Chapter 14

99.6K 1.1K 78
                                    

Chapter 14

Krisha's POV

Nagpatuloy ang Lunch sa bahay nila Mommy Tin kahit medyo nasira ko ata. Hindi na rin bumalik si Mam Cynthia, hindi na rin nabanggit nila Mommy Tin kung bakit. Nakakatakot naman 'yung Tita ni Jeremy parang 'yung mga tita lang sa mga napapanuod ko, kontrabida hehe.

Pa-party pala ito nila Mommy kila Tita Shanelle na kababalik lang galing ibang bansa. Mukhang doon na naninirahan ang mag-asawa at ngayong bakasyon sila dito sa Pinas.

"So how's L.A?" pangangamusta ni Mommy Tin sa mag-asawa.

"Still L.A,nakakamiss talaga dito sa Pinas, I think I have another reason to stay here longer." Na-eexcite na sabi ni Tita Shanelle. Natuwa naman ako sa energy nito dahil kitang-kita ko ang positive energy sa kanya na talagang nakakahawa.

Naalala ko si Nanay sa kanya, sobrang positive rin 'yun sa life. Lagi niyang sinasabi sa akin na "Darating ang araw na magiging masaya ka at lahat ng paghihirap ko magiging worth it." Na talagang sinasangayunan ko naman.

Pero Sorry Nay, I disappointed you sa nangyari sa akin. Kay Jeremy po kasi ako masaya at sana masaya ka rin po para sa akin.

"Talaga? Ang saya naman niyan if dito nalang kayo ulit. I can always visit you anytime. " tuwang tuwa namang sagot ni Mommy Tin.

"Yes Tin, I think mas mag-eenjoy ako dito sa Pinas." Nakangiting sabi ni Tita Shanelle saka bumaling sa akin.

"Good to hear that. Is that okay with you, Santi? Diba, okay lang rin sayo?? Pagbigyan mo na itong si Shanelle, dito niyo na asikasukin 'yang mga business niyo." Pang-uusig pa ni Mommy Tin na ikinatawa namin.

"It's good, kung anong magpapasaya kay Shanelle, masaya na rin ako." Sagot naman ni Tito Sean na kinakilig ko.

Ang lalandi naman ng mga feeling teenagers na 'to. Tho ang sweet naman talaga nila.

"Sweet ! I like that ! Makakapaggirls bonding na tayo ng madalas." Excited na sabi ni Mommy Tin.

"Yes Tin, sama rin natin 'tong si Krisha, right." Dagdag nito na agad sinangayunan ni Mommy.

"Yes, then soon bibili na tayo ng mga gagamitin ng magiging apo natin..." mas lalo namang nagningning ang mata ni Tita Shanelle.

"Yes ! Yes.." napapalakpak pa itong sabi.

Natawa naman akong tignan sila habang busy ang mga boys sa sariling nilang topic.

Samantalang umalis muna si Jemma, may practice raw siya for their school activity.

Napuno lang ng mga kwentuhan ang maghapon namin, nagpasensya naman sina Mommy and Tita about kay Mam Cynthia, hindi nga daw nila maintidihan bakit ang init ng dugo sa akin samantalang hindi naman daw 'yun ganun. Nagmovie marathon rin kami hanggang nagdinner.

Ang daldal ni Tita Shannelle, ang sasaya nila kasama. Feeling ko talaga nagkaroon ako ng pangalawang Nanay sa kanila. 


Alas-onse nang makauwi kami ni Jeremy, masyado na akong pagod sa buong araw na aktibidad na ginawa namin.

"Good night." paalam ko kay Jeremy ng makapasok kami sa bahay namin.

Gusto ko na muling mag-isa dahil naalala ko na naman ang ginawa niya kahapon. Siguro nagtatampo lang ako at alam kong wala akong karapatan na magtampo at magtanong sa kanya about sa 'Cindy' na 'yun. Pero iba kasi ang pakiramdam ko sa babae na 'yun. Sa pangs-stalk ko kay Jeremy dati wala akong natandaan na nakapagstalk ako sa social media niya at nakitang may 'Cindy' na pangalan.

"Tired?" lumapit siya sa akin saka ako niyakap pero hindi ako yumakap pabalik sa kanya.

Ugh. Stop it. Baka hindi na naman kita matiis at yakapin rin kita pabalik.

Tumango lang ako sa tanong niya. Inangat naman nito ang mukha ko pero iniwas ko lang ito sa kanya tapos titingin unti sa kanya, nakikita ko kasing nahihiwagaan rin siya sa kinikilos ko ngayong araw.

"May problema ba tayo?" tanong nito pero umiling lamang ako.

"Wala naman, pagod lang ako today." sagot ko naman dito saka inalis na ang kamay niya nakahawak sa balikay ko na ikinakunot noo nito.

Tumalikod na ako at pupunta na sana sa kwarto ko nang maramdaman kong yumakap siyang muli.

"Hey, if may nagawa man ako, sorry. Hindi ako sanay na tahimik ka even kanina kina Mommy hindi ka rin masyadong nakikipag-usap." puna nito sa akin.

"Pasensya, baka sa hormones ko lang 'to. Hindi ko talaga trip ang magsalita ngayon." sabi ko nalang sa kanya. 

Kahit nagtataka ang mga tingin nito ay tumango na ito saka ako hinalikan sa pisngi.

"Sige na, tulog na kayo ni baby." Sabi nalang nito saka ako pinakawalan.


Dumiretso naman ako sa kwarto ko saka humiga. Masyado akong napagod ngayon araw akala ko kahit napagod ako makakalimutan ko na ang nangyari kagabi. 

"Cindy, I love you."

Sana Cindy nalang ang pangalan ko. 

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon