Chapter 15

98.2K 1.1K 79
                                    

Kasalukuyan akong naglalakad papunta sa cafeteria namin dahil nagugutom ako at kailangan ko ng makakain bago ako pumunta sa susunod na klase.

Magpapasama sana ako kay Jeremy pero nahihiya pa rin ako sa bagong set-up namin. Nangangapa pa rin ako kung dapat na ba akong maging komportable sa kaniya o hindi. At isa pa, hindi ko pa rin nakakalimutan ang 'Cindy' niya. Hangga't hindi ko talaga nalalaman ang tungkol sa pangalan na 'yon hindi ako matatahimik.

Lagi kong naiisip kung sino nga ba siya sa buhay ni Jeremy.

Napailing na lamang ako nang maisip na naman ang pangalan na 'yon.

Kailangan ko talagang malibang at makakausap man lamang para hindi ko na iniisip at pinagseselosan ang Cindy na 'yon.

Buntong hininga nagpatuloy ako sa paglalakad. Sakto rin kasi na wala si Jessa ngayon dahil may inasikaso kaya wala naman akong ibang magagawa kung hindi ang bumili mag-isa.

Pagkarating ko ng cafeteria ay agad akong bumili ng pwede kong makain. Kahit may gusto akong potato chips ay mas pinili kong bumili ng mas healthy at kailangan kong pagkain dahil hindi na sarili ko lang ang dapat kong alagaan.

Sumasakit na pa naman ang balakang ko palagi at palagi ring pagod ang nararamdaman ko.

Ang hirap naman magbuntis.

Hawak ang balakang papalabas ako nang mapansin ko si Jeremy na kasama ang mga barkada niya. Nagtatawanan pa sila at tila nagbibiruan. Madali silang makita dahil sa nililikha nilang ingay habang ang mga kababaihan naman ay nakangiting nakatingin rin sa kanila na parang kasali sila sa usapan.

Napailing na lamang ako sa binuksan ang tubig na binili ko at ininom habang naglalakad. Bago pa ako makalabas ay muli akong sumulyap kay Jeremy at unti-unting nawala ang ngiti nito na ikinayuko ko.

Hindi na naman ba ulit sa kanya okay na makita ako?


Kung anu-ano na namang scenario ang pumasok sa isipan ko nang makita ko ang pagseseryoso niya.

Hindi naman na ako lumalapit at nanggugulo sa kanya. Naisip na naman kaya niya na ang malas niyang maitali sa akin?

Mas lalo naman akong nalungkot sa naisip ko. Okay naman siya kanina sa bahay namin ako lang 'tong tahimik at hindi kumikibo dahil hindi maganda ang umaga ko.

Napanaginipan ko lang naman si Jeremy na yakap ang faceless 'Cindy' sa panaginip ko. Tila ang bigat-bigat sa pakiramdam nang mapanaginipan ko 'yon. Para kasing totoo.

Hindi ko na lamang inisip si Jeremy sa mga sumunod kong klase dahil kailangan ko pa rin magfocus sa pag-aaral ko para naman may maipagmalaki naman ako sa magiging anak ko once dumating siya.



Nang matapos ang huling klase ko ay nagready na ako para umuwi.

Ala-sais na ng hapon at baka nauna nang umuwi si Jeremy o baka may practice pa sila ng basketball.

Na-excite naman akong umuwi dahil napag-isip isip ko na bakit ko ba iniisip kung sino ang babaeng mahal ni Jeremy kung gagawin ko nga ang lahat para lamang mapalitan ito sa puso niya. At ako ang papalit 'don. Mamahalin rin ako ni Jeremy.

Naglalakad na ako papalabas ng gate nang makita ko si Jeremy na tila may hinahabol.

Hindi pa pala siya nakakauwi baka may practice.

Hindi ko na sana ito papansinin pero napansin ko ang mga players ng basketball na halos sabay sabay naglakad.

"Buti nalang walang practice ngayon, may date pa naman ako." rinig kong sabi ng isang nakasabay ko.

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon