Chapter 1

214K 2K 107
                                    

'Everyone has to make their own decisions. I still believe in that. You just have to be able to accept the consequences without complaining.-Grace Jones'

KRISHA

This is it.

'Dumating rin ang araw na pinakahihintay ko.'

Sa hinaba-haha rin ng pagpipilit, sa haba-haba man ng pangulit, mauuwi rin pala sa akin.

I supposedly be happy pero bakit hindi ko magawa ?

Natali na siya sa akin pero bakit nasasaktan ako. Sa sobrang pagmamahal ko sa kanya nagawa ko ang bagay na hindi ko dapat gawin. Tanga nga talaga ako dahil pinagsisiksikan ko ang sarili ko sa kanya, pero ganun naman talaga diba pagnagmamahal ka? Ginagawa mo lahat, binibigay ko ang lahat, nakakalimutan mo ang tama at mali at higit sa lahat nagiging tanga ka.

Halos isang oras at mahigit naging Mrs Krisha Lei Madrigal na ako, asawa ni Jeremy Madrigal

Sa tagal na pagmamahal ko sa taong ito, tinitignan ko lamang dati sa malayo pero ngayon asawa ko na, makakasama ko na sa araw-araw.

Kasalukuyan kaming papunta sa magiging bahay namin, regalo ng magulang niya. Hindi na siya nagpasalo-salo dahil pagod raw siya at gusto niya nang magpahinga. Tahimik lamang siyang nagda-drive at ramdam na ramdam ko ang panlalamig nito. Napapansin ko pa ngang nag-iiba ang expression nito na parang gusto nitong manakit. Wag naman sana.

Ilang minuto lang ay huminto na kami sa tapat ng isang malaking bahay, may dalawang palapag at kulay puti ang pintura na may halong ginto.

Ang ganda.

Sa ganda nito parang isang masayang pamilya ang maninirahan. Pero sa kaso namin --- sana. Sa laki ng bahay na ito naiimagine ko na ang magiging anak naming tatakbo papalabas dahil sasalubungin ako pagkagaling sa trabaho o kaya ---

"Anong tinatanga-tanga mo dyan.Pumasok ka na nga." naputol ang pagd-daydream ko sa galit nitong pagkakasabi sa akin.

Intindihan mo nalang Krisha, baka sobrang pagod nga. Isip ko nalang dito saka pumasok pero bago pa ako makapasok mismo sa pinto ay nagsalita muli ito.

"Tandaan mo, hinding hindi kita mamahalin. You might be my wife for now pero hindi ka deserving maging asawa ko and you will never be. " puno nang diin nitong sabi.

Masasakit ang sinasabi nito, I didn't expect na makakatanggap ako ng mga ganitong salita mula sa kanya at double pala ang sakit. Galit na galit nga siya.

'Okay lang 'yan, Krisha. Mapapaamo mo rin si Jeremy, diba nga you'll do everything?' pagpapagaan nito sa sarili.

Hindi na siyang nagsalita sa sinabi nito at nagpatuloy lang siyang pumasok sa bahay nila. Dumiretso naman siya ng kusina para uminom ng tubig dahil tila may nakabara sa dibdib niya at kailangan niya ng tubig.

Sakto naman pag inom nito ay ang pagbagsak ng mga luha niya.

'Krisha, nasa gitna ka na. Ngayon ka pa ba susuko Malayo-layo na ang narating mo ? At dapat masaya ka na. Magbubunga rin ang mga paghihirap mo.' isip isip niya.

Sa pag-iisip niya 'nun ay medyo guminhawa ang pakiramdam niya. Tama siya, dapat lang siyang maging matatag dahil nasa gitna na siya, konting hirap nalang at maabot niya rin ang gusto niya. Mamahalin rin siya.

Habang nasa kusina na rin siya at tinawagan niya ang matalik na kaibigan niya.

"H-hello?" bati niya sa kausap.

"Hoy babae ! Nasaan ka ngayon at hindi ka nagpaparamdam sa akin ?" bungad naman nito sa akin.

Pero sa halip na sagutin ang bungad ng matalik na kaibigan, nagkwento siya.

Unwanted MarriageTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon