Krisha's POV
Nagising ako ng may maramdaman akong humahawak sa braso ko.
Pagmulat ko wala akong makita kung hindi itim.
Shit nakakidnap ata ako.
"Sino kayo ?!! Saan niyo ako dadalhin?!!" sigaw ko sa kanila at labis ang takot sa dibdib ko.
"Manahimik ka nalang miss." Sabi lang nito sa akin na parang kalmado.
"Ayoko ! Kinikidnap niyo ako tapos gusto niyo manahimik lang ako ?!! HELP !! Mga Sir, pakawalan niyo na po ako, wala po akong pera, hindi po ako matutubos sa inyo kung sakaling humingi kayo ng ransom. Naku ! Baka nagkamali po kayo ng kidnap !!!" pagpapanic kong sabi sa kanila
Wala akong pera bakit naman ako kikidnapin ????
"Nandito na tayo." Sabi nito ng after ilang lakad namin sa hindi ko alam.
"Huh?" nagtataka kong sabi.
Binitiwan naman ako ng mga ito at iniwan akong nakatayo sa hindi ko alam.
Until I hear music playing.
Napatanggal naman ako agad ng piring and there I saw the love of my life.
Approaching at me and smiling like nothing happened.
Paglapit niya at agad ko siyang binatukan.
"Gago ka !" mangiyak ngiyak na mura ko dito.
"Sorry." Sabi lang nito na natatawa.
"Nakakainis ka ! Pwede mo namang sabihin na may paganito ka pala hindi 'yung papakidnap mo pa ako !" naiyak na ako nang tuluyan agad naman ako nitong niyakap.
"Shh. Sorry na...Wag ka na umiyak. Kasi kung sinabi ko sa'yo 'to edi hindi na surprise 'yun." Natatawa lang nitong sabi saka ako niyakap.
Sarap naman. Hehe more pa nga.
"Bakit kasi may paganito ganito ka pa, iniinis mo talaga ako. Tapos lagi kang umaalis tuwing kasama mo ako." Naiinis na hinampas ko siya.
"Dahil kasi dito. I need this to be perfect and romantic." Sabi niya saka tinuro ang set-up sa likod niya na ngayon ko lang napansin.
Simple lang naman ang set-up but it's kinda romantic. May mga ilaw sa nasabit sa mga puno, then path way na may mga brown paper bag na may candle sa loob.
Hmp. Daming alam. Gaya-gaya ata 'to kay Chito M. eh. Tho I really find it sweet dahil for the very first time may gumawa sa akin ng ganito.
Inalalayan naman ako nito papunta sa table na nakaset-up sa ilalim ng puno. Pag-upo ko ay siya ring pag-abot nito ng bouquet of roses na agad kong ikinapula.
Masyado naman akong pinapakilig nito, pinapa-fall naman ako nito ng paulit ulit.
"Let's eat muna.." sabi nito saka tinawag ang mga server.
Nakaroon kami ng small talk pero nagtataka lang ako bakit may paganito.
OMG magpo-propose ba siya ?? Hala.
Habang nasa gitna ako ng mga pag-iisip ko kung bakit may paganito si Jeremy ay naramdaman kong hinawakan nito ang kamay ko.
OMG ito na ba 'yun ????
Labis ang kaba ko na umangat ang tingin sa kanya. Nakangiti naman nitong sinalubong ang tingin ko. Hindi ko naman napigilan ngumiti dahil sa sobrang gwapo nito.
Sana kung lalaki ang anak namin sana ganito kagwapo.
Gwapo ng tatay mo 'nak.
"Krisha.." sambit nito na ikinangiti ko.
"Teka nga Jeremy, bakit nga ba may ganito ? Magpo-propose ka ba --- " agad naman akong napatakip ng bibig ko.
Oh shit ! Krisha 'yang bibig mo talaga walang preno.
"Hehehe.." sabi ko nalang para mawala 'yung awkwardness sa nasabi ko kanina.
Natawa na rin naman ito sa akin sana ako ulit tinignan.
"You're blushing.." puna nito sa akin na agad ko namang tinakpan ang mga pisngi ko.
"Wala 'to. Nag-iinit lang ako. I mean naiinitan ako !!!" mas lalo ata akong namula sa nasabi ko.
Jusko Krisha balak mo ba talaga ipahiya ang sarili mo ???
Nanggigil na ako sa sarili ko, nasa seryosong usapan puro kapalpakan.
Mas lalo naman itong tumawa saka hinawakan muli ang kamay ko.
"Well,I just wanted to say....Gusto ko iwork-out natin 'tong marriage natin..." sabi nito na ikinatahimik ko. Maybe I'm just waiting for him to say na 'joke , asa ka naman'
But he didn't.
"Hey.." tawag nito sa akin na parang hinihintay ang reaction ko.
"A-Ano ulit 'yun ?" tila nabingi kong sabi sa kanya.
"I said --- I want this marriage to work..." ulit niya saka ako hinalikan sa pisngi.
Ahhha ! Namimihasa na si Jeremy sa paghalik sa akin ah. Pero bakit sa pisngi lang ?? Sa lips naman pls??
But wait --- tama ba ang pagkarinig ko? Gusto niya i-work out 'tong marriage namin?
Narinig mo 'yun baby ?
"T-Talaga ?" hindi makapaniwalang sabi ko dito.
"Yes...Yes..Yes" sagot naman niya saka ako hinalikan muli sa magkabilang pisngi and --
"Yes." Habol niya pa saka ako hinalikan sa labi.
Oh shit. More !
Nagtatawanan kami papunta sa nakapark niyang sasakyan nang bigla siyang mapahinto.
Kumunot ang noo niya sa malayo saka nanlaki ang mga mata.
"Cindy?" bulong nito at nakatingin pa rin sa malayo.
Sinundan ko naman nang tingin ang tinitignan niya saka ko nakita ang isang babaeng maigsi ang buhok na papasakay sa isang kotse.
Muli pang sumigaw si Jeremy at hahabulin pa sana pero nakaalis na 'yung sasakyan.
"Cindy !" sigaw pa nito muli at kita ko ang frustration sa mukha nito.
Shit. Sino naman si Cindy?
BINABASA MO ANG
Unwanted Marriage
Teen FictionShe will do anything. She will risk everything. Just to be with him. Just to have him. Is it worth to wait? Or everything will be too late? (ERRORS EVERYWHERE MAIINIS KA LANG, SO READ AT YOUR OWN RISK) Copyright © May 2013