"I will never regret you or say I wish I'd never met you. Because once upon a time you were exactly what I needed." - Anonymous
Krisha's POV
It's our Christmas Party today. Kasalukuyang nagkakasiyahan sa loob ng bawat building ang mga magkakadepartment. Samantalang ako nandito lang sa pathway nakikitingin lang sa kanila.
Patapos na rin kasi ang program, nakapag-exchange gift na rin pero mukhang wala ata 'yung nakabunot sa akin. Tho hindi naman talaga big deal 'yun sa akin pero sana si Jeremy nalang tutal wala naman siya rito ngayon.
Pero what if siya nga ?
Bigla naman ako nakaramdam ng init ng aking mga pisngi tuwing naiisip siya. Baliw nga talaga ako sa kanya.
Mag-isa lang rin ako ngayon dahil si Jessa ay busy sa boyfriend niya, mukhang nakakalimutan na ako ah. Joke
At habang nag-iisa ako nang dumaan ang mga kilalang Mean at Bitch ng school namin. Akala ko sa highschool lang uso 'yung pati rin pala sa college meron.
Grupo ni Ashley at si Ashey bilang leader nakita ko na 'to once na lumabas ng bahay namin, nadala na rin ito ni Jeremy sa bahay pero nagtatago ako dahil like what he said 'Bawal may makaalam'.Tho si Jessa at tingin ko pati boyfriend niya lang ang may alam na kasal na kaming dalaa dito sa University namin.
"Oh, kawawa ka naman. Nag-iisa ka nalang." Sabi nitong Ashley sa akin na ikinataas ng kilay ko.
"Anong masama sa pagiging mag-isa? Atleast unlike you, you're too depended dyan sa mga kasama mo." Patataray ko dito.
Minsan kasi kailangan rin natin magtaray para isipin nila na hindi tayo mahina. At sinong nagsabing kawawa ang paglaging nag-iisa ? Ang saya kaya magkaroon ng time para sa sarili, 'yung tipong ide-date mo minsan tapos nagsha-shopping.
"Well, nevermind." Pag-iirap nito sa akin saka ulit ngumiti.
"And you know what? Bigay sa akin 'to ni Jeremy." Pangiingit niya bigla at saka ko napansin na may hawak pala siyang teddy bear.
This time ako naman 'yung nagtaray ulit. "And so ? Asawa ko naman siya." Pagyayabang ko at saka ko narealized ang sinabi ko. Shit ka Krisha.
"What ? Illusyunada." Sagot nalang ng mga ito.
Naku buti nalang hindi sinakyan ng mga 'to.
"Mangangarap ka nalang girl, yung hindi mo pa maabot abot. Tss." Pabulong bulong pa nito.
"Jeremy !" napatayo naman ako ng husto ng marinig ko ang tinatawag nila sa likod ko.
Shit.
"Hi Papa Jeremy.." bati ni Ashley sa asawa ko.
Yes girl, that Papa Jeremy, papa ng magiging anak namin. Hmp.
I thought i-ignore niya lang itong si Ashley pero sumagot siya ng "Hi." Sa mga dito.
Bwesit.
"Babe, may sinasabi itong babae na 'to sa amin. Asawa ka na daw niya. Ang ilusyunada , right?" ako naman ay nanigas sa kinatatayuan ko at umaasang kahit papano ipagtanggol niya ako dito sa mga ito.
"Yes." Napahinto naman ako sa sagot niya, totoo ba ? Ipinag---
"Illusyunada ka nga Miss. And please stop making nonsense story. At tumigil ka na sa kakapakialam ng buhay ko." Sabi nito saka umalis kasama ang mga babae na 'yun.
Bullshit. Wow, Krisha.
Sinundan ko nalang ng tingin at umaasang babawiin niya at magso-sorry siya at ipapahiya niya sila Ashley.
BINABASA MO ANG
Unwanted Marriage
Teen FictionShe will do anything. She will risk everything. Just to be with him. Just to have him. Is it worth to wait? Or everything will be too late? (ERRORS EVERYWHERE MAIINIS KA LANG, SO READ AT YOUR OWN RISK) Copyright © May 2013