Chapter 6

120K 1.4K 80
                                    


Araw ng pasko ngayon, marami akong hinanda pero mag-aalas dose na pero wala pa rin siya.

Magce-celebrate ata akong mag-isa, as always.

Siguro nagsasaya na siya ngayon kasama ang ibang tao habang nag-iisa ako rito sa bahay namin. Sanay na rin naman ako mag-isa pero nakakalungkot lang na 'yung inaasahan kong makakasama ko ngayong araw ay wala.

Umattend rin ako nakaraan ng birthday ni Dani pero agad rin akong umuwi at dinahilan ko nalang na masama na ang aking pakiramdam. Nakita ko rin nga doon si Justine pero saglit lang kami nakapag-usap dahil pauwi na ako nung dumating siya. Nag-insist pa nga 'yung ihatid ako na hindi ko na tinanggihan dahil sobrang kulit kaya naman pag-uwi ko sinalubong na naman ako ni Jeremy ng mga tanong na hindi ko pinansin.

At ngayon nakatingin ako sa kawalan nagbabakasakaling dumating siya, gusto ko na rin sana na makapag-usap kami pero mukhang naghihintay lang ako sa wala.

Ilang segundo pa ang lumipas at narinig ko na ang mga kapitbahay naming nagsasayahan.

"Merry Christmas to me, to us baby." Bati ko sa sarili ko at tumayo at pumunta ng kusina to eat after ko kumain ay papunta na sana akong ng kwarto para matulog nang bumukas ang pinto at iniluwa nun ang pagod na pagod na si Jeremy.

Gulat naman akong napatingin sa kanya. Agad namang bumilis ang tibok ng puso ko sa pag-asang kaya siya nagmamadali dahil gusto niya magcelebrate ng Christmas with me.

"M-Merry Christmas Jeremy.." nauutal ko pang bati sa kanya. Kahit naman ako ang hindi namamansin sa amin alam ko namang hindi ko siya matitiis, mahal ko eh.

Nagulat naman ako na bumati rin siya sa akin pabalik.

"Merry Christmas rin.." bati niya sa akin.

Napatalikod nalang ako agad para maitago ang nag-iinit kong mukha. Hindi ko naman inaasahan na babatiin niya rin ako kasi sanay naman ako na hindi niya ako pinapansin o kinausap, pero this time may response akong natanggap mula sa kanya.

"Ah..Hmm..Krisha..." tawag nito sa akin na agad ko namang ikinalingon pero hindi ko sumagot.

"Sorry nga pala..."dagdag pa nito. At sa sobrang saya siguro na nararamdaman ko ay agad akong lumapit sa kanya at yumakap.

"Thank you, Jeremy !" naiiyak kong pasasalamat sa kanya sa hindi ko malamang dahilan. Basta sobrang saya ko lang siguro dahil kasama ko siya ngayon.

May mumunting butil na ng mga luha akong nararamdam na pumapatak sa pisngi ko pero nakayakap pa rin ako sa kanya and hoping he'll hug me back. Hindi naman sa pagmamalabis pero sana may Christmas Hug naman akong gift from him. Kahit 'yun lang.

Pero dahil hindi ko matiis na hini niya ako yakap at desperado na talaga akong mayakap ng isang Jeremy ay agad akong nagdemand sa kanya.

"Pwede bang yakapin mo rin ako pabalik?" sabi ko rito pero wala akong naramdam na yakap pabalik mula sa kanya , okay lang. Okay na 'tong he let me hug him for a while.

Ilang segundo pa ay kumalas na rin ako sa kanya at ngumiti, yung ngiting masaya.

"Sorry rin Jeremy, I understand kung bakit ayaw mo ako ipakilala kasi oo nga pala , kilala ka sa school at baka masira 'yung pangalan mo nang dahil lang... lang sa isang tulad ko na malayo mong patulan dahil obsessed sa'yo. Hayaan mo kahit ganun, mahal pa rin kita --- kaya lalayo muna ako..." pilit na ngiting sabi ko sa huli sa kanya saka tumalikod na.

Pero nakakailang hakbang palang ako nang lumingon ako ulit sa kanya, nakita ko namang nakakuyom ang kamao niya naikinakunot noo ko.

"Galit ka ba ? Sorry talaga Jeremy ah. I love you !"sabi ko sa kanya

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon