yon." pangungumbinsi ko pa sa kanya.

Siya naman itong kumunot noo.

"Bakit ko naman ide-delete? Wala namang mali sa post ko at totoo namang asawa kita kaya bagay naman ang caption ko." paliwanag nito.

"Hindi ba nakakahiya? I mean hindi ka ba nahihiya? Publicly mo akong pinapakita ngayon." tanong ko pa sa kanya.

"Anong nakakahiya d'on. Asawa kita at hayaan mo akong bumawi for you. At medyo late na rin bago pa kita pinakilala sa kanila." sabi nito saka hinila naman nito ang kamay ko saka ako inakbayan at mas lalong idinikit sa kanya.

Tumingin naman ako sa hawak nito sa braso ko saka sa kanya.

"Jeremy. . ." lumingon naman ito sa akin saka lumapit ng halos isang pulgada ang layo.

Lumayo naman ako saka tumawa at pinisil ang ilong nito.

"Thank you and I love you." sabi ko sa kanya na ikinatigil niya sandali pero agad rin itong nakabawi at ngumiti.

Hinalikan naman ako nito ang tuktok ng ulo ko.

"Thank you rin for coming into my life, Krish."

Imagine, hindi pa 'yan 'I love you' ah.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon